Marcus
"MARCUS, akala ko iba ka sa mga kapatid mo, pero ano 'to?!" Napapikit ako dahil sa malakas na sigaw ni tita sa akin. "May nabuntis kang babae tapos hindi mo lang pinanagutan?! Tapos tong anak mo, tinatanggihan mo! Nag pa-DNA ka daw para masigurong anak mo 'to! Halata namang anak mo ang isang to, kamukhag-mukha mo!" Sigaw niya at tinuro si baby Ivory na nasa upuan na pang baby. Nandoon siya at kumakain ng biscuit at walang pakialam sa mundo. Napatingin lang ako kay baby Ivory na ngayon ay tumatawa at pumapalakpak. Parang tinatawanan niya ang sitwasyon ko. Kainis!
"Tita, iba din po ako sa kapati-
"Shut up, Juancho!" Sigaw ni tita sa kanya. Tsk. Sumabat pa kasi eh. Yan tuloy. "Isa ka pa!" Sabay turo niya kay Juancho. "Tingin mo hindi ko alam na ginagawa mong sex den ang condo mo!" Sigaw ni tita sa kanya. Napayuko si Juancho at hindi nakapagsalita. "Kung sinu-sino ang dinadala mo sa bahay mo, kapag ikaw nagkasakit, karma yun, Juancho!" Inis na tumingin sa akin si Juancho.
"Hindi na lang sana ako pumunta dito sa bahay mo at hindi ko na lang sana binantayan ang anak mo, edi sana hindi ako mapapagalitan ni tita Wanda." Mahinang saad niya.
Binigyan ko siya ng sorry look.
"Ano yang pinagbubulungan niyong dalawa?!" Sigaw niya.
"Wala po, tita." Sabay na sagot namin ni Juancho.
Ate ng tatay namin si tita Wanda. Wala siyang asawa at kami ang tinuturing niyang anak, lalong-lalo na ako. Siya kasi ang kumupkop sa akin ng mamatay ang mama ko. Kukunin naman sana ako ni papa pero nahihiya ako sa asawa niya. Mabait naman ang asawa niya kaya lang, nahihiya talaga ako sa kanya. Anak ako ni papa sa labas. Kaya alam ko na masasaktan siya kapag doon ako tumira. Ako ang bunga ng kataksilan ni papa. Naging kabit si mama ni papa noon. Mag childhood sweetheart daw kasi sila papa noon tapos naging takbuhan ni papa si mama ng nagkaproblema silang mag-asawa at viola, nabuo ako. Ayos naman ang mga kapatid ko 'yun nga lang ayaw kong masyadong dumikit sa kanila kasi alam ko na kahit matagal na, masakit pa rin sa kanila...
"Nasaan ang nanay ng anak mo, Marcus? Bakit niya iniwan sa 'yo ang anak ninyo?! Iharap mo sa akin yang babaeng yan! Diba si Lisa na sekretarya ang nanay ng batang 'yun?! Makakatikim yan ng litanya sa akin-
"Tita patay na ang nanay ng anak ko." Putol ko sa sasabihin niya.
"What!?" Hindi makapaniwalang saad niya. "Kung patay siya, sino ang nag-iwan ng anak mo sa 'yo?! Ang alam ko wala ng magulang si Lisa?!" Bakit niya alam?
"'Yung kaibigan niya." Sagot ko.
Buti na lang din talaga na nagpa-DNA test ka! Baka niloloko lang tayo ng babaeng 'yun!" Huh? Bakit nag-iba ang ihip ng hangin. "Baka nga hindi talaga mo anak ang batang 'to but napaka-cute ni Ivory kaya kahit na hindi mo siya anak, kukunin natin siya!" Sabi niya at lumapit kay Ivory. Pinunasan nito ang mukha ng anak ko at nanggigil na pinisil ang pisngi nito. Lagot. Kung nandito lang si Alo-aherm si babaeng 'yun, tiyak na magagalit yun. Ayaw niya kasi na ginaganoon ang pisngi ni Ivory. Okay. Therefore I conclude, inlove si tita kay Ivory. Gusto niya si Ivory. Mahilig kasi si tita sa mga bata.
Tumayo kami sa pagkakaluhod dahil alam namin na nawala na ang galit niya. Oo nakaluhod kami sa sahig. Ganoon kasi siya.
"Nasaan ang kaibigan ni Lisa, Marcus?" Tanong ni tita sa akin sa mahinahong boses.
"Nasa hospital po." Sagot ko.
"Hospital?!" Tanong niya na kinagulat ng anak ko. Umiyak si Ivory kaya kinuha ko ito at inalo. Nag baby talk muna ito bago tinago ang mukha sa dibdib ko.
"Bakit?! May ginawa ka bang masama sa kanya o baka naman nabuntis mo siya Marcus?!" Tanong niya.
Nanlaki ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
ChickLitSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!