Marcus"Bakit sa mall tayo pumunta?" Tanong ko ng hindi ko pa rin makuha ang sagot sa kaninang tanong ko.
Kanina ko pa iniisip kung bakit sa mall kami pumunta. Bakit hindi sa paggawaan ng see-saw at noong slide? Kung mayroon man nun?! Baka may ganoon sa mga furniture or sa mga pagawaan ng steel or glass!?
"Bakit hindi rito?" Pabalang na tanong ni Alodia sa akin.
"Kasi..."
"Mommy gusto ko yung pink na see saw at yung may color red na slide!" Excited na sigaw ni Ivory habang turo-turo niya ang gustong niyang ipabili. Sinundan ko 'yun ng tingin at nakita ko ang gawang plastic na see saw.
"So 'yan ang tinutukoy niyo..." Sabi ko sa kanila. Natawa ako sa sarili ko. Nakakahiya! Hindi ko naisip na may ganito. May ganito palang see saw at slide! Hindi kasi kami sa mga mall bumibili ng mga laruan ni Ivory. Kadalasan online o di kaya naman sa mall sa labas ng bansa. Atsaka kung bibilhin man akong laruan, mga dolls, bahay-bahayan at mga girly lang na laruan ang binibili ko sa anak ko hindi tulad ng mga ganitong mapanganib na laruan.
Tama.
Bakit ba kami bumibili ng ganito?
What if mahulog sa taas si Ivory habang nagsli-slide at 'yung ulo niya ang unang mahulog?!
Damn it!
"Oo at wala ng iba." Mariin na sagot ni Alodia. "Ano ba kasing nasa utak mo?" Tanong niya. Nahiya ako sa iniisip ko.
"Akala ko kasi 'yung gawa sa bakal..." natatawang sagot ko. "Atsaka safe ba yan?" Tanong ko.
"Wait, tinutukoy mo ba yung mga kadalasang nasa park na gawa sa semento or yung..." tumawa siya ng mahina pero agad na nawala yun at inis na tiningnan ako. "Abnormal ka. Safe tong bibilhin natin!" Pagpapanatag niya sa tanong ko. Nakita ko ang pagngiwi niya pagkatapos na para bang naalala ang sinabi ko kanina tungkol sa slide. "Alam ko na malaki ang yard niyo kaya pwedeng mong maisip na ganoon nga pero ang OA naman. Isa lang ang anak mo oy! Hindi sampu! Balance-balance rin pag may time!"
Inirapan lang niya ako at naglakad palapit kay Ivory.
Napanguso ako.
"Isa pa lang." Sabi ko na kinatigil niya. Gulat na lumingon siya sa akin.
"What?" Mahinang tanong niya na para bang mabingi siya sinabi ko.
Napangiti lang ako ng makita ko ang reaksyon niya.
"Gagawa pa tayo ng maraming anak..." napaawang ang labi ni Alodia na kinatuwa ko. Kung may effect ako kay Alodia ibig sabihin may chance ako diba?
"Sh...shu...shut.... u..." hindi niya tinuloy ang sasabihin niya at kinagat lang niya ang labi. Inirapan lang ako ni Alodia at tuluyan na siyanh pumunta palapit kay Ivory.
----
Alodia
"I-deliver niyo na lang 'yan sa bahay namin..." rinig kong wika ni Marcus doon sa salesboy.
Si Marcus ang nag aasikaso sa pagdeliver noong binili namin. Bahala siya. Busy ako sa pag asikaso sa anak at pag-a-analyze sa sinabi ni Marcus kanina.
Napailing lang ako.
Hindi totoo yung narinig ko kanina mula sa kanya. Nanaginip lang ak-
"Let's buy this 'my!" Tumingin ako kay Ivory na masayang-masaya habang nakatingin at nakaturo ang hintuturo niya sa isang laruang lutu-lutuan. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga matang ni Ivory na kumikislap sa tuwa dahil sa nakita niyang laruan.
BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
ЧиклитSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!