@user13430239 Thank you for reading! This is for you!
Marcus
"MISS..." tawag ni Enzo kay babaeng yun. "Ano bang nangyari sa kamay mo?" Concern na tanong ni Enzo sa kanya. Napangiwi na lang ako. Galawan din ng isang 'to!
Tsk!
"Sinuntok niya ang bintana ng kotse ko." Ako na yung sumagot sa tanong na 'yun. Tumingin silang dalawa sa akin. Tumingin ako sa kanila na para bang sinasabihan sila ng 'What?!'. Totoo naman kasi ang sinabi ko.
"Hehehe pasensya na miss sa kaibigan ko, gago talaga 'yan minsan." Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan ko. Talaga lang ha?! Inis na sinipaan ko siya sa paa niya.
Binigyan niya naman ako ng 'tumigil-ka-dyan-dahil pinopormahan-ko-ang-babaeng-to' look!
Aish!
Gusto kong hambalusin ng stroller ang kaibigan ko. Wag ako, gago!
Mapanganib ang babaeng 'yan! Sasawayin ko na sana siya nang magsalita si 'babaeng yun'.
"Totoo ang sabi niya doc." Sabi ni babaeng 'yun. "Sinuntok ko 'yung bintana ng kotse niya kaya nagkasugat ako." Seryosong saad ni 'babaeng yun' sa kanya. Hindi makapaniwalang tumingin si Enzo sa kanya.
"W-why?!" Gulat na tanong ni Enzo sa kanya. Hindi siya sinagot ni babaeng 'yan at imbes ay tinaasan niya ako ng kilay.
What?
Anong nagawa kong kasalanan sa kanya?
"Hoy!" Tawag niya sa akin. "Kargahin mo kaya ang anak mo. Baka nababagot na siya diyan sa stroller." Sabi ng babaeng 'yun sa akin. Eh kung siya kaya ang kumuha, trabaho niya 'yun eh! Tsk.
"Oo nga pre, kunin mo si baby Ivory." Sabad naman ni Enzo pero parang hindi pa rin siya maka move-on sa sinabi ni babaeng 'yun sa kanya. Tulala lang ito habang palipat-lipat ng tingin sa kamay ni babaeng yun at sa mukha nito.
Napailing na lang ako.
Wala kasi sa itsura ni babaeng yun na kaya niyang bumasag ng salamin ng kotse eh...
Madadami talagang naloloko kapag physical na anyo lang ang tinitingnan ng isang tao.
Pero si Enzo, hindi naman ganoon katanga...
Hay, nabaliw lang talaga ang kaibigan ko! Hayst! Bahala ka nga sa buhay mo!
Napatingin ako kay baby Ivory na nasa stroller. Ngayon ko lang natitigan ang mukha ni Ivory ng malapitan. Natutulog ito. Ang ganda ng batang 'to. Tiyak ako, paglaki nito, madami siyang paiiyaking lalaki! Napangiti ako ng bigla siyang gumalaw at may lumubong laway sa may labi niya. Napangiti ako. Ang cute niya!
Nawala ang ngiti ko. Shit! Anong ginagawa ko?! Napailing ako at nag-angat ng mukha. Tumingin ako kina Enzo at babaeng 'yun... Nakahinga ako ng maluwag na nakita kong busy sa paglagay ng benda si Enzo sa kamay ni 'babaeng yun' at si 'babaeng 'yun' naman ay nakatingin lang sa kamay niya.
Wala akong nararamdamang sparks sa kanila! Kaya hindi magtutuluyan ang dalawang 'to!
Tumikhim ako.
"Tulog siya eh." Mahinang sabi ko at tumingin sa akin si 'babaeng yun'.
"Doc, ayos na po ang kamay ko kaya pwede po ba bitawan niyo na ako. Uuwi na kami. Natutulog na ang alaga ko." Agad na sabi niya. Natulala si Enzo sa sinabi ni babaeng yun.
Tumayo si 'babaeng yun' kaya nahulog 'yung benda na inilalagay ni Enzo sa kamay niya. Hindi pa pala tapos? Ang tagal ha? Tsk. Enzo! Lumapit si babaeng yun sa akin. Hinawakan niya ang stroller.
BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
ChickLitSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!