CHAPTER 36

35 10 3
                                    

Chapter 36: Faint

NAYEON'S POINT OF VIEW
2 couples na ang masaya, sa tingin ko hindi na matatapos ang away ni Tzuyu at Jungkook, dahil mas pinipili parin ni Tzuyu si Mingyu. At bakit nga pala wala si Tzuyu dito sa dorm? Alam ko na, kakausapin ko muna si Yoongi, gagawa kami ng plano.

"Yoongi, kita tayo sa park. Wag kang magsasama ng iba, privacy pls Yoongi.."

"Bakit? Anong pag-uusapan?"

"Basta, pumunta ka na lang."

"I'll pick you up, just a second.

"Dito mo ko kukunin sa dorm??"

"Yup. Hang on hintayin mo ko diyan."

Binaba ko na ang cellphone ko at nag-ayos, hindi ko muna sila pinansin. Hanggang sa may bumusina sa labas at alam kong si Yoongi yon. Nag-wave na lang ako kela Jihyo.

Pag-labas ko ng dorm, naka-handa na si Yoongi, naka-bukas na ang pinto ng sasakyan para sa akin. Pumasok ako at sinara niya yung pinto ko, agad siyang umikot para pumunta doon sa driver's seat.

Tahimik ang ere, pero binasag ni Yoongi yon.

"By the way Nayeon. Bakit ba tayo sa park magu-usap? Pwede naman sa labas lang ng dorm niyo diba?" Tanong ni Yoongi habang naka-tingin sa kalsada.

"Uhmm, alam mo naman sila Sana. Pag may narinig ipagsasabi sa iba." Sabi ko habang tumitingin sa kanya.

"Oh, if it's the problem. This is the good idea." Sabi ni Yoongi sabay evil smile.

"Hoy! Yoongi! Ano yang binabalak mo?!" Tanong ko at napa-ngisi siyang tumingin sa akin.

"Wala, wala. I'm just kidding. Ang sarap mo kasing asarin." Pagbibiro niya pa na ikina-galit ko.

Naka-rating na kami sa park, at bumaba kaming dalawa sa sasakyan. Pag-pasok namin sa park nagulat kami sa nakita namin.

Si Jungkook at Tzuyu? Mag-kasama? Kaya pala kanina hinahanap ko si Tzuyu.

"This can't be happen, Yoongi." Sabi ko sabay hatak sa kanya, nahawakan ko yung kamay niya na ikina-pula ng pisngi ko.

"Bakit? May masama ba kung mag-kasama sila?" Tanong ni Yoongi saakin, pulang pula na talaga ako na parang kamatis, mag-kalapit talaga yung mukha namin sa puntong ito.

"Alam mo namang, mag-kaaway si Mingyu at Jungkook, at galit din si Tzuyu kay Jungkook. Alam nating galit si Tzuyu kay Jungkook pero tingnan mo naman! Mag-kasama sila!" Sigaw ko ng hawakan niya ang kamay ko.

Hinatak ako ni Yoongi papunta kela Jungkook at Tzuyu.

"Hello, Yoongi hyung at Nayeon noona!" Bati ni Jungkook. Si Tzuyu nag-wave lang ng kamay sa amin.

Bakit ba sila naka-tingin sa baba? Hala! Nakita nila na magka-holding hands kami ni Yoongi, omg! Nakakahiya. Crush ko panaman tong nerd na toh!

At bakit pa kasi naka-salamin tong si Yoongi, ang cute tuloy tingnan.

"Nayeon unnie? Why are you holding Yoongi oppa's hand?" Tanong ni Tzuyu, hindi ko na lang siya sinagot dahil nahihiya na talaga ako.

"Ahh, Jungkook, Tzuyu. May pupuntahan kasi kami ni Nayeon, ma-una na kami." Sabi ni Yoongi at hinatak nanaman ako.

Tumigil ako at pumiglas ako sa hawak ni Yoongi.

"Nakakahiya Yoongi! Nakita pa ng mga maknae na naka-holding hands tayo.!" Buti na lang nagpalusot ka pa!" Sabi ko at hinawakan ko ang ulo ko, ay ang saket grabe!!

Di ko na alam ang susunod na nangyari, basta ang alam ko nahimatay ako.

YOONGI'S POINT OF VIEW
Paano na to? Nahimatay si Nayeon, ang mabuti pa dadalin ko na lang siya sa dorm. Binuhat ko siya ng parang pang-bridal style at isinakay sa sasayan, umikot ako papunta sa driver's seat. Nag-drive ako papuntang dorm, pag-dating namin doon binuhat ko ulit si Nayeon at pumasok na ako.

"Oh? Yoongi hyung? Napaano si Nayeon noona?" Tanong ni Jimin.

"Nahimatay lang." Sabi ko at dali daling umakyat sa taas.

Dinala ko siya sa kwarto ko at pinahiga doon, hinintay ko na lang siyang magising, bumaba ako at nanood ng tv, nakita kong kakarating lang ni Jungkook kasama si Tzuyu.

"Oh Yoongi hyung, ang bilis mong maka-uwi ah. Si Nayeon noona? Naka-uwi na ba?" Tanong ni Jungkook.

"Nahimatay si Nayeon noona. Andun siya sa taas." Sabi ni Jimin, nakita ko yung reaction ni Tzuyu na gulat na gulat. Kahit kelan ang ingay ng bunganga ni Jimin.

Umakyat sila at sinundan ko na lang sila, hindi nila alam kung saang kwarto ko siya nilagay kaya pumasok ako sa kwarto ko.

"Andito si Nayeon." Sabi ko at pumasok agad si Tzuyu.

Nakita ko kung paano tabihan ni Tzuyu si Nayeon, siguro inalagaan din siya ni Nayeon. Para silang mag-kapatid, cute. 

"Hoy, Yoongi hyung?! Ano yan?!" Tanong ni Jungkook sa akin.

"Ano yun?" Tanong ko, napahawak naman si Jungkook sa baba niya, bat di na lang sa ilong?

"May namamagitan ba sa inyo ni Nayeon noona?" Tanong niya na ikina gulat ko.

"Wala ah. Pano mo nasabi na may namamagitan sa aming dalawa?" Tanong ko.

"Kasi lagi kayong magka-sama tapos kayong dalawa ang tumutulong sa lovelife namin eh. At lagi na lang kayong may secret secret. Ang weird niyo kaya." Sabi ni Jungkook sabay baba.

Oo nga noh, lagi kaming mag-kasama at lagi kaming may secret. Pero wala namang namamagitan saming dalawa, may gusto talaga ako sa kanya dati pa, nasaktan nga ako ng hindi niya tinanggap yung panliligaw ko.

Nilapitan ko si Tzuyu at nakita kong gising na si Nayeon.

"Nayeon? Ok ka na ba?" Tanong ko.

"Oo ok na ako hubby." Sabi niya na ikina gulat namin ni Tzuyu, bakit ba tinatawag niya akong hubby?

NAYEON'S POINT OF VIEW
Kakagising ko lang at nakita ko agad si Tzuyu na nasa tabi ko, kanina lang si Yoongi ang kasama ko at nasa park pa kami, pero ngayon nasa isang kwarto kami na punong puno ng mga albums.

"Nayeon? Ok ka na ba?" Tanong ni Yoongi.

"Oo ok na ako hubby." Di ko alam kung bakit ko sinabi yun, nung nakaraan lang lahat sila nagduda dahil tinawag ko si Yoongi na hubby.

Nakita ko na nagulat si Tzuyu dahil sa sinabi ko. Magpapa-lusot na lang ako.

"Ahhh, Yoongi. Ma-una na kami ni Tzuyu, may aasikasuhin pa pala ako." Palusot ko.

"Teka, ihahatid ko na kayo. At Nayeon, ano yung dapat nating pag-usapan kanina?" Tanong ni Yoongi.

"Wala na yun Yoongi, uwi na kami." Sabi ko at hinawakan ko ang braso ni Tzuyu at nagmamadaling umalis.

Umuwi na kami agad sa dorm at pinabayaan ko na lang yung mga nangyari kanina.

36th Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now