Twenty-eight

962 31 0
                                    

Alodia

"Say ahh..." Hindi ko siya sinunod at imbes ay nakipagtitigan lang ako sa kanya.

Tingin niya ba uto-uto ako?

Bakit ko siya susundin?

Dahil ba asawa ko siya?!

Heck!

Hindi ako naniniwala!

Huminga siya ng malalim na para bang natalo. Binaba niya ang pinggan na may pagkain at tumingin sa akin.

"Alodia kailangan mong kumain para mas mapadali ang paggaling mo." Mahinahong saad niya.

Tinitigan ko lang siya.

I rather die kaysa kainin niyang pinapasubo mo.

Hindi ako kumakain ng pagkaing bigay ng stranger.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya na muntik pang maging irap 'yun kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.

Okay.

Hindi ako makabwelo sa pagmamaldita sa lalaking to dahil una may .99% sa utak ko na baka asawa ko talaga siya pero wala lang talaga akong tiwala sa lalaking to.

Aish!

Impossible kasi!

Napaka-impossible na maasawa ko ang lalaking 'to!

Sa pagkakaalala ko, walang naglakas ng loob na ligawan ako- mayroon pala pero yung mga tambay sa amin. Kaya paano ko nakilala ang mayamang lalaking to?

Nag escort ba ako sa kanya? Kasi yun lang ang naiisip kong naging dahilan kaya nagkakilala kami.

But no... Definitely not! Hindi ako naging escort?! At bakit naisip ko 'yun?!

Marami akong tanong sa kanya-kay Marcus. 'Yung lalaking nagsasabi na asawa ko siya... Una kong gustong itanong sa kanya ay kung saan kami una nagkilala at paano nangyari 'yun? Sino ang unang nagsabi ng I love you? Ako ba o siya? Paano niya ako pinasagot o niligawan ba niya ako? Kailan ang kasal namin? 'Yun nga lang baka puro kasinungalingan lang ang sabihin ng mokong na 'to.

Pero naisip ko, ano bang makukuha niya kung magsisinungaling siya sa akin...

Mahirap naman ako.

Gusto niya ba ang pagkakabae ko?

Biglang kumulo ang dugo ko.

Men!

I wanna kill him!

Narinig kong bumuntong hininga 'yung lalaki 'yun.

"Iiwan ko na lang yung pagkain mo rito. Kailangan ko kasing sunduin si Ivory sa day care." Napalingon ako sa kanya. Kaya ba hindi ko nakikita ang batang yun ay dahil nasa day care?

As if I care!

Wala akong pakialam sa 'yo at sa batang 'yun. Hmp!

Mabuti nga 'yung umalis siya eh!

Hindi ko tinapunan ng tingin si Marcus habang busy siya sa paghahanda sa pag-alis.

Naramdaman ko siyang tumingin sa akin pero hindi ko siya pinansin. Bahala siya.

Narinig kong nagbuntong hininga siya ulit.

"Baka bukas na ang labas mo... Kung papayagan na tayo ni Enzo na umalis." Napalingon ako sa kanya ng sabihin niya yun.

Talaga?

Makakalabas na ako sa lugar na to. Thank God! Nakababagot na rito!

"Okay." Matamlay na sabi ko sa kanya kahit na ang totoo gusto kong tumalon sa sobrang saya. bumalik ako sa posisyon ko kanina.

Pero nga lang. Kung aalis na ako bukas, saan ako titira? Sa bahay ni Marcus?

"Bye." Rinig kong sabi ni Marcus at para akong nanhina nang bigla niyang hinalikan ang ulo ko. Nanlaki ang mata ko at napaangat ng tingin sa kanya.

Very wrong move!

Kasi ng iniangat ko ang mukha ko, isang dangkal lang ang layo ng mukha niya sa akin. May Ghad!

Napalunok ako at hindi makagalaw. Parang nahihipnotize ako sa mukha niya.

Napalunok ulit ako.

He is indeed gorgeous.

Ang gwapo-gwapo niya. Kaya ba nainlove ako sa kanya?

"See you later." Malambing na saad niya at hinaplos ang ulo ko at nanlaki ang mga mata ko ng binaba niya ang mukha niya at pinatakan ng isang halik ang labi ko.

What the!

Para akong kinakaposan ng hininga-rather hindi ako humihinga talaga! Nakahinga lang ako ng marinig ko ang pagsirado ng pinto hudyat na umalis na si Marcus sa kwarto ko.

Oh God.

Naiwan akong tulala habang nakaupo sa hospital bed.

Dahan-dahan kong hinawakan ang labi ko gamit ang kanang kamay ko.

What is this...

Why...

I can't stop smiling!

Kahit na kinagat ko na ang ibabang labi ko nakangiti pa rin ako na parang baliw.

This is crazy!

Tsundere ba ako?!

Sira! Napahiga ako sa kama ko habang kagat-kagat ang labi ko.

I know. Ang arte ko. Kanina minamalditahan ko yung lalaking yun pero ngayon wala siya, para akong sira!

Well, I just can't stop myself right now. Isang linggo na ang nakakaraan ng magising ako sa hospital na to. Hindi nila ako pinalabas gaya ng gusto ni Marcus. For obsevation pa daw ako sabi ng pesteng doctor na si Enzo. Kaya heto ako ngayon nasa hospital pa rin.

Napadesisyunan ko ng araw yun, yung araw na nagising ako, na hindi maniwala kay Marcus sa pag c-claim na asawa niya ako at sa anumang iba pa niyang sasabihin. Kaya naman sobrang cold ang pakikitungo ko sa kanya pero... Hindi siya sumuko sa akin.

Pinapakita niya na asawa ko nga siya. Pinapakita niya ang karapatan niya! Inaalagaan niya ako. Siya ang nag aasikaso sa akin kahit na minamalditahan ko siya. Siya ang nagpapakain, at minsan kahit nakakahiya pero dahil sa may sugat ang isang kama kamay ko, tinutulungan niya akong maligo at minsan siya ang nagbibihis sa akin.

Ang sweet niya rin sa akin. Pinapadalhan nga niya ako ng bulaklak everyday at regalo.

Napatingin ako sa pagkain na nasa tabi ko.

Napangiti ako.

Kaya naiisip ko baka nga asawa ko siya at kailangan kong maging malambing sa kanya...

Pero nga kasi natatakot ako. Baka nga kasi hindi siya ang asawa ko. Ewan ko ba parang may mali kasi. Kahit na palaging sinasabi ko sa sarili ko para makumbinsi ang utak ko na WALANG MAPAPALA SA AKIN SI MARCUS KUNG MAGSISINUNGALING SIYA. May bahagi pa rin sa utak ko na hindi naniniwala sa kanya.

At 'yun ang palaging nanalo. Kaya ganoon ko siya pakisalamuhan.

Tuloy naguguluhan ako kung ano yung dapat sundan ko. Yung utak ko ba o yung puso ko na unting-unting nahuhulog sa kanya.

Napabuntong hininga na lang ako.

Gusto ko na talagang bumalik ang alaala ko para hindi na ko mahirapan ng ganito at para malaman ko na rin kung ano ba talaga ang totoo.

Kung totoo ba na asawa ko ba si Marcus o hindi.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung malalaman ko ngang asawa ko si Marcus. Siguro magiging mabait ako sa kanya.

Pero kung hindi ko talaga asawa at nagisinungaling lang talaga sa akin si Marcus.... Babalatan ko siya ng buhay at ipapakain ko kay Enzo ang balat niya.

They messed up with the wrong woman!

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon