ALODIA
NAITAAS ko ang isang kilay ko habang tinitigan ang mga taong dumadaan sa harapan ko. Tsk.
Mga shunga!
Susuot ng two piece, pero may suot namang see through na mahaba para hindi makita yung bikini nila. Aish!
Anong katangahan nakain nila?
"Anny!" Tawag sa akin ni Ivory kaya napatingin ako sa kanya. Nakatayo siya sa kandungan ko at nakaharap sa akin.
"Bakit, munting tiyanak ko?" Nakangiting tanong ko.
Hinawakan niya lang pisngi ko at hinalikan ang ilong ko na may kasamang laway. Tinawanan niya ako pagkatapos.
Tsk.
Kung hindi ko lang talaga mahal ang batang to baka tinapon ko to sa pool.
Naitaas ko ang isang kilay ko ng may narinig akong malanding hagikhikan ng mga babae. Hinanap konang mga malalanding 'yun!
Tropa sila noong mga babaeng dumaan sa akin kanina yun nga lang iba ang trip ng tatlong babaeng nasa harapan ko.
Nakabukas ang damit nila kaya kita yung suot nilang bikini.
Psh.
Nakita ko na para silang binudburan ng asin dahil sa kilig. Tiningnan ko kung sino ang tinitingnan nila at napasimangot ako nang makita kong sino ang tinitingnan nila.
Yung tatay ni Ivory ang tinitigan nila.
Seriously?!
I just rolled my eyes at muling tinitigan si Ivory na ngayon ay naglalaro ng laway niya.
Napangiti ako at napailing sa nakita ko.
Salaulang bata!
Kinuha ko 'yung tissue na nasa tabi ng plato ko at pinunas sa mukha niya.
"Yan ba ang anak ni Marcus..." napaangat ako ng tingin sa nagsalita sa harapan ko. Isang matandang babae ang nasa harapan ko. Parang nasa 40's na siya. Nakatitig siya kay Ivory na para bang nag s-spark yung mga mata niya habang nakatitig kay Ivory.
Phedophiler?!
Si Ivory lang kasi ang nakikita niya at para bang wala lang ako wala ako doon.
Akmang kukunin niya sa akin si Ivory kaya nilayo ko siya sa babaeng to! Baka tropa niya yung si 'Daisy' doon sa video na pinatay yung bata sa video na yun.
Nakakabwisit!
Kapag ganoon nga ang babaeng to, papatayin ko siya. Walang hiya siya!
Nagulat naman ang babae sa ginawa ko. Nakaawang ang bibig niya habang nakatitig sa akin.
Hindi ako nagpatinag. Masama ang tingin ko sa kanya.
'Wag ang munting tiyanak ko, tanda!
Kumunot ang noo noong babae at binuka niya ang bibig niya na para bang may sasabihin sa akin. Hinanda ko ang sarili ko baka may sasabihin siyang hindi maganda.
"You-
"Amiga!" Napalingon kami noong babae sa biglang nagsalita. Napasimangot ako. Nandito na naman ang tiyahin ni Marcus. Ano nga ulit ang pangalan ng babaeng 'to?
"Oh, amiga!" Balik na bati noong babaeng nagtangkang kumuha kay Ivory sa akin. Lu.apit yung babae sa harap ko sa tita ni Marcus. Nagkayakapan silang dalawa at nagkamustahan. I just rolled my eyes. Mga plastick!
Naramdaman ko na nakatingin sa akin ang tita ni Marcus kaya ngumiti ako sa kanya.
Binigyan niya ako ng tipid na ngiti.

BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
Chick-LitSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!