Alodia
"HELLO Pathetic people!" Napatigil ako sa pag-akyat ng hagdan ng marinig ko ang boses na yun....
Boses yun ni Enzo. Sumilip ako ng palihim. Si Enzo nga! Bat ang saya niya!? Aish! Para siyang nanalo ng lotto! Uminit ang ulo ko agad! Walang sinuman ang pwedeng maging masaya ngayon!
Tsk!
Pero hindi naman tagadito si Enzo kaya bahala na nga siya sa buhay niya! Tiyak naman kasi ako na si Marcus ang sadya ni Enzo dito. Baka may lakad silang dalawa. Mabuti pang ayusin ko na lang 'tong damit na dala ko...
"Bat ang saya mo?" Rinig kong tanong ni Marcus kay Enzo..
"Buntis ang asawa ko eh!" Normal na sagot ni Enzo sa kanya. Napailing na lang ako. Kaya pala ang saya-what?!
May asawa si Enzo?!
May pumatol sa kanya?!
Di nga?!
Come to think of it, gwapo naman talaga si Enzo, shu-shunga lang!
"Nasaan si Alodia?" Hanap niya sa akin.
"Bakit mo hinahanap ang isang yun?" Tanong ni Marcus. Oo nga bakit ako hinahanap ni Enzo?!
"Gusto kong siya ang paglihian ng asawa ko....." normal na sagot niya.
What?
Ano ako?
"Alam mo kasi ang ganda ng lahi nila Alodia..." naitaas ko ang isang kilay ko. Alam kong maganda ako. "Maganda naman ang lahi namin at ng mahal ko pero siya talaga ang pinaglihian ng asawa ko eh na tama lang naman kasi maganda talaga siya..." sabi niya. "Ipapagdasal ko lang na hindi na maging kaugali ni Alodia ang anak ko..." at tumawa pa siya.
"Aish!" Mahinang saad ko at binaba ang dala kong plorera. Okay na sana eh! Bakit niya pang dugtungan ng ganoon?!
Bumaba ako at pinutuhan ang dalawa. Para akong magbubuga ng apoy dahil sa sobrang galit ko...
Umaliwalas ang mukha ni Enzo ng makita niya ako.
"Oh, tamang-tama, nandito ka na pala, Alodia-
Inis na hinawakan ko ang kanang kamay niya at binalibag siya sa sahig.
Bwisit siya!!!
"-Aray!" Sigaw ni Enzo.
"Alodia!" Sigaw ni Marcus sa akin.
Bahala kayo sa buhay mo, Marcus! Bwisit ang Enzong to!
Tinapakan ko ang dibdib ni Enzo kaya napadaing siya sa sakit. Tapos lumingon ako kay Marcus at sinamaan siya ng tingin kaya tumahimik lang siya."Alodia..." hindi alam ni Enzo ang sasabihin niya... "Narinig mo ba ang sinabi ko?" Pinangnikitan ko lang siya ng mata. Napalunok siya. "Kailangan ako ng asawa ko at magiging anak ko..." dugtong niya gamit ang maliit na boses.
Naikuyom ko ang kamay ko at naningkit ang mga matang tumingin sa kanya..
"Tsk!" Inis na sabi ko at inalis ang paa ko kay Enzo. "I'm not a killer, dumbass!" Inis na sabi ko sa kanya at tinalikuran sila.
-
Marcus
Nakatingin ako kay Alodia na walang lingon-lingon na umalis sa harapan namin.
"Ginalit ko yata siya..." rinig kong sabi ni Enzo. Napalingon ako sa kanya. Ginalit mo talaga siya, gago!
Nakaupo na si Enzo sa sofa at inayos ang damit niya.
"Para ka kasing sira." Sabi ko. "Atsaka malapit na manganak ang asawa mong si Rosa ah, bakit mo kailangan si Alodia?" Tanong ko. "Ang alam ko, hindi na masyadong naglilihi ang mga buntis kapag malapit na siyang manganak..." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
ChickLitSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!