Five

1.4K 42 0
                                    

Marcus

NAPATAYO ako at nataranta ng pilit na bumangon si babaeng 'yun. Hindi pa ako nakamove-on sa sinabi niya pero hindi siya pwedeng gumalaw dahil kagigising lang niya!

"Huwag ka munang gumalaw!" Sigaw ko ng kumilos siya. "Baka ano pang mangyari sa 'yo!" Dugtong ko pa. Pero imbes makinig, gumagalaw lang siya ulit! Lintek ano ang gagawin ko?! At bakit ba ayaw niyang makinig sa akin?! Dahil ba hindi ako doctor! Businessman ako!

"Oy... ayos ka lang?" Tanong ko ng bigla siyang humawak sa batok niyang may sugat. "Huwag ka ngang sabing gumalaw baka bumukas ang sugat mo sa batok!" Sabi ko sa kanya at lalapit sana ako kay babaeng 'yun.

Ibabalik ko sana siya pagkakahiga ng tinitigan lang niya ako na para bang ilag siya sa akin at natatakot sa gagawin kong paghawak sa kanya.... Natigilan ako. What the!

For real?!

Hindi na ako lumapit pa sa kanya. Baka ma trigered siya eh. Pero impissibleng matakot siya sa  akin. Baka dala lang to ng pagkabagok niya.

Napatitig rin ako sa mukha niya. Parang may nagbago sa kanya. Tama 'yung expression ng mukha niya. Hindi na  nakakatakot, nakakaintimidate, powerful... basta! Mukha siyang approachable! The heck?!

Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya nag-iwas siya ng tingin sa akin at nahuli ko ang pagnguso niya na para bang nahihiya.

What.the.hell?!

TAPYASIN KO KAYA ANG NGUSO NIYA?!

Oi, oi, oi!

May mali talaga dito?!

Sa ilang araw na magkasama kami, ngayon ko lang siya nakitang gumanito?!

Hindi naman din siya ganito kay Ivory eh! O siguro gumaganito siya pero pag sila lang dalawa!

No!

Baka naalog talaga ang utak niya kaya nagkakaganito siya ngayon! Makukulong ba ako nito?! Sa bahay ko nangyari ang insidenteng nagpakaganito sa kanya!

Naloko na!

"Marcus!" Napalingon ako ng bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Nandoon si Enzo, kasama ang isang nurse na babae.

Thank God, nandito na siya! Matutuwid ko na ang utak ng babaeng 'to!

Napatigil siya ng makita niya si babaeng 'yun, gising at nakatingin sa kanya na may mga inosenteng tingin at naguguluhan sa mga nangyayari..

"Okay ka lang?" Tanong ni Enzo kay babaeng yun na para bang hindi niya pasyente yun, parang kakilala lang niya. Ganoon kasi siya bumati sa akin kapag nagpapakuha ako ng dugo o nagpapa check-up ako rito sa hospital nila!

"Masakit ang ulo ko." Mahinang sagot ni babaeng yun! Nataranta ako.

"Enzo! Baka ano na 'yang sakit ng ulo niya!" Sabi ko sa kanya.

"Part, relax lang..." sabi niya sa akin. "Ako na ang bahala rito..." sabi niya na para bang pinapapanatag niya ako. Pero hindi ako mapanatag!

"Pero may mali sa kanya!" Hindi ko na mapigilan ang pagsigaw. "She is cold, expressionless pero ngayon, ang weirdo niya!" Sigaw ko. Lalo ng ngumuso siya kanina! Kinakabahan ako!

"Part, kalma lang..." at nakita ko ang pilit na pagpigil niyang wag akong pagtawanan. Lintek. "Ako na nga ang bahala rito... Puntahan mo lang si Ivory... Diba iniwan mo siya kay Juancho?" Saad niya.

Natigilan ako.

Oh tama... Baka ano na ang nangyari sa batang yun?! Tama! Kailangan ko munang puntahan ang anak ko-fuck! Ang batang yun! Kailagan ko munang puntahan ang batang 'yun!

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon