Nine

1K 43 0
                                    

MARCUS

"Stable naman ang mga vital signs niya... Baka nahimatay lang siya dahil sa init ng panahon kaya nawalan siya ng malay..." sabi ni Enzo sa akin nang matapos niyang i-check niya si Alodia... Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko at napatingin kay Alodia.

"Tingin mo, konektado yung pagkakahimatay niya sa sakit niya?" Tanong ko kay Enzo.

"Siguro." Sagot niya.

Siguro?

Anong klaseng doctor siya?

Hindi niya alam ang nangyari sa pasyente niya?

Napatingin ako sa kanya.

"Hindi ako sigurado kaya hintayin na lang natin yung doctor niya. Papunta na yun dito sa hospital namin...." paninigurado niya sa akin. Tumingin si Enzo kay Alodia at hinaplos ang mukha nito.

"Tumaba siya ah...." mahinang sambit ni Enzo.

Tumayo ako ng maayos.

Tama.

May kailangan pa siyang sagutin.

"Enzo, mag-usap nga tayo." Seryosong saad ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin at hindi man lang siya nag react sa sinabi ko....

Nakita ko siya na seryosong nakatitig sa akin.

"Sure..." sagot niya sa akin. "Tungkol saan?" Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya.

Talaga lang ha?

Hindi niya alam.

May unfinished business pa kami noong huli kaming nag-usap! Bigla siyang nawala! Hindi ma-contact tapos ito...

Hindi ko na  napigilan ang sarili ko. Sinuntok ko siya sa mukha  niya.

Nakalimutan ko na may natutulog sa harap namin dahil may sakit ito.

Kinain na ako ng galit ko. Lahat yata ng galit ko naipon. Akala ko makakalimutan ko pero hindi eh!

Tumilapon siya sa ginawa ko.

Inis na humarap  sa akin si Enzo!

"Marcus!" Hindi makapaniwalag sigaw niya sa akin... Bahagyang nakayuko ako kaya hindi ko makita ang mukha niya. Nanginginig ang kamao ko sa sobrang galit. "Bakit nanununtok ka na lang bigla?!" Inis na tanong niya sa akin.

Bakit?

Galit na tumingin ako sa kanya. Nakahawak siya sa labi niyang may pasa. Buti nga sa kanya.

Galit na tinitigan niya ako.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol kay Lisa?!" Galit na sigaw ko sa kaniya. Wala na akong pakialam kong magising si Alodia! Gusto kong malaman bakit niya tinago sa akin ang bagay na 'yun! Hindi man niya sinabi sa akin, alam ko na alam niya ang nangyari kay Lisa kasi kilala niya si Alodia...

"Alam mo simula pa lang nang dumating si Alodia kasama si Ivory... Alam mo ng wala na si Lisa?! Patay na siya!" Galit na sigaw ko sa kaniya. "Kaya bakit hindi mo sinabi sa akin?!"

Nagmukha akong tanga! Umasa ako na baka magpapakita si Lisa sa harap ko dahil sa pagtanggi ko kay Ivory. Naghintay ako na bumulaga siya sa pintuan ng bahay ko o sa opisina ko para sabihan ako na anak ko nga si Ivory! Pero hindi yun nangyari!  Kasi... wala na pala siya.... Kasi patay na siya...

Nanlaki ang mata niya sa sinigaw ko.

"Paano mo nalaman ang tungkol doon? Sinabi ba  ni Alodia sa 'yo?" Tanong niya sa akin.

Fuck!

Yun lang ang sasabihin niya.

Akmang susuntukin ko siya ng tinaas ang kamay niya na para bang susuko siya.

"Let me explain!" Sigaw niya sa akin nang susugurin ko siya. Naiwan sa ire ang kamao ko "Oo alam ko! Alam ko ang nangyari sa kanya. Kay Lisa" Sigaw niya sa akin.

Napamura ako sa sinabi niya.

"Bakit mo hindi sinabi sa akin?! Alam mo na para akong baliw sa kakahanap kay Lisa! Alam mo yun!" Galit na galit na sigaw ko. Nagtagis ang bagang ko.

"Kasi inutusan niya akong 'wag sabihin sa yo!" Sigaw na sagot ko. Natigilan siya.

Ano?

"Inutusan ako ni Lisa na 'wag sabihin sa 'yo..." dugtong niya.

"At bakit daw?!" Malakas na tanong ko.... Tumayo siya sa pagkakasalampak sa sahig at seryosong tumingin sa akin...

"Kasi ayaw niyang malaman mo, Marcus!" Sigaw niya. "Ayaw niyang malaman mo na buntis siya at pwede siyang mamatay sa pagdadalang tao niya! Gusto niya mahalin mo ang anak niyo! Yun ang gusto niya! Kaya pinagbawalan niya kami na sabihin sa yo ang totoo dahil baka pag nalaman mo, magalit ka sa anak niyo!" Sigaw niya.

Nanghina ako sa sinabi ni Enzo.
Hindi ko siya natulungan. Wala ako sa tabi ng kailangan niya ako.

"Ano ba kasi ang nangyari sa kaniya?" Nanghihinang tanong ko sa kaniya.

Huminga ng malalim si Enzo.

"Magkilala na kami noon pa ni Lisa..." nagsalita si Enzo sa harapan ko. Tumingin ako sa kanya. "Bata pa lang siya, mahina na ang puso ni Lisa... Kliyente siya ni papa at siya ang pinakabatang kliyente nito. Lagi ko siyang kalaro kapag bumibisita ako sa opisina ni papa noon." Sabi niya.

"Dahil sa kundisyon niya. Maraming bawal kay Lisa. Isa na doon, ay bawal siyang magbuntis." Saad niya. What? "Kaso matigas ang ulo ng babaeng 'yun. Nang malaman ni Lisa na hindi na talaga siya gagaling sa sakit niya, lahat ng bawal sa kanya ginawa niya... Isa na roon ay ang magpabuntis sa 'yo at manganak..." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya...

So...  Sinasadya niya bang magpabuntis sa akin?! Naalala ko bigla yung gabing may nangyari sa amin. Siya yung unang humalik sa akin kaya yun, may nangyari sa amin.

"Mahal ka niya, gago! Kaya nga nagpagalaw siya sa 'yo... Huwag kang mag-isip ng masama sa kaniya." sabi ni Enzo na para bang alam ang tumatakbo sa utak ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Bwisit!

Huminga ng malalim si Enzo.

"Nagkakomplikasyon sa pagpapanganak niya... Na humantong sa kailangang pumili kung sino ang ililigtas.... Si Lisa ba o si Ivory..." pumikit siya na para bang nahihirapan sa sunod na sasabihin... "Si Alodia ang nag desisyon ng bagay na yun. Siya na lang kasi ang natitirang kamag-anak ni Lisa... at ang pinili niya ay si Lisa..." seryosong saad niya.

Huh? 

Kung ganoon dapat si Lisa ang buhay ngayon pero bakit si Ivory? I mean-bwisit!

Naguguluhan ako sa dapat isipin ko!

I mean anak ko rin si Ivory pero... Mahal ko si Lisa! Mahal na mahal! At mahal ko rin si Ivory! Iniisip ko pa lang na wala si Ivory, hindi ko alam ang mararamdaman ko.

"Kaso hindi sinunod ni papa ang desisyon ni Alodia dahil minor pa si Alodia noon para gumawa ng desisyon para kay Lisa... At isa pa, mas malaki daw ang tsansa na mabubuhay ang bata kaysa kay Lisa pagkatapos ng opersayon kaya..." sabi niya.

Teka... Teka... Teka lang!

Minor pa si Alodia noon? Ilang taon na ba siya ngayon?!

Atsaka...

"Kaya si Ivory ang niligtas ni papa kaysa kay Lisa... at yun ang dahilan kung bakit galit na galit sa akin si Alodia, Marcus..." malungkot na sabi niya. "Kinamumuhian niya ako at buong angkan namin."

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Napatingin ako kay Alodia na ngayon ay natutulog pa rin sa kama.

Ang laki ng respeto ko sa kaniya ngayon.

Ang tapang niya para harapin ang bagay na 'yun.

Naikuyom ko ang kamay ko.

Kung ako ang kaya ang nasa sitwasyon ni Alodia... Sino rin ba ang pipiliiin ko?! Damn!

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon