Four

1.4K 47 2
                                    

Marcus

ILANG ARAW ng tulog si babaeng 'yun. Sabi naman ng doctor okay lang siya pero bakit ganoon, bakit hindi pa siya nagigising?

Maraming nawalang dugo sa kanya pero dahil sa mabilis na pag responde nila Enzo naging okay na siya.

"A-anny!" Turo ni Ivory sa nanny niya! Karga ko siya ngayon.  Nakaupo ako sa sofa habang karga ko siya. Pinaharap ko siya sa nanny niya. Iyak to ng iyak kanina sa condo ko. Doon muna kami sa condo ko na binili ko noong college kami tumutuloy ngayon dahil may mga pulis na nag iimbestiga doon sa bahay ko.

Oo may mga pulis. Malakas ang kutob ko. Hindi ako naniniwala na madudulas si babaeng yun sa hagdan. May nangyaring iba pa.

Nawawala kasi ang gamit ni babaeng 'yun at ang gamit ni Ivory. Kaya masasabi kong may nakawan na ng nangyari. Which is weird. Babae ba ang magnanakaw? Tapos nanay pa? Kasi yung gamit lang ng dalawa ang nawawala. Yung akin, kumpleto... Hindi nga nagulo ang kwarto ko. Yung sa sala lang din at parang sinadya.

Pumiksi si Ivory at umakto pa itong pupunta sa nanny niya pero pinigilan ko. "Anny! Ny! Ny! Ya!" Malakas na sigaw ng anak ko. Jusko! Nagawan ni Enzo na madala ko si Ivory dito sa hospital nila. Naawa na kasi ako sa bata, hinahanap ang nanny niya. Mahal na mahal talaga ni Ivory si babaeng 'yun.

"No, baby." Sabi ko at pinaharap ko siya sa akin. "Nagpapagaling ang nanny mo..." mahinang sabi ko sa kanya. Tumitig lang si Ivory sa akin na para bang iniintindi ang sinasabi ko. Napangiti na lang ako. Ang cute niya.... Hinalikan ko si Ivory sa pisngi niya. Nag baby talk lang siya sa akin.

Napatingin ako kay Nanny kapag nakita niya 'to, matutuwa siya. Dahil ito ang gusto niya. Sana gumising na siya.

IKATATLONG linggo na niya ngayon dito sa hospital, pero hindi pa rin siya gumigising! Gumaling na nga yung sugat niya sa kamay na hindi ko maintidihan bakit ito nag swell. "Enzo, bakit hindi pa siya nagigising?" Tanong ko sa kanya. Nasa tabi ko siya ngayon. Iniwan ko si Ivory sa kapatid ko-half brother ko.

"Actually, hindi ko rin alam. Okay naman lahat ng vital signs niya, pero kasi...kung ayaw niya talagang magising, hindi talaga siya magigising.." mahinang sabi niya. Ha? Napalingon ako sa kanya.

"Paano mo nasabi niyan?" Tanong ko sa kanya. "Bakit ayaw niyang magising? Wala ba siyang pamilyang babalikan? Atsaka si Ivory paano na lang?" Tanong ko.

Wala akong alam tungkol kay nanny. Hindi ko nga alam ang pangalan niya. Basta ang alam ko lang siya yung nag-aruga sa anak ko matapos mamatay ni Lisa-yun ang naintindi ko sa huling pag-uusap namin. Yun lang. Hindi pala. Alam kong mahal na mahal niya ang anak ko. Wala ng iba. Pero itong si Enzo, may kutob ako na may alam siya. Paano niya kasi nasabi ang bagay na 'yun?

"Well, hula lang..." sagot niya. "May mga case kasi na ganyan. Kung hindi willing gumising at lumaban ang isang pasyente, talagang hindi siya gagaling..." sabi niya. Napatingin ako kay nanny. Hindi willing? Bakit? Impossible naman yata! Oy, ang tapang-tapang mo nanny, tapos ito lang, aayawan mo?! Come on! Wake  up, nanny!

"Kausapin mo kaya siya na gumising siya..." sabi ni Enzo.

Napangiwi ako.

Huh?

Baliw ba siya bakit gagawin ko 'yun?!

"Sige maiwan ko na kayo, mag ro-rounds muna ako...." paalam niya at narinig kong bumukas ang pintuan. Lumingon muna ako sa likuran ko. Wala na talaga si Enzo.

Humarap ulit ako kay nanny.  Huminga  ako ng malalim. Kausapin siya para magising? Ano naman ang sasabihin ko?  Napapikit ako. Bahala na nga lang!

Dinilat ang mata ko at tumingin sa kanya.

"Hoy..." tawag ko sa kanya. "Sabi ni Enzo kausapin kita... Hindi ko alam paano..." huminga ako ng malalim. "Pero siguro magsisimula ako sa simula... Noong unang nakita kita....Alam mo ba, na-astigan ako sa 'yo. Lalo ng sinagip mo ako doon sa mga holdapper. Para tayong nasa movie..." napangiti ako sa sinabi ko. "Ako nga lang 'yung babaeng bida na sinagip mo tapos ikaw yung lalaking bida na may dalang stroller..." napatawa ako ng mahina. Ang tanga lang. "Kaso ng magsalita ka at sabihin mo ang pakay mo sa  kin, nawala ang pagkamangha ko sa iyo at napalitan ng inis... Inis na inis ako sa 'yo. Kasi dumating ka na lang sa buhay ko kasama ang munting anghel na si Ivory...." sabi ko sabay tingin sa kanya. "Pero alam mo, napapamangha mo ako tuwing nakikita ko ang pagmamahal mo sa anak ko..." sabi ko. Kapag ako ang kaharap niya, sobrang cold niya pero pag si Ivory. She will lower her guard. Nakikita ko siyang ngumingiti, masaya at puno ng kulay ang mukha niya. "Kaya hindi ko maintidihan bakit hindi ka lumalaban. Ayaw mo na bang makasama kami? Si Ivory?" Tanong ko.

"Miss na miss ka na ni Ivory, nanny. Hindi siya nakakatulog hanggang hindi siya napapagod sa kakaiyak. Sinusuot ko nga ang t-shirt na huling sinuot mo tuwing hinahanap ka niya..." sabi ko. Sabi kasi ni Juancho gawin ko daw yun, para mabawasan ang pag ka miss ni Ivory kay nanny. "Sobrang gulo na ng bahay. Bumalik na kami sa bahay ko." Balita ko pa sa kanya. May nakawan ngang nangyari sa bahay. Pinaghahanap na ng mga pulis ang mga taong 'yun! Kapag nakita ko talaga sila, humanda sila!

"Nga pala, salamat sa paghatid sa akin sa bahay ko..." sabi ko. Nalaman ko kay Melvin na siya daw ang naghatid sa akin pauwi. Sinundo niya pa ako sa bar. Nakakahiya!

Inayos ko ang buhok niya. Maganda talaga ng babaeng 'to. Walang duda. Pinigilan kong haplosin ang mukha niya.

Napatingin ako sa kamay niya. Hinawakan ko 'yun. May peklat yung kamay niya dahil doon sa sugat niya noon. Ipapa-derma ko siya. Pero nagtataka talaga ako sa kamay niya. Anong nangyari dito? May sinuntok ba siya? Baka yung mga magnanakaw.

Nanlaki ang mata ko ng biglang gumalaw ang kamay ni babaeng 'yun. Shit! Namamalikmata ba ako o nag iilusyon?!

Nanlaki ang mata ko ng gumalaw ulit ang kamay niya.

Shit!

Hindi ako namamalikmata!

Hindi ako nag-iilusyon!

Gumalaw nga ang kamay niya!

Nataranta ako! Pumunta ako sa may pinto at binuksan yun. Dinungaw ko lang ang ulo ko sa pintuan "Shit! Enzo! Gumalaw ang  kamay ni Babaeng 'yun!" Sigaw ko. Nagsilingunan ang mga taong nandoon sa labas. Tsk. Enzo ba pangalan niyo?! May dumaan na nurse. "Hoy, nurse tawagin  mo si Doc Enzo gising na ang pasyente niya!" Sigaw ko sa kanya at bumalik ulit ako sa loob... hindi na ulit gumagalaw ang kamay niya. Shit! 

Lumapit ako sa kanya.

"Babaeng 'yun!" Sigaw ko sa kanya. At tumingin sa mukha niya... Napaawang ang labi ko ng nakita kong kumunot ang noo niya at dahan-dahang dinilat ang mga mata niya. "G-gising ka na!" Sigaw ko na kinapikit ulit ng mata noya. Shit! Malakas yata ang pagkakasigaw ko "Sorry-sorry!" At dinilat niya ulit ang mata niya. "Ayos ka lang ba?!" Tarantang tanong ka. "Okay ka lang ba?!"  Tinitigan lang niya ako at kumunot ang noo niya. Binuka niya ang bibig niya para magsalita pero walang lumabas na boses. "Ano pakiulit..." sabi ko at nilapit ang tenga ko sa bibig niya...

"S...sino...k-a?" Mabilis na lumayo ako sa kanya. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya.

Ha?

"S...si...no k..a?" Tanong niya ulit.

----

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon