"OO, pupunta na kami diyan mamaya..." pinatay ni Marcus ang phone niya pagkatapos ng tawag na 'yun. Tumingin siya sa dalawang kasama niya sa bahay ngayon.
Isang babae na mas bata sa kanya ng dalawang taon at isang sanggol na anim na buwan.
Huminga siya ng malalim.
Napakatahimik ng buhay niya. Para siyang hari sa sariling mundo niya pero ngayon, napakagulo!
Nagigising siya sa iyak ng bata sa kalagitnaan ng gabi! Siya ang nagpapalit ng diaper, nagpapaligo, nagpapakain at kung anu-ano pa para sa batang 'yun!
Anong gawa ng nanny ng baby na 'yun?
Kumain, magmando ng dapat kung gawin para sa bata, matulog, manood ng tv, mag-utos, mag-utos at mag-utos!
Nakakabwisit!
Parang ako 'yung nanny ng batang 'yun! At katulong ng babaeng yun minsan! Nakakainis!
Huminga na lang ako ng malalim.
"Maghanda ka, aalis tayo..." sabi ni Marcus sa babaeng nagpapakain ng cerelac sa sanggol na babae.
"Saan tayo?" Tanong noong babae na hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang lalaki.
"Pupunta tayo sa hospital ng kaibigan ko, i papa-DNA ko ang batang 'yan para makumpirma ko kung anak ko ba talaga 'yan." Madiin at seryosong sagot ni Marcus. Huminga lang ng malalim ang babae.
"Alam mo, nagsasayang ka lang ng oras. Anak mo nga si Ivory." Madiin na sabi ng babae at tumingin kay Marcus. Tsk!
Napahilot sa sentido niya si Marcus dahil sa sinabi ng babae!
Nakaka-drain ang babaeng 'to. Araw-araw niyang sinasabi na anak ko daw ang batang 'to! Anak ko sa dating sekretarya ko na si Lisa! Oo inaamin ko may namagitan sa amin ng sekretarya ko. Pero isang beses lang 'yun! Noong team building namin! At siguradong-sigurado ako, gumamit ako ng proteksyon ng gabing 'yun kaya impossible ang sinasabi ng babaeng 'to!
"Kailangan kong makasiguro." Sabi na lang niya.
Padabog na binaba ng babaeng 'yun ang hawak niyang kutsara sa lamesa kaya nakita ni Marcus na nadurog 'yung kutsara. Napalunok na lang si Marcus! Grabe! Nakakatakot ang babaeng 'to! Partida yung may sugat niyang kamay ang pinanghampas niya.
"Paulit-ulit na lang Lagdameo! Sabi ko sa 'yo, ikaw ang ama ni Ivory." Madiin na sabi ng babaeng 'yun sabay tayo sa pagkakaupo at humarap ang babae kay Marcus.
Parang napigti na rin ang pagtitimpi ni Marcus kaya galit na humarap na rin siya sa babae!
"Buhay ko ang nakataya rito, babaeng amazona! Nasa rurok ako ng tagumpay ko! Perpekto na ang buhay ko! Tapos ngayon bigla ka na lang darating sa buhay ko! Dala ang batang 'yan!" Sigaw ni Marcus at tinuro niya ang batang nilalaro ang cerelac na sa bibig niya! Wala itong kamuwang-kamuwang sa nangyayari sa mga taong nakapalibot sa kanya. "At sasabihin mong anak ko 'yan! Fuck! Hindi ako tulad ng iba diyan na kung kanino-kanino pinupunla ang lahi nila! Gumagamit ako ng condom tuwing nakikipagtalik! Kaya ano?! Ano ang iisipin ko?! Buti nga pinayagan ko kayong tumira rito ng limang araw! Kahit hindi ako sigurado kong anak ko nga talaga ang batang 'yan!" Parang bulkang sumabog si Marcus dahil sa galit.
Hinihingal si Marcus ng masabi niya 'yun. Napapikit si Marcus para kalmahin ang sarili. Nang kumalma na siya ay napatingin siya sa babae.
Nanatiling walang kaemosyon-emosyon ang babaeng nasa harapan niya. Ganoon naman lagi ang babaeng 'yan!
"Alam mo kung hindi lang talaga..." hindi nito natapos ang sasabihin niya at huminga ng malalim. Biglang pumikit ang babaeng 'yun na para bang pigilan ang sarili niya na gawin ang sarili. Gumalaw-galaw pa ang panga nito. Galit siya?
BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
Chick-LitSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!