Hindi ko mapigilan mapangiti sa nakikita ko ngayon. Nakatayo ako habang nakatitig sa dalawang mahalagang tao sa buhay ko ngayon na busy sa paghahanda ng mga pagkain. Nasa bakuran sila, katabi nung tree house ni Ivory.
Mayroon kasi silang mini-barbecue party ngayon dahil nakakuha ng perfect score si Ivory sa lahat ng test niya.
Nakita ko ang masusing pag-arrange ni Marcus sa lalagyan ng pagkain sa isang blanket. Si Ivory naman, gamit ang fly swatter, binubugaw niya ang mga langaw. Hindi ko alam ang trip ng mag-amang 'to. Barbecue party raw pero parang mag pi-picnic sila. May pang barbeque sila na gamit pero walang lamesa 'yung blanket lang... Doon kami kakain. Ewan ko talaga sa kanila.
"Mommy!" Sigaw ni Ivory nang makita ako. Kumaway pa siya pero agad na bumalik sa ginagawa niya and this time para na siyang nag tae-taekwondo habang binubugaw yung mga langaw. Ang cute niyang tingnan.
Ngumiti lang ako at naglakad palapit sa kanila. Baka may matulong ako.
"Kumusta ang lakad mo?" Salubong na tanong ni Marcus sa akin nang makalapit ako sa kanila. Hinalikan niya pa ako sa labi ng mabilis. Bwisit! Ngumiti lang ako sa kanya.
"Okay lang." Sagot ko. "Masusunog na 'yung manok!" Sabi ko para lumayo muna siya ng kaunti. Kailangan ko munang i-ready ang sarili ko ulit. Parang nawala ako ng hinalikan niya ako.
Pinuntahan 'yun ni Marcus at inasikaso ang pagbabarbeque niya. Siya na nga ang bahala doon. Ako na tong magtutuloy ng ginagawa niya sa blanket.
Tsk.
Nag mumulti-tasking pala ang lalaking to!
Huminga ako ng malalim at go! Ready na ako!
Umupo ako sa blanket at inilagay ang bag na dala ko. Hinubad ko ang suot kong sapatos, nagihawaan ako at doon ko naramdaman ang pagod sa mga paa ko.
Minasahe ko ang binti ko.
"Mommy, how's school?" Tanong ni Ivory at yinakap ako.
"Okay lang." Sagot ko at yinakap ko rin siya pabalik. Dinala ko siya sa lap ko at hinalik-halikan ko na walang tigil. Tumawa lang ang batang mahaderang 'to.
Napangiti ako.
Ang sarap pakinggan ng tawa ng batang 'to.
Yup! Bumalik ulit ako sa pag-aaral. Ito 'yung pinag-awayan namin ni Marcus na umabot sa isang buwan. Ayaw niya kasi akong bumalik sa pag-aaral! Ah mali! Gusto niya akong bumalik pero home-school. At ayoko naman! Gusto kong bumalik at pumasok sa paaralan. Gusto kong iparamdam sa mga naggaling-galingan sa kurso ko na x na sila. Bumalik na ang reyna!
"Eh sa ayaw ko nga sa home-school na 'yan eh!" Sigaw ko sa kanya. Nag de-date kami ngayon sa isang mamahaling restaurant. Mabuti na lang sa VIP kami ng restaurant kaya solo namin ang lugar para iwas eskandalo.
Akala ko nga nandito siya para makipagbati sa akin. Tapos ano, sasabihin niya na pina-enrol na niya ako sa home-school na yan! Sinabi at pinagdiinan ko sa kanya ulit na gusto kong bumalik sa pag-aaral at gusto kong pumasok sa isang eskuwelahan!
"Bakit ba ayaw mo akong paaralin sa eskuwelahan? Bakit ba home-school?!" Inis na tanong ko sa kanya.
"Kasi baka makahanap ka ng mas maayos na lalaki doon!" Inis na sigaw niya.
Natigilan ako at napatitig sa kanya.
Ganoon?
Woah. Napangiti ako. May insecurity pala tong si Marcus.
Nakita ko ang pamumula ng mukha niya at sinaway niya ako na 'wag siyang titigan.
"Not gonna happen." Tukoy ko sa sinabi niya na makakahanap ako ng iba. "Mas maraming gwapo sa school ko noon pero hindi ako nagkagusto sa kanila! Sa 'yo lang ako nagkagusto!" Madiing sagot ko. Atsaka... Inis na hinawakan ko ang braso niya at tinulak siya padapa sa mesa.
BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
Literatura FemininaSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!