CHAPTER 39

36 4 0
                                    

Chapter 39: Displeasure

NAMJOON'S POINT OF VIEW
Dahil umuwi na kami, bumalik ako ulit dahil talagang kailangan ko ring malaman kung bakit nag-iiwasan sila Yoongi hyung at Nayeon.

May problema ata, nagiiwasan sila sa mga nakaraang araw na nagdaan. Bakit kaya? May pinag-awayan ba sila? Kung may problema silang dalawa, paano ako magpapatulong para kay Jihyo??

Wrong timing naman kasi. Nag-away pa kasi sila, ano kayang pwedeng gawin? May paraan pa ba para mapag-bati ko sila??

Magpapatulong nga ako kay Jihyo, para masabihan niya si Nayeon at mapunta kay Yoongi hyung. At matutulungan niya na ako kay Jihyo.

Lumapit ako kay Jihyo. "Jihyo, pwedeng favor?" Tumango na lang siya.

"Paki sabi naman kay Nayeon na magbati na sila ni Yoongi hyung para maging aki—" Napatakip ako ng bibig.

"Para maging??" Nagtaka si Jihyo, baka madulas pa ako nito sa ginagawa ko.

"Ahh wala, paki sabi na lang salamat." Sabi ko at umalis na, tumibok ng malakas ang puso ko at sobra akong nakahawak dito, narinig niya kaya yun? Sana hindi.

Habang umaakyat si Jihyo papunta sa kwarto ni Nayeon, sumunod ako ng hindi niya alam, kailangan kong marinig ang mga pinaguusapan nila para malaman ko lahat.

Pumasok na si Jihyo at swerte hindi niya sinarado ang pinto. Nakita kong nilapitan niya si Nayeon.

"Nayeon, may away ba kayo ni Yoongi?" Nagulat si Nayeon.

"Paano mo nalaman??" Halos lumuwa na ang mata ni Nayeon sa sobrang gulat.

"Sabi kasi ni Namjoon sa'akin na pasabi sa'yo na mag-bati na kayo ni Yoongi." Napakamot ng ulo si Nayeon.

"Seryoso wala kaming away, tampuhan lang."

"Pero ayusin niyo yan." Naka-cross arms si Jihyo, parang siya ang nanay kahit na si Nayeon ang mas matanda.

Napaisip ako na kung anong pwedeng gawin para mapag-bati agad ang dalawa... Sigurado akong hindi payag si Nayeon na makipag-bati agad kay Yoongi hyung kaya kailangan kong gumawa ng paraan.

Dahil sa sobrang pagi-isip hindi ko namalayan na nakita pala ako ni Jihyo na nakasilip sa pintuan. Yung expression ng mukha niya nagtataka.

"Oh? Bakit ka nandiyan sa pintuan? At bakit pinapakinggan mo kami?" Pati sa'akin nag-cross arms siya.

"Wala. Hinihintay lang kita, hinihintay ko yung sagot ni Nayeon e." Napakamot ako sa ulo, buti na lang magaling ako magpalusot.

Habang pababa kami ni Jihyo nag-kwento siya.

"Sabi ni Nayeon unnie, tampuhan lang daw, at walang away." Napa-isip ako na gawan tuloy sila ng magandang paraan para magka-ayos sila.

"Sige salamat sa pagtatanong, mauna na ako." Lumabas na ako ng dorm nila.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi!!" Kumaway si Jihyo sa'akin, at siyempre kumaway din ako. Ano ba kinikilig ang buong sistema ko.

Pag-uwi ko dumiretso ako sa kwarto ni Yoongi hyung. Pagpasok ko nakita ko si Yoongi hyung na gulat na gulat.

"Ano kailangan mo?" Nakakunot ang noo ni Yoongi hyung.

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now