"Morning Alodia." Nakangiting bati ni Alfred sa akin nang maidilat ko ang mga mata ko. This man. "Kamusta ang tulog mo?" Tanong niya at hinaplos pa ang pisngi ko.
Napatingin ako sa kamay niyang humahaplos sa pisngi ko.
This is my chance.
Now or never na 'to.
Alam ko na dapat sa sitwasyon na to dapat tumigil na lang ako at umayon sa plano ni Alfred. Wala na akong babalikan eh. Pero hindi ako ganoon.
Hanggang may buhay, may pag-asa!
So what kung galit si Ivory sa akin?
Mahal ko sila. Kaya kahit na ayaw nila sa akin, mamahalin ko pa rin sila-sa malayo. Oo kahit na nasa malayo lang ako, sisiguruduhin kong malayo sila sa kapahamakan.
'Yun na lang kasi ang kaya kong gawin para sa kanila.
Huminga ako ng malalim at...
1
2
3
4
5
Nang malapit na sa labi ko ang kamay ni Alfred, mabilis na kinagat ko ang kamay niya na naging successful naman!
"Aray!" Malakas na sigaw ni Alfred sa akin. "You bitch!" Sigaw niya at hinawakan ang ulo ko gamit ang kaliwang kamay niya at pinalayo sa kamay niya.
Hindi ko binitawan ang kamay kahit na napakasakit na ng paghila sa buhok ko! Kahit na masakit na masakit na, hindi ko bibitawan sa pagkagat ang kamay niya.
Hindi pwede!
Mas lalong diniinan ko ang pagkakagat sa kamay niya nang maramdaman ko ang pagsampal niya sa akin habang sumisigaw ng sobrang lakas.
Kung kailangan kong kagatin ang kamay niya hanggang sa matanggal ang balat niya, gagawin ko!
Sinampal niya ako.
Nabitawan ko ang pagkagat sa kamay niya ng sinipa niya ang puson ko.
"Ugh!" Daing ko. Tumingin ako kay Alfred agad. Bwisit! Tsansa ko na yun! Nasayang pa! Hindi ko na alam ang gagawin ko sunod!
"Bwisit! Bwisit! Ang sakit!" Sigaw ni Alfred habang tinitigan ang kamay niyang kinagat ko. Lumingon siya sa akin na galit-galit ang itsura!
"Bad, Alodia!" Madiin na sabi niya at mabilis na lumapit sa akin. Hinila niya agad ang buhok ko. Napadaing ako sa sakit. "Humanda ka sa akin babae ka!" Galit na galit na sabi niya.
Napatawa ako sa sinabi niya. Tama ako.
Tama ang hula ko.
"Anong nakakatawa?" Inis na tanong niya sa akin.
"Wala naman!" Natatawang saad ko. "It's just..." lumingon ako sa kanya.
Tama ang hula ko, wala na siyang mga alopores. Kagabi, naging mapagmatyag ako. Hindi ako natulog dahil nag-isip ako ng plano para makatakas rito. Habang nag-iisip ako ng plano may napansin ako, wala akong naririnig na kahit na anong ingay. Wala rin akong nakitang ibang tao rito maliban kay Alfred.
Kasi kung titingnan dapat ngayon, dapat may mga tauhan si Alfred na tumutulong sa kanya pero wala.
"Walang-wala ka na talaga..." dugtong ko. "Kahit isang tauhan wala ka na..." puno ng pangmamaliit na sabi ko sa kanya.
Hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang galit!
Hinila niya ulit ang buhok ko. Nagkadikit ang tenga ko at ang labi ni Alfred.
BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
ЧиклитSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!