A very short update----
Marcus
"Hindi ko pa rin maintindihan, bakit mo nagawa yun..." napapikit ako nang sabihin 'yun ni Enzo.
Please, Enzo.
Supportahan mo na lang ako. Kaibigan kita. Gusto kong sabihin ko sa kanya pero alam kong baliw lang ang gagawa noong ginawa ko at hindi susuportahan ng isang kaibigan ang ginawa ko kahit na baliw pa ang kaibigan kong 'yon.
Nasa opisina kami ngayon ni Enzo pagkatapos nang nangyari kanina sa kwarto ni Alodia.
"Nababaliw ka na ba talaga?" tanong ni Enzo sa akin. Bakas sa boses niya ang inis at pagka-concern.
Napadilat ako sa tanong niya.
Baliw? Ako?
Huminga ako ng malalim. "Siguro..." mahinang sagot ko sa tanong niya. Nababaliw na siguro ako. Pero ano ang magagawa ko?
I have no choice.
Kung hindi ko ginawa 'yun, aalis si Alodia sa bahay namin... Sa buhay namin... Hindi ko alam ang mangyayari. Baka bigla na lang siya mawala at hindi ko na siya mahanap. Maswerte lang talaga ako noon kasi alam ni Enzo ang nangyari kay Alodia pero ngayon... Hindi ko alam kung ang mga gagawin niya at tingin ko ay ganoon din si Enzo. Baka kalimutan kami ni Alodia lalo na ngayon na hindi niya kami nakakaalala. Mainit nga dugo niya sa anak ko?! Ako pa kaya?! This is crazy! Hindi ko na alam ang gagawin ko!
Nagkatotoong nagkaamnesya siya!
Hindi ko alam kung karma ni Alodia 'to o ano?!
Pero hindi ito isang magandang balita!
"Ahhhh!" inis na sigaw ni Enzo kaya napalingon ako sa kanya. Nakita ko siyang sinasabunutan ang sarili niya na para bang baliw. Baka baliw rin ang kaibigan kong 'to.
Bumuntong hininga na lang ako.
Sana nga.
Sana nga ganoon si Enzo...
Na nababaliw lang siya.
Pero alam ko naman kung bakit ganito siya ngayon. Nag-aalala lang siya sa akin dahil sa ginawa ko.
Ako nga mismo, hindi nga rin makapaniwala sa ginawa ko.
"Enzo..." tawag ko sa kanya. "Huwag kang mag-aalala, I will not drag you in this mess."
"Thank you! Pero kung hindi mo pa narealize, Marcus, damay na ako!" sarcastic na sabi niya. "Noong oras na hindi ko sinabi na, 'Nagsisinungaling lang siya, Alodia' nang sinabihan mo siyang asawa mo siya, parang tumango na rin ako na ikaw nga ang asawa ni Alodia! Sumali na ako sa kalokohan mo Marcus!" inis na sabi niya. "Damn it! Alodia will kill me kapag nakaalala siya!"
Ngayon, hindi ko alam, concern ba talaga sa akin si Enzo o concern siya at takot sa gagawin ni Alodia sa kanya kapag nakakaalala na ito.
Hindi na lang ako sumagot o nagsalita man lang sa sinabi niya.
"Pero totoo ba ang sinabi mo kanina..." napatingin ako sa kanya. Marami akong sinabi kanina kata alin doon. Tinaas ni Enzo ang kanya isang kilay at biglang ngumiti na para bang nanunukso. "Noong dinala siya sa operating room..." may panunukso sa kanyang boses at napagtanto ko kung ano ang tinutukoy niya. Mayamaya lang ay nawala ang mapaglarong ngiti niya at seryosong tumingin sa akin. "Mahal mo ba talaga ang babaeng yun?" seryosong tanong niya.
Hindi ko siya sinagot. Tumitig lang ako sa kanya.
Bakit ko sasabihin sa kanya ang bagay na 'yun? Anong pakialam niya? Kung mayroon man makakaalam noon-unang makakaalam noon ay si Alodia.
"You are crazy." mahinang saad ni Enzo.
"Hay wala na tayong magagawa diyan. Natamaan ka na eh..." sukong saad niya. Tinapik ni Enzo ang kanang balikat ko kaya napalingon ako sa kanya. "Marcus, ipagdadasal na lang kita." Napakunot ang noo sa sinabi niya at nagtaka. Bakit 'yun ang nasabi niya?
Parang alam niya na naguguluhan ako sa sinabi niya at kung ano ang kinaguguluhan ng utak ko kaya sinabi niya....
"Ipagdarasal ko na lang ang kaluluwa mo dahil kapag nakaalala na si Alodia, hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin sa 'yo." sagot niya. "Pero tiyak ako, hindi lang sapak at sampal ang aabutin mo sa kanya. Papatayin ka niya, Marcus. Papatayin ka niya." Madiin na sabi niya at inalis ang kamay niya sa balikat ko.
Huminga na lang ako ng malalim. at tumingin sa bintana ng opisina ni Enzo. May mga building sa labas. Tinitigan ko na lang yun habang iniisip ang sinabi ni Enzo.
Alam ko. Alam ko na papatayin talaga ako ni Alodia.... At tingin ko isasali niya si Enzo. Pero ito lang ang chance ko ngayon para maipakita at iparamdam ko sa kanya na mahal ko siya. Kung matatakot ako, para naman akong sira! I need to grab this opportunity kahit buhay ko pa ang kapalit!
Natuto na ako kay Lisa. At hindi ko na ulit gagawin yun. Ipaparamdam ko sa mga taong mahal ko na mahal ko sila habang nandito pa sila sa tabi ko....
Ayoko na.
Ayoko na umalis ang mahal ko sa buhay ko, doon ko pa na realize na mahal ko siya at gusto kong iparamdam sa kaniya ang nararamdaman ko. Ayoko ng magsisi.
Kaya bahala na si Batman!
Atsaka sisiguruduhin ko naman na paiibigin ko si Alodia habang hindi pa siya nakakakaalala. Para kung bumalik man ang alaala niya, hindi siya magalit sa akin at mahalin rin niya ako kahit naaalala na niya ako....
-----
AN: Hey guys! Kung interested lang naman kayo (Huwaw! Lakas makanetworking ha! Hahaha) available po ang story ni Enzo. Title: My Sweet Rosario. Thank you.
BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
ChickLitSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!