Sixteen

1K 39 0
                                    

Alodia

"Marcus, okay lang ba talagang sa inyo muna ako?" Tanong ko sa kanya. Nasa loob kami ng kotse niya at papunta  sa bahay niya.

Tumitig siya sa akin kaya napatingin ako kay Ivory na nasa hita  ko at natutulog.

"Ikaw dapat ang tanungin ko, okay lang ba na sa amin ka muna?" Tanong niya.

Napatingin ako sa salamin na nasa gilid ko para hindi niya makita ang pag ngiwi ko. Baka sabihin pa niyang I'm an ungrateful bitch!

Tsk!

As if my choice ako no! Ayokong umiyak si Alodia at isipin niya na hindi ko siya mahal. Bwisit! 

Atsaka ang lakas ng loob na  magtanong ng ganoon, siya kaya tong ayaw akong umalis! Tsk!

Bakit ako yung pinagmumukha niyang ayaw umalis?! Mukha niya!

Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong ni Marcus sa akin. Sinandal ko ang noo ko sa salamin ng kotse habang hinahaplos ang buhok ni Ivory. Hindi naman kasi lubak-lubak ang daan kaya okay lang.

Napakunot ang noo ko ng mapagtanto ko kung saan kami papunta. Tumingin ako kay Marcus na seryosong nag da-drive

"Papunta 'to sa bahay to ng tita mo ha..." sabi ko sa kanya. Kung ganoon magkikita kami ng tita niya. Yung tita niyang galit yata sa akin...

Mali galit talaga sa akin ang tota niya!

Patay.

"Yeah dito muna kami nakatira kina tita..." sabi niya nang nasa harapan na kami ng gate...

Tsk!

Bakit dito?

Ang dami naman niyang bahay... Baka tirhan lang ng mga multo ang bahay niya kasi walang tumatao doon. Adik din ang isang to eh!

"Malapit kasi sa office..." sabi niya nang bumukas yung gate at pinapasok niya sa loob yung kotse.

Tsk! Edi wow.

"At may magbabantay kay Ivory habang nagtatrabaho ako sa opisina." Sabi niya ng maparada  niya na yung kotse sa may garage.

"Bubuksan ko lang muna ang pinto..." sabi niya at lumabas ng kotse. Napakunot ang noo ko. Bakit wala ba silang maid para gawin yun? Naitaas ang kilay ko na imbes na pumunta siya sa pinto na sinasabi niya pumunta siya sa .... Ah... Na gets ko na. Ang pintong tinutukoy niya ay yung pintong nasa gilid ko.

Binuksan niya yung pinto...

Ngumiti siya sa akin.

Bakit siya ngumiti sa akin?

"Ako na ang magkakarga kay Ivory..." presinta niya. Ahh...

"Sige ba.." sabi ko at hindi ko alam pero feeling ko mas naging babae ang boses ko.

Inalis ko yung kamay ni Ivory na nakapalupot sa leeg ko para mapadali na lang yung pagkuha ni Marcus sa akin. Pinulupot ni Marcus ang braso niya  sa bewang ni Ivory at kakargahin na sana niya yung anak niya ng biglang gunalaw si Ivory at hinawakan niya ang leegan ng damit ko at hinila niya yun pababa. Nanlaki ang mata ko dahil nakita ang cleavage ko at titig na titig si Marus doon.

"No..." mahinang sabi ni Ivory at kumapit sa akin ng mahigpit. "Don't go..." dugtong niya. Papalit-palit ang tingin ko kay Ivory at sa mukha ni Marcus na parang timang!

Shit!

Alam ko na sobrang pula ng pisngi ko. Naman oh!

Mabilis na kinuha ko ang kamay ni Ivory sa may kwelyo ng t-shirt ko at binigay siya sa tatay niya. "Kunin mo muna siya." Sabi ko habang inaayos ang t-shirt ko. Naman oh!

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon