Twenty-six

973 32 3
                                    

AN: Sana magustuhan niyo po ang update na to. *cross fingers*

----

ALODIA

Nakatitig ako sa puting kisame na nasa harapan ko. Ito ang unang bagay na nakita kong maidilat ko ang mga mata ko.

Fuck!

Nasa langit na ba ako?! Hell no! Hindi yun mangyayari!

Ang sakit pa ng katawan ko!

"Mommy?" napatingin ako sa kaliwa ko nang may narinig akong batang nagsalita bigla.

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang batang babae na ubod ng ganda.

Mommy?

Ako ba ang tinutukoy niya?

Heck!

I don't remembering having sex with a man kaya paanong nabuntis ako? And worst magkaroon ng anak?

Scam?

Panibagong scam ba to?!

Impossible!

Mukhang mayamanin ang batang nasa harap ko. Makinis eh!

Kung hindi lang cute ang batang nasa harapan ko, kanina ko pa to minalditahan pero mas prinoproblema ko ang nangyayari sa akin ngayon.

Hindi ko na lang siya pinansin.

Where the hell I am?

At sino ang batang to? Anong ginagawa niya sa kwarto ko?

"Are you okay? Is your leg hurts?" Napatingin ulit ako sa kanya. Eh? Nurse ba ang batang to sa hospital-wait! Nasa hos- "Do you want me to call ninong Enzo?"concern na tanong niya.

Napatitig ako sa batang babae na tingin ko nasa edad lima habang nagsasalita siya. Tsk.

Nakalimutan ko yung iniisip ko kanina!

Atsaka...

Enzo?

Pamilyar ang pangalan na yun.

Sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako doon.

Damn it.

Dahil to sa batang babae eh. Kino-confuse niya ako! May sinasambit siyang pangalan na nagpapasakit sa ulo ko.

Aish!

She's annoying.

Tingin niya ba lahat ng tao madadala sa pag cu-cute niya?

At bakit concern siya sa akin?

Sino ba siya?

"Is your head hurts? Papa is not here too. Magkasama sila ni ninong Enzo....." sabi niya at para bang natataranta siya tapos bumakas ang pagkatakot sa mukha. "Mommy, do you still love me?" Alanganing tanong niya.

Huh?

Napatulala ako sa tanong niyam

Do I love her?

Eh hindi ko naman siya kilala!

Lumukot ang mukha ng batang babae nang hindi ako makasagot sa tanong niya.

Hindi ko alam ang dapat kong ma feel. Maawa o ma cute-an sa batang nasa harapan mo. Ang cute niya kasi habang nakakunot ang noo niya.

"Why are you not answering me?" Naiiyak na tanong niya. Okay. Baka tuluyang umiyak 'to rito.

Wala akong oras para magpatahan ng bata ngayon.

"Hey kiddo," Inis na tawag ko sa kanya. Hindi ako mahuhulog sa pag iyak-iyak niya. "Nasaan ba ang tatay mo at pakalat-kalat ka sa kwarto ko?" Tanong ko at doon ko narealize. Ito pala yung iniisip ko kanina.

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon