Note: Maraming typos error! Doon magaling si author! Sa typos error at wrong grammar!
"MGA p're, pag-usapan naman natin 'to oh..." kalmadong sabi ko habang kinakapkapan ako noong isang nakamaskarang holdaper habang nakataas ang kamay at nakaharap sa sasakyan ko. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nagtagumpay akong maging kalmado-kahit sa boses man lang!
"Kausapin mo sarili mo!" sigaw nung lalaking kumakapkap sa akin at inilayo niya ako sa kotse ko. Napatingin ako doon sa dalawang kasama niyang nakamaskara rin at busy sa paghahalughog sa loob ng kotse ko!
"Pakawalan niyo na ako, please!" pakiusap ko. "Tutal nakuha niyo naman lahat ng pera ko."
"Tumahimik ka!" sigaw nung may hawak sa akin at tinutok ang hawak niyang baril sa ulo ko! Anak ng! Natakot ako ng sobra! Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot! 'Yung parang makakaihi ka sa pantalon mo! Nakakabakla 'tol! Pero naman kasi! Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas na nasa bingit ako ng kamatayan ang buhay ko!
"Jackpot!" masayang sigaw nung isang lalaki na nasa loob ng kotse ko kaya napatingin ako sa kanila! Tumigil yung dalawa sa paghahalughog sa kotse ko at lumabas. "Tol..." masayang sabi nung lalaking sumigaw kanina at tinaas niya ang isang box na lalagyan ng singsing!
Nanlaki ang mata ko!
Shit!
No!
Hindi 'yan!
"'Wag 'yan!" sigaw ko at dahil siguro sa adrenaline rush, nagawa kong suntokin ang lalaking nakahawak sa akin at tumakbo papunta doon sa dalawang kasama niya. Hindi ko na inisip ang mangyayari sa akin basta ang sa akin lang, makuha ko ang singsing na 'yun!
"Shit!" sigaw nung nakahawak sa singsing. Natatarantang inilagay niya ang singsing sa bulsa ng pantalon niya 'tapos 'yung kasama naman niyang isa, may kinuha sa likod ng bulsa niya. Nanlaki ang mata ko dahil baril ang binunot niya!
"Ahhhhh!" sigaw ko sabay lapit doon sa lalaking may hawak ng baril at sinuntok siya! Tumilapon 'yung lalaki at nahulog 'yung baril niya sa semento. Nagulat ako dahil sa sobrang lakas ang pagsuntok ko! Never pa akong nakasuntok ng ganoon kalakas!
"Gago ka!" sabi nung lalaking sinuntok ko habang pinupunasan ang dugong umaagos sa ilong niya. Nagmamadaling sinipa ko 'yung baril palayo sa kanya. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya agad na humarap at sinuntok siya! Shit! Shit! Shit!
May magagawa ka pa lang imposible lalo na kapag nasa bingit ka ng kamatayan.
Nahawakan noong lalaki ang kamay kong isusuntok ko sana sa kanya at pinapilipit 'yun.
"Arayyyyyyy!" sigaw ko! Napahawak ako sa ulo niya para sana hawiin siya.
"Lagot ka sa akin!" sigaw nung lalaki may hawak sa akin at sinuntok ang tagiliran ko. Napahawak ako sa maskara niya at nahila 'yun.
"Anak ng!" sigaw niya at natulak ako kaya napadapa ako. Mabilis namang tumayo ako at napatitig ako sa mukha niya. Ah! Kadiri! Kaya pala siya nagmaskara! Mukha pa lang niya, mukha na talaga siyang masamang tao!
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at mabilis na pinadapa niya ako sa gilid ng kotse ko.
"Usapan pala ha!" sigaw nung lalaking kumapkap sa akin kanina!
"Tang-*na! Nakita ako ng pesteng 'yan!" sabi nung lalaki. "Tapusin na natin siya!" suggest nung lalaking tumilapon kanina.
"Gago ka rin eh!" sabi nung lalaking may hawak sa akin at naramdaman ko ang dulo ng baril sa may kanang banda ng ulo ko. Napalunok ako.
BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
Literatura FemininaSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!