Marcus
"MARCUS, tama na..." saway ng kaibigan kong si Melvin sa akin nang makita niyang tinawag ko 'yung waiter para mag-order ulit ng inumin. Umiling lang ako. "Nakakarami ka na 'tol..." sabi niya ng umiling ako.
"Ano bang nangyari sa 'yo?" Concern na tanong niya sa akin.
"May problema sa opisina mo?" Dugtong niya pa.Problema ko?
Ang dami kong problema!
Nagsimula ang lahat ng problema ko nang nagpropose ako sa girlfriend ko na magpakasal kami pero tinanggihan niya ako. Umalis siya at nawala na lang bigla! Bwisit!
Naka move-on ako dahil sa sekretarya ko. Nang gusto kong magtapat nang nararamdaman ko sa kanya, nawala na lang siya bigla!
Bakit ba ang hilig ng mga taong nasa paligid ko na mawala na lang bigla?!
Tapos ang problema ko na hindi maayos-maayos sa pamilya ko. Porket ba anak ako sa labas, hindi na pwedeng maging tagapagmana?!
Tapos ito ang malala, nawala yung sekretaryang minahal ko, tapos ilang buwan-taon pala! Hahaha! May nagpakita sa aking babae na may dalang bata at sinasabing anak ko raw 'yung bata sa sekretarya ko! Ang babaeng 'yun, akala mo kung sino! At ngayon, nalaman ko na wala na yung sekretarya ko?! 'Yung sekretaryang minahal ko?!
What the fuck!
Ininom ko 'yung natira sa baso ko. Ayaw na kasi talaga akong pa ordehin ng inumin ni Melvin! Anak ng! Sana pala si Enzo ang sinama ko ngayon! May surgery kasi ang lalaking yun kaya hindi rin siya pwede!
"Hey, narinig ko kay daddy, bumalik na daw si Selena, kaya ba nagkakaganyan ka?" Tanong niya. "Mahal mo pa rin siya?" Follow up na tanong niya.
No.
I don't love her anymore.
Kaya ko lang naman pinagpatuloy ang engagement namin ni Selena na tinanggihan niya noon dahil gusto ng family ko-family ng tatay ko. Para sa business ang rason kaya magpapakasal kami. Hindi ko alam pero dahil wala akong choice at dahil akala ko naman na baka kapag ginawa ko 'yun, makakalimutan ko si Lisa dahil babalik ulit ang feelings ko para kay Selena. Pero mali ako. Paano ko makakalimutan si Lisa? May anak kami-daw kami! Tapos kamukhang-kamukha pa ni Lisa ang batang 'yun!
Si Lisa ang mahal ko. Pero ngayon malalaman ko na wala na siya?!
Kinuha ko 'yung baso ni Melvin na may lamang ewan. Basta nakakalasing yun! Tiyak ako roon!
May biglang lumapit sa amin. Siguro yung nagbebenta ng yosi!
"May kailangan ka ba?" Tanong ni Melvin. Lumingon ako para umorder ng yosi ng makita ko ang taong 'yun...
Natigilan ako.
"Lisa..." tawag ko sa babaeng nasa harapan ko. Biglang nanlabo ang paningin ko. Damn it! Lasing na ako? Matagal na rin kasi nang huling uminom ako! Pinikit ko na lang yung mata ko at natulog...
Si Lisa.
Akala ko ba wala na siya?
"Lisa.... Mahal na mahal kita." Mahinang sambit ko.
---
Babaeng yun's POV
"MISS, hindi ka pwede dito. VIP lang ang pwede rito." Sabi nung lalaking malaki ang katawan sa akin.
"Wala akong pakialam." Madiin na sabi ko at nilampasan siya. Sinundan niya ako kaya binilisan ko ang paglalakad. May hinahanap ako.
"Miss!" Tawag niya. Hindi ko siya pinansin! "Kapag hindi ka nakinig sa akin, mapipilitan akong kargahin ka o kaladkarin palabas!" Pananakot niya pa.
BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
ChickLitSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!