Twenty-nine

937 29 3
                                    

HALOS malaglag ang panga ko dahil sa nakikita ko ngayon.

What a huge mansion!

Alam mo 'yung mga bahay na pinapakita ng mga mayayamang bida sa mga teleserye? Ito 'yun.

Ang laki.

'Yung parang apat na malaking bahay na pinagdugtong! Ilang floor kaya to? Feeling ko mga lima or apat?

Napalunok ako at alanganing tumingin kay Ivory, 'my so called daughter'.

"Ano.... Dito tayo nakatira?" Parang tangang tanong ko sa bata. Bago kami pumunta dito, inorient na ako ni Marcus na uuwi na kami sa bahay namin... Kaya bahay nga namin 'tong nasa harapan ko. Pero what if mali lang pala 'tong pinuntahan namin. Oh baka sa tita niya! Baka nga... The heck! Bakit natataranta ako?! Get a hold of yourself, Alodia! Napatingin ulit ako sa mansion. Dito daw kami nakatira?

Napalunok ako.

Dito ako nakatira?

Napatanong tuloy ako sa utak ko...'pinakasalan ko ba ang lalaking to dahil mayaman siya?'

Wait! Don't get me wrong. Hindi ako ganoong klaseng tao! Yung taong alam mo na magpapakasal lang sa isang tao dahil may potential na baguhin ang buhay niya. I believed in love too. What if pala mahal ko pala talaga si Marcus noong hindi pa ako nagka amnesiya pero kasi...

Hindi mawala sa utak ko na baka isa rin sa rason kung bakit nagpakasal ako sa lalaking to dahil mayaman siya. Well, hindi ako mukhang pera pero diba may mga bagay kang nagagawa kapag gipit na gipit ka?

Baka yun ang nangyari...

Shit! Ano bang iniisip ko?! Bakit minamaliit ko ang sarili ko?! Pero...

Hindi kami mayaman! Lalo na ako. Hindi rin mayaman ang pamilya ko at ang pamilyang umampon sa akin. Tapos yung kapatid-kapatid kong si Lisa may sakit sa puso kaya baka nagkaproblema ako sa pera noon at nilapitan ko si Marcus para humingi ng tulong at ang kapalit ng tulong na yun ay magpakasal sa kanya at yun na nga. Nagpakasal kami at nagkaroon ng anak.

Napasapo ko ang noo ko.

I know. Sobrang creative ng utak ko. Kung ano-ano ang iniisip ko. Pero hindi niyo naman ako masisi. Wala akong maaalala kaya kung ano-ano ang bagay na maiisip ko ngayon. Nakakainis! Kung mayroon lang sana akong malalapitan bukod kay Marcus at Enzo...

Teka...

Mayroon naman ah...

Pero..

Nasaan pala sila?

Nang nagising ako hindi ko sila nakita. Alam ba nila ang nangyari sa akin? Of course not kasi kung alam nila, dapat pinuntahan nila ako!

Napasinghap ako.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Anong ginagawa ko?

Nagbabahay-bahayan ako rito samantalang hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa pamilya ko...

Tinaas ko ang kamay ko para sampalin ang mukha ko nang biglang hawakan ni Ivory ang kamay ko.

"Mommy?" Nag-aalalang tawag sa akin ni Ivory.

Mommy?

Napatitig ako sa bata. I don't know kung anak ko ba talaga ang batang to. So why... Why I'm allowing her to call me her mother? But strange. I like it. Gusto kong tinatawag niya akong ganoon..

Ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko ay pinagsiklop niya. Napatitig ako doon.

Somehow... Sa ginawa ng batang ito, napakalma ako.

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon