Thirty-one

952 34 1
                                    

AN: written in third POV

"Daddy..." mahinang tawag ni Ivory sa ama niyang nakaupo sa mahabang sofa habang nakatingin sa labas ng bahay nila.

Mabilis na lumingon si Marcus sa anak niya. Ang alam niya napatulog na niya ang anak. "Bakit gising ka pa baby?" Tanong ni Marcus at mabilis na lumapit sa anak. Mukhang naalimpungatan ang bata at baka mahulog pa sa hagdan kaya nilapitan niya ito.

Kinarga ni Marcus ang anak  pagkatapos ay pumasok sa kwarto nito. Inihiga niya ito sa munting kama.

"Nagising kasi ako tapos paggising ko wala si mommy sa tabi ko, nasaan ba siya?" Tanong nito sa kanya.

Natutulog kasi si Alodia sa kwarto ni Ivory. Napangiti si Marcus. Isa ito sa mga nagbago kay Ivory nang dumating kay Alodia. Hindi naman ganito ang anak niya noon. Ayaw niya nga itong may katabi sa pagtulog pero ngayon laging hinahanap si Alodia.

Napabuntong hininga na lang si Marcus sa tanong ng anak. Sabi ni Alodia, pupuntahan daw niya yung kaibigan niya pero hanggang ngayon hindi pa ito umuuwi. Alas diyes na ng gabi.

"Daddy, bakit ka nag la-lie kay mommy?" Napatingin agad si Marcus sa anak niya.

Hindi niya alam pero ayaw niya ang magiging sunod na sasabihin ng anak niya. Impossible kasing alam ni Ivory ang nangyayari. She's just a kid!

"Baby..." nasabi na lang ni Marcus. Gusto niyang malaman ang nasa utak ng kanyang anak.

"Daddy, I know you are lying to mommy Alodia." Nanlaki ang mga mata ni Marcus ng sabihin ng anak niya ang bagay na yun. Alam ni Marcus na mas mature mag isip ang anak niya sa mga ka edad nito. Sinabihan kasi siya ng teacher nito sa day care pero hindi niya aakalain na ganito ka mature ang anak niya. Maybe nakuha niya ito kay Lisa. Lisa is very smart at may pakialam sa mundo hindi tulad niya.  "She's not my real mommy pero she's my mommy now but she's not your wife. You did not marry mommy. Kaya bakit sinabi mo sa kanya noong nasa hospital siya na wife mo siya?" Nakakunot ang noong sabi ni Ivory.  "Hindi ko lang masabi kay mommy ang totoo dahil feeling ko ma sa-sad ka kapag  malaman ni mommy na nag la-lie ka lang sa kanya." Concern na sabi ni Alodia.

Goodness!

Biglang tinablan ng konsensya si Marcus sa sinabi ng anak.

Manghang nakatitig si Marcus sa anak niya. Sasagutin na sana ang anak niya nang makita niyang kinusot-kusot ang mga mata nito. Babagsak na ang mga talukap nito.

"Baby..." tanging nasabi ni Marcus. Humiga siya sa tabi ng anak niya at mahinang tinap ang pwetan ng anak. Paulit-paulit na ginawa niya yun para makatulog ang anak niya.

Ngayon lang na realize ni Marcus na nadadamay ang anak niya sa pinaggagawa niya. Alam niya sa simula pa lang na madadamay si Ivory pero hindi ganito. Kung may nakikita siyang ibang paraan para mapasakanya si Alodia. Hindi niya to gagawin.

Kaso masyado ring matibay si Alodia ngayon. Malaking pader ang inilagay niya sa akin. Hindi ko matibag-tibag.

"Daddy, mahal mo ba si mommy?" Bakit ka nag la-lie?" Biglang tanong ni Ivory kay Marcus. Napatingin si Marcus sa anak niya. Bakit hindi pa ito natutulog?

Huminga siya ng malalim at hinalikan ang ulo nito. "Baby, mahal ko ang mommy Alodia mo. Pero kasi.... It's complicated..." hindi ako mahal ng mommy Alodia mo. Ikaw lang ang mahal niya. Gusto sanang idagdag ni Marcus pero hindi niya tinuloy. Magmumukha siyang loser sa harap ng anak niya. "Baby, 'wag mo na isipin 'to. Problema to ng mga adults. Sleep ka na." dugtong ni Marcus. Ang bata-bata pa niya para isipin ang mga ganitong bagay. Maipasyal nga ang batang to sa kidzania.

"Complicated?" Nakakunot noong tanong ni Ivory sa ama. "I don't think so. I think mommy loves you."

Nakuha ang  buong attensyon ni Marcus sa sinabi ng anak niya. Parang na excite si Marcus. Hindi maitago ang saya.

"Paano mo nasabi yan? Sinabi ba yan ng mommy Alodia mo sa 'yo na she loves me?" Masayang tanong ni Marcus sa bata. Baka may nasabi si Alodia kay Ivory.

Umiling lang si Ivory. "Because, I feel it." Inosenteng sagot ng anak niya. Ah... Nawala ang ngiti at ang saya sa mukha ni Marcus sa sagot ng anak niya. Akala ni Marcus kung ano na. Bata pa talaga ang anak niya. Siguro gusto lang palakasin ni Ivory ang lakas ng loob ng ama niya kaya sinabi niya ang bagay na yun sa akin... Baka yun nga.

"Yeah... you're right." Mahinang sagot  ni Marcus. "Tulog ka na baby..." mahinang wika ni Marcus sa anak niya at pinampam yung pwetan ng anak para makatulog. Habang pinapatulog ang anak hindi napigilan ni Marcus ang maantok.....

----------

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong ni Marcus kay Alodia nang bumukas ang pinto. Tinitigan lang siya ng dalaga na para bang hindi makapaniwala na hinihintay siya nito. Alas dose na ng makauwi si Alodia sa bahay ni Marcus. Muntik na ngang makatulog si Marcus pero hindi siya nagpatalo sa antok.

Pagkatapos ng sementeryo, may pinuntahan pa si Alodia na ibang lugar. Mga lugar na kailangan niyang puntahan upang wakasan ang mga bagay-bagay para masimulan na ni Alodia ang gusto niyang buhay. Ang  buhay na kasama sina Marcus at Ivory. Gusto ng harapin ni Alodia ang nararamdaman niya. Hindi na siya matatakot at magtatago. Pero rin mawala sa isip niya ang ginawa ni Marcus. Ang pagsisinungaling sa kanya. Gusto niya munang malaman ang rason ng lalaki. Baka gusto lang maghiganti ng lalaki sa kanya. Kaya mamaya muna niya uunahin ang nararamdaman. Gusto niya muna malaman ang damdamin ni Marcus para sa kanya. Dahil kung hindi naman pala parehas kami ng nadarama ni Marcus, aakitin ko ang lalaking to. Lihim na napangiti si Alodia sa iniisip niya.

'Bakit gising pa ang isang 'to?' Tanong na lang ni Alodia sa sarili niya.  "Hindi ko naman sinabi na hintayin mo ako eh." Mataray na  sagot ng dalaga sa binata.

Wow! Gustong isigaw ni Marcus sa mukha ni Alodia.

Hindi makapaniwala si Marcus sa narinig niya. Nag aalala siya para sa dalaga tapos ito lang ang aabutin niya? Hindi man lang ba magpapaliwanag si Alodia?

Umakyat lang sa hagdan si Alodia na para bang walang nangyari at hindi nakita si Marcus.

"Saan ka ba kasi nagpunta at bakit ngayon ka lang nakauwi?!" Inis na tanong ni Marcus sa dalaga. Pero parang bingi si Alodia. Hindi siya pinansin na mas kinainit ng ulo niya. Ang simpleng-simple lang kasi ng tanong niya. Bakit ayaw sagutin ng dalaga? "Hindi ka man lang tumawag o nag text!! Nag alala ako sa 'yo!" Galit na bulyaw ni Marcus.

Natigilan si Alodia sa paglalakad at parang may nagpalakpakang mga anghel sa tenga niya ng maalala niya ang huling sinabi ni Marcus. Actually, parang yun lang ang narinig ni
Alodia sa sinabi ng binata. Napangiti si Alodia pero hindi siya dapat magpadala.

"Nag alala ka sa akin?" Ulit ni  Alodia sa sinabi ni Marcus sa mahinang boses. Yung tipong hindi maririnig ni Marcus.

Inalis ni Alodia ang ngiti sa mukha at lumingon sa lalaki. 

Tinitigan lang niya si Marcus at inirapan.

Hindi nakita ni Alodia ang paglaglag ng panga ni Marcus sa ginawa niya.

"Bahala ka sa buhay mo." Sabi ni Alodia at nagpatuloy sa pag akyat sa kwaro niya. Napangiti si Alodia ng nasa may huling baitang na siya sa itaas.

Mahal kita Marcus pero hindi ibig sabihin yun hindi kita tuturuan ng leksyon sa pangloloko mo sa akin! At mamaya na ako aamin no 'pag sigurado rin ako na pareho tayo ng nararamdaman! 

Hindi mapuknat ang ngisi ni Alodia sa labi habang pumapasok sa kwarto ni Ivory. Mabilis na humiga siya at yinakap si Ivory. Umungol lang ang bata pero yinakap naman siya nito. "Munting tiyanak ko..." mahinang wika ni Alodia at hinalikan sa ulo si Ivory....

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon