Twelve

1K 44 3
                                    

Alodia

"Ano bang kailangan mo?!" galit na tanong ko kay Alfred!

Tinitigan lang niya ako imbes na sagutin ang tanong ko.

Nakakainis!

No reaction?

Bwisit! Lumingon na lang ako sa gilid ko na para bang makikita ko ang kamay kong nakagapos sa upuan. Pilit na kumuwala ako sa pagkakagapos kaso ang higpit ng pagkakatali ng mga kamay ko sa upuan. Nasasaktan lang ako sa ginagawa ko. "Bakit kailangan pang gapusin ako?!" dagdag ko pa. Naiinis na ako! Sa sitwasyon na meron ako ngayon at sa mga nangyayari ng buhay ko! Pwede ba patayin na lang nila ako?! Tutal wala naman akong gagawin sa buhay ko! Natapos na lahat ang mga pangarap ko ng hatulan ako ng judge sa kasalanang hindi ko ginawa!

Wala na akong mukhang ihaharap sa mga taong mahal ko! Patayin na lang nila ako please!

"Alodia..." tawag sa akin ni Alfred kaya tumingin ako sa kaniya. Nailayo ko agad ang mukha ko sa kaniya dahil nang tumingin ako sa kaniya nakayuko siya at sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Malapit ng magkadikit ang mga labi namin! Yuck!

"Mas lalo kang gumanda..." sabi niya. Napangiwi ako dahil kinilabutan ako sa sinabi niya. Tamaan sana siya ng kidlat! Masama ang tingin na tinitigan ko siya. May itsura naman si Alfred. Gwapo, chinito, matangkad, matangos ang ilong, may magandang ngipin pwede nga siyang tawaging "Oppa" eh! Kaso nakakabwisit lang siya! 'Yung ugali niya! Napakasama niya! Atsaka ew! Hindi siya ang tipo ko!

"Lumayo-layo ka nga sa akin Alfred!" galit na sigaw ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin at tumayo siya ng maayos pagkatapos. "Ano ba kasi ang kailangan niyo sa akin?!" tanong ko sa kaniya at binigyan lang niya ako ng tamad na expression. Bwisit! "Ginawa ko naman ang gusto niyo ha?!" dugtong ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi ng tauhan niya sa akin nang nasa selda ako at malapit na ang hearing ko. Na kapag inako ko lahat ng mga kasalanan nila sa batas, hindi nila sasaktan ang mga taong malapit sa akin. Kakalimutan ko sila at kakalimutan nila ako kapag inako ko yung kasalanan nila. Pero ano 'to?! Bakit kinaladkad ako ng tauhan niya sa pangit na lugar na 'to?! Akala ko ba magkakalimutan na kami? Inako ko ang kasalanan nila ha! Nakulong ako dahil sa kanila! Oo! Gaga ako! Pagkatapos kong tumakas sa hospital ni Enzo, pumunta agad ako kay Alfred. Pumunta ako doon para sabihan siya na aaalis na ako sa grupo nila pero imbes na siya ang makita ko roon, iba ang nakita ko...

Years Ago

"Alfred?" tawag ko sa pangalan niya ng makapasok ako sa opisina niya. Napakunot ang noo ko ng wala man akong narinig na sagot mula sa kanya. Impossible naman na wala siya dito. Pero kong titingnan walang katao-tao rito sa opisina.

Ang opisinang tinutukoy ko ay 'yung foundation ni Alfred. 'Give Life Foundation' ang pangalan ng foundation ni Alfred. Oo alam kong illegal to.

Hindi sila kompleto sa papeles at may bagay na  maku-kwestyon mo talaga ang operasyon nila. Tulad na lang kung bakit tumatanggap sila ng bayad kapag binibigay nila yung laman ng tao, akala ko ba foundation slash charity, bakit may ganoon. Diba kasi dapat libre....

Natuklasan ko ang foundation na 'to noong naghahanap ako ng pantransplant sa puso ni Lisa. Sabi kasi noong tatay ni Enzo na pwede daw operahan si Lisa pagkatapos niyang manganak pero nagkakompliksyon sa panganganak ni Lisa eh kaya nag-iba ng plano at nag-iba ang mga pangyayari. Inalok ako nila Alfred na magtrabaho sa kanila. Humindi ako pero nagsabi ako noong kamamatay lang ni Lisa na i-do-donate ko ang lahat organ ko sa kanila kapag namatay ako.

At aaminin ko para na rin akong nagtrabaho sa kanila dahil nang re-recruit din ako ng mga taong pwedeng mag donate! Lalo na yung mga kakilala kong malapit ng mamatay.

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon