Thirty-four

1K 31 1
                                    

Alodia

Tulalang napatitig ako sa kawalan habang nakaupo sa gitna ng kama ko. Isang oras na akong ganoon at wala akong balak na gumalaw roon...

Seriously anong ginagawa ko?!

Anong pinanghahawakan ko at bakit ang lakas ng loob kong gawin ang bagay na 'yun?!

Aakitin si Marcus?

Ipapakita ko sa kanyang mas magaling ako kay Lisa?

'Yung mga sinabi ko kay Lisa sa puntod niya.

Psh.

Hindi counted 'yun.

'Yun ay ang sarili kong emotion. Hindi ko ini-assess ang damdamin ni Marcus sa akin.

Matapang kong nasabi ko yun noon dahil hindi pinamukha ni Enzo sa akin ang katotohanan na hindi ako magugustuhan ni Marcus.

Hindi ko nga alam kong gusto ako ni Marcus bilang babae.

Dapat tigilan ko na lang tong ginagawa ko.

Isa lang tong kalokohan!

Sinasaktan ko lang sarili ko.

Oo. Suko na ako. Aaminin ko, talo na ako.

Tama si Enzo.

Tama siya.

Hindi ko akalain na sa daming sinabi sa akin ni Enzo noon na hindi ko pinaniwalaan, ito pa ang pinili kong sang-ayunan.

Kailangan ko talagang itigil ang kabaliwang 'to. Siguro mag a-acting na lang ako na nadapa at sabihing nakakaalala na ako dahil sa impact ng disgrasya sa ulo ko.

Pero hindi ko mapigilang maging malungkot. Iniisip ko pa lang na mamamaalam ako sa kanila, nahihirapan na ako. Parang ayaw ko na. Naman oh! Ang hirapa naman nito!

Bakit ba ayaw mangyari ng gusto ko?!

Bwisit.

Sa daming pinagadaanan ko akala ko ag tapang ko na! Tapos ang lakas-lakas ko pa! Pero ganito lang ang mangyayari sa akin... Natamaan kasi ako sa sinabi ni Enzo.

'Yung plano ko, umikot ng 390 degrees. Nagbago na.

Aish.

Tamad na tumayo ako para maligo. Kailangan ko pang magluto ng pang breakfast namin at tatapusin ko pa 'yung ginagawa kong tree house.

Kaya ko bang tapusin yun ngayon kung ganito ang nararamdaman ko? Psh. Bahala na si Batman!

Mabilis lang ang ginawa kong pagligo. Pinili ko ang isang jogging pants at isang long sleeve na blouse. Hindi ko na sinuklay ng maayos ang buhok ko at bumaba na.

Nagulat ako ng makita ko si Marcus sa kusina na busy sa pagtadtad ng kung ano doon.

"What the hell are you doing?" Wala sa sariling tanong ko sa sobrang gulat. Hindi ko nga pinansin ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng makita ko siya kasi nga nagulat ako sa nakikita ko.

Tumigil siya sa ginagawa nuya at lumingon siya sa akin. Ngumiti siya sa akin ng matamis pagkatapos.

Huh?

Napamaang ako. Bakit siya ngumingiti sa akin. Ah right. Hindi pala maayos ang pagkakasuklay ng buhok ko. Mukha siguro akong engot. Psh. Pakialam ko.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Atleast walang sabit ang buhok ko. Atsaka smooth, walang kuto and dandruff!

"Did you sleep well?" Malambing na tanong niya.

Huuuhhhh?

Tama ba ang rinig ko?

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon