Twenty-three

961 30 4
                                    

"Mommy, kapag girl ang kapatid ko, gusto ko ang pangalan niya Iris." Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Ivory sa akin.

What the!

Hindi pa ba tapos ang issue na yun!

Hindi ba mawawala ng french fries ng Mcdo ang alaalang yun! Nakakainis!

Lumingon ako sa kanya... Mukha akong robot ng ginawa ko yun.

"H-hey, Ivory..."

Dapat ko ng putulin to! Ayokong paasahin si Ivory.

"Pangalan yun  ng flower mommy!" Masayang imporma niya sa akin.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at napatitig sa kanya.

"Baby..." hindi ko kayang ituloy ang sasabihin ko.

Paano ko gagawin yun?

Paano ko sasabihin yun?

Paano ko sisirain ang magandang ngiti sa mukha niya!? Oh God!

I love this kid! At ayokong makita siyang malungkot at ako pa talaga ang magiging sanhi ng kalungkutan niya!

Stupid Marcus!

Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi niya sa bata!

Hindi ko pa siya nakompronta dahil laging may humaharang kapag lumalapit ako. Tulad na lang kanina. Si Wanda kasi sumasabat kapag nandyan na ako!  Kainis!

Buti na lang talaga umalis siya dahil mayroon siyang pupuntahang reunion ng kaklase niya noong college!

That old woman!

"Ito na ang order niyo." Sabi ni Marcus at binaba na niya yung ibang inorder namin. Kinuha kasi namin una yung fries at naghanap na ng mauupuan pagkatapos.

Napatingin ako kay Marcus na ngayon ay inilalagay sa tapat namin ang mga order namin.

"Ano ang pinag-uusapan niyo habang wala ako?" Tanong ni Marcus pagkatapos.

Mabilis na tinakpan ko ang tenga ni Ivory.

"Pagpatay sa 'yo." Mahinang sagot ko.

Napatingin sa akin si Marcus at napangiwi. Ngumiti ako ng matamis sa kanya at binaba ang kamay ko sa tenga ni Ivory na ngayon ay nakatingin sa akin ng inosente at naguguluhan. Siguro dahil sa ginawa ko sa kanya kanina.

"Bakit mo po tinakpan ang tenga ko?" Takang tanong sa akin ni Ivory.

Sasagutin ko sana ang sagot niya nang hinawakan ni Marcus ang baba ni Ivory at pinaharap sa kanya ang bata.

"Mommy said something sweet to me and she's just to shy para iparinig sa 'yo..." nanunuksong saad ni Marcus at hinalikan sa ilong ng anak niya.

What?!

Tinakpan ni Ivory ang bibig niya at humagikhik na para bang kinikilig.

Ako naman, kahit gusto kong kunin ang upuan ko at ihampas sa kanya kaso dahil ang daming ato sa MCDO kaya naikuyom ko na lang ang kanang kamay ko at hind8 napigilang na uminit ang pisngi.

Paano niya to nagagawa sa akin?!

This bastard!

Sinipa ko ang paa niya nang malakas

"Ouch!" Mahinang daing ni Marcus at tumingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin, tinitigan lang niya ako tapos kinindatan.

Asdfghjkl!

Tusukin ko mata mo eh!

Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya.

Siraulo!

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon