MARCUS
"Alodia..." tawag ko sa kanya nang makita ko siya sa may sala at may tinitigan.
Nakaupo siya sa mahabang sofa at busy sa ginagawa niya.
"Hmmm..." sagot niya nang hindi man lang na tumingin sa akin. Nakatitig lang siya sa hawak niya.
Nakunot ko ang noo ko dahil na curious ako sa tinitigan ni Alodia.
Nawala lang ang pagkunot ng noo ko nang malaman ko ang tinitigan niya.
Photo album.
Photo album ni Ivory.
Napangiti ako at lumapit ako sa kanya.
"May video compilation ako ni Ivory noong eight months siya hanggang ngayon sa laptop ko." Imporma ko kay alodia nang makalapit ako sa kanya. Uupo na sana ako sa tabi niya kaso...
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Napatitig siya sa akin.
Biglang naningkit ang mata niya habang nakatitig sa akin.
Eh?
"Marcus, read the mood." Malamig na sabi niya at binaba ang hawak niya. Tumayo siya at tinaasan ako ng kilay. "Kukunin ko yung video na sinabi mo mamaya." Istriktang sabi niya at inirapan ako tapos umalis sa harapan ko.
Huh?
Ano ang ginawa ko?
-
ALODIA
Sa buhay ng tao, kailangan mo talagang maging suplada, lalo na kung galing ka sa pagkahiya.
Damn it!
Kung hindi lang ako tinawagan ni Wanda na susunduin namin si Ivory ngayon, hindi ako lalabas ng kwarto ko!! Oo wala akong balak na magluto ng hapunan o lunch! Punyeta! Kaso mas uunahin ko parin si Ivory kaysa sa mga kaartehan ko.
Kasi naman!
Ayokong pag-usapan ang nangyari kanina kaya, sinupladahan ko si Marcus doon sa sala niya.
Baka kasi bigla na lang niyang iopen yung nangyari. Nakakahiya!!!
Atsaka, bigla na lang pumapasok sa utak ko ang nangyari kani-kanilang!
Oh my!
"Alodia..." napaupo ako nang matipid sa pagbigla niyang pagtawag niya sa pangalan ko.
Nasa kotse kasi kami. Papunta sa isang mall. Kung saan namin susunduin si Ivory.
"Hmmm..." sabi ko at sumulyap sa kanya.
"Ano...." Simula niya. "Kailangan ba talagang umalis ka kapag nahuli na si Alfred? You can stay in our house kahit na mahuli siya..."
Natigilan ako at tumingin sa kanya nang sabihin niya. At ilang minutong tumahimik ang pagitan namin. Tunog lang ng ugong ng sasakyan ang naririnig ko. Napalunok ako ay napayuko.
"I don't know." Mahinang sagot ko pero alam ko na rinig niya ang sinabi ko. Tumigil naman ang sasakyan. Napaangat ako ng tingin sa labas.
Hindi ko talaga alam. Oo gusto kong mag stay sa kanila pero kasi.... Parang nawala lahat ng iniisip ko. Parang nablanko ako.
Napahawak ako sa puso ko.
Ang sakit nang dibdib ko.
Huh?
Ano tong nararamdaman ko?
"Oh, nandito na tayo..." mahinang saad ko nang makita ko yung tinutukoy ni Wanda na lugar kanina sa telepono. Mabilis na bumaba na ako sa kotse ni Marcus. Lumabas naman agad si Marcus.
BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
ChickLitSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!