Alodia
Hindi ako makatulog. Hindi maalis sa utak ko ang sinabi ni Marcus kanina. Nasa panganib ang buhay nila.
Pero kahit ganoon, dapat matakot ako kay Alfred at sa mga plano niya at gusto niyang gawin kapag nakita niya ako, mas natatakot ako pagkatapos na mahuli siya.
Ibig sabihin noon kasi aalis na ako, lalayo. Kasi diba kinupkopkop lang naman ako ni Marcus dahil kilala ko si Alfred... Dahil gusto niyang pabantayan sa akin si Ivory laban kay Alfred pero dahil si Alfred na mismo ang lumalapit, kaya ibig sabihin umaamoy ending na sa akin.
Napatihaya ako ng higa at tumingin sa kisame.
Hindi naman masama ang pagtira ko dito sa bahay nila Marcus. Kahit kaunting panahon lang ang pananatiki ko rito, naging masaya naman ako rito.
Kaya okay lang. Okay lang ako. Hindi na ako magaga-gagahan! Hindi ko na papatayin ang sarili ko. Napangiti ako sa naisip ko.
Never.
Never ko ng gagawin yun.
Kahit malayo ako at wala ako sa tabi ni Ivory, gusto kong makita si Ivory na lumaki, magdalaga, mag-asawa at magkaanak!
Oo magmumukha akong stalker ni Ivory pagnagkataon! Pero anong magagagawa ko?! Yun lang ang the best na pwede kong gawin!
Hindi ako pwedeng habambuhay na dito tumira sa buhay nila! Yun ang katotohanan...
Kinuha ko yung unan ko at yinakap yun..
But then...
Hindi ko napigilan ang sarili kong maikuyom ang mga kamay ko qt bumangon ang galit sa puso ko.
Dapat kong unahin ang dapat unahin. Kailangan kong ayusin tong kay Alfred. Dapat makulong sila at mabulok sa kulungan! Dapat nilang pagbayaran ang mga kasalanan nila! Pero hindi ako shunga, hindi ako magpapabayani.
Medal lang ang makukuha ng mga bayani!
Pero kong may maitutulong ako sa mga pulis, pwes tutulungan ko sila.... Lintek lang ang walang ganti, Alfred! Humanda ka! Ibabalik ko lahat ng mga paghihirap na nadanasan ko noong nakalipas na limang taon!
Napapikit na lang ako sa mga mata ko. Bat ba ang dami kong problema?! Hayssst!
Matutulog na lang ako!
Yinakap ko ang unan ko nang mahigpit at pinilit na matulog.... Pero hindi talaga ako makatulog!!!!!
Dinilat ko ang mga mata ko at inis na tumingin sa orasan na nasa katabi kong mesa!
Ala una na ng umaga pero gising na gising pa rin ang diwa ko!
Bwisit!
Inis na bumangon ako sa kama at ini-on ang ilaw sa kwarto ko. Remote control ang gamit ko, sosyal kasi ang mga bagay-bagay dito sa bahay ni Marcus eh. Mayaman kaya ang isang yun! Kinuha ko pagkatapos ang salamin na nasa drawer ng mesa na nasa tabi ko at tiningnan ang mga mata ko.
Hindi naman nngingitim ang ibaba ng mga mata ko
Nakahinga ako ng malalim dahil doon!
Thank goodness!
Hindi naman siguro ako magkakaroon ng eye bags bukas kahit na ang tagal kong matulog ngayon?! Isang beses lang naman ako napuyat ng ganito!Ayokong magkaroon ng eyebags bukas! Hindi dahil sa maarte ako kaya ayoko pero ayoko na maging issue ang eyebags ko bukas!
Baka kasi sabihin ni Marcus o ni Wanda (kung uuwi siya bukas!) kaya mayroon akong eyebags ay dahil affected ako sa halikan namin ni Marcus kanina! The heck!
![](https://img.wattpad.com/cover/141294399-288-k586823.jpg)
BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
ChickLitSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!