For you @Emiera23. Thank you for reading my story. Love you! 😘💕💕
---------
Alodia
Hindi ko maaalis ang titig ko sa sarili kong repleksyon sa salamin.
Anong nangyari?!
Napahawak ako sa labi ko.
We kissed?!
Oh my!
That was an accident! Hindi ko yun sinadya! The hell with Wanda's plan na akitin ang pamangkin niya! I will never do that! Never!
Hindi ako malandi!
Napatingin ako sa damit ko...
Well... mukha lang akong malandi dahil sa suot ko! Si Wanda kasi pinilit akong suotin to para daw twinnie kami ni Ivory pero paglabas ko sa salon at nasuot ko 'yung damit na binigay niya, hindi naman kami magkapareha ng damit ni Ivory! She's wearing a dress while ako, mukha akong pokpok! Kainis! Bwisit!
Oo, may pagkatanga rin talaga ako! Pero minsan lang at ngayon pa umandar ang pagkatanga ko... Kainis!
Napatingin ako sa may pintuan ng may kumatok doon.
"Yes..." sagot ko.
"Pwedeng pumasok?" Ang boses ni Ivory ang narinig ko.
"S-sure!" Sagot ko at mabilis na tumingin sa salamin at sinampal nang mahina ang mukha ko.
Mag move-on na tayo at kalimutan ang nangyari kanina!
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya lumingon ako. Ngumiti ako kay Ivory.
"Baby..." sinalubong ko siya at kinarga tapos pumunta sa kama ko. "Bat napasyal ka sa kwarto ko?" Tanong ko nang mailagay ko siya sa kama.
Humiga siya sa kama at gumulong-gulong tapos dumapa sa kama at nakangiting nakatingin sa akin..
"Nanny..." nagtatakang tumitig ako sa mukha ni Ivory. Bakit kumikislap ang mata niya sa tuwa at excitement?!
"Hmmmm...."
"Nanny, ikaw na ba ang magiging new mommy?" Masayang tanong niya na kinaubo ko.
Umupo siya sa kama. "Nanny?" Tawag sa akin ni Ivory. Napatingin ako sa kanya habang pilit na pinipigilan ang pag-ubo ko..
What the heck?!
"Ano ba yang pinagsasabi mo?!" Malakas ang boses na tanong ko sa kanya. Napaisip si Ivory sa tinanong ko.
"Well you and daddy kissed..." sagot niya. "Diba ang mag mommy at daddy lang naman ang gumagawa nun?" Inosenteng tanong niya.
Hindi ako makagalaw at hindi makasagot sa sinabi niya.
"Ahhh... ano... kasi..." letche! Wala akong masagot! Letche talaga! Hindi ko pwede sabihin sa kanya na pwede namang maghalikan ang isang tao na hindi mag-asawa pero mali naman na sabihin yun! Baka bigla na lang siyang manghalik ng ibang tao. Atsaka wala naman talagang taong nanghahalik ng basta maliban kung jowa o asawa ang hahalikan nila! Kumunot ang noo niya.
"Then mommy na ang tawag ko sa iyo?" Taning niya.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi at naiisip niya?! Mommy?! Ako?! Papalitan ko si Lisa?! Parang kinurot ang puso ko at nag-iwas ng tingin kay Ivory.
"Baby..." tawag ko sa kanya at dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kanya. "I can't replace your mom." Napatitig siya sa akin. "Walang sinuman ang makakapalit sa kanya.." dugtong ko pa. Kahit na ako. Your mom is perfect at ako basura!

BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
ChickLitSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!