Thirty

981 33 0
                                    

Marcus

"May problema ka ba?" Inaasahan ko na tatanungin sa akin yun ni Alodia pero nagulat pa rin ako.

"Wala." Sagot ko.

"Kung wala pala," tumigil sa panonood ng telebisyon si Alodia at tumingin sa akin. Nasa sala kami at nanonood-siya lang pala. Kasi ako, tinitigan lang siya. "Bakit ka nakatitig sa akin?" Sikmat  na tanong niya sa akin. Sasagutin ko sana siya ng magsalita ulit siya. "Don't deny it. Kanina ko pa napapansin." Mabilis na dugtong niya at pinandilatan niya ako ng mata.

I guess hindi ko na talaga ma deny. Huminga ako ng malalim. Obvious naman.

"It's just that..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Hindi ko kasi alam kong paano ko sisimulan eh. Naguguluhan pa rin ako sa huling pag uusap namin noong nasa hospital kami. I want to ask her kung ano ang ibig sabihin niya. And isama pa... Her attitude towards me is making me confuse!  Bumuntong hininga na lang ako at... "Are you okay?" Tanong ko sa kanya.

Napatitig siya sa akin ng saglit at nakita kong may sumilay na ngiti sa labi niya. Sobrang bilis lang noon. Yung tipong matatanong mo ang sarili mo kung ngumiti ba talaga siya o hindi. Atsaka yung ngiting yun parang... Nakakaba.

"I'm definitely okay." Makahulugang sagot niya.  "Happy na sa sagot ko?" Inis na tanong niya sa akin. "Pwede mo ng tigilan ang pagtitig sa akin?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya.

Tumango lang ako.

"Good!" Masayang saad niya. Bumalik ang tingin niya sa telebisyon at kinuha yung remote control. "Anong channel ang cartoon network?" Tanong niya.

Sinagot ko kung ano ang channel.

"Okay." Rinig kong sagot niya. God. Bakit hindi ko matanong? I feel like stupid here! I'm a CEO of a big company. Yet, infront of this woman, I  am acting like a stupid teenager! I could not confront her!

"Aalis pala ako ngayon." Sabi ni Alodia sa akin bigla.

Napatingin ako sa kanya. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"Saan?" Tanong niya. Tumitig siya sa akin. "I'm going to visit an old friend." Shit! The last time na umalis siya ng bahay para puntahan ang isang kaibigan hindi na namin siya nakita! Nanlaki ang mga mata ko. Don't tell me ang gusto niyang bisitahin ay yung kaibigan niyang nagpahamak sa kanya?! What's his name again? Alfred? Shit! Baka yun nga! Hindi niya naalala ang nangyari sa kanya at sa lalaking yun!

"Sasama ako!" Mabilis na sabi ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya at humarap sa akin. Dinudtdt niya ang noo ko. "Hindi ibig sabihin na asawa kita, automatic ba kaibigan mo na ang kaibigan ko. We need privacy." Madiin na saad niya na para bang sinasabihan ako na wag na akong pumalag.

"Sino bang kakitain mo? At kailangan mo ng privacy? Lalaking kaibigan?" Inis na wika ko.

"Nope. It's a woman." Sagot niya. "A very nice woman." Tumagilid siya ng upo at nakita ko siyang ngumiti. "She's a mother, a lover and she's very important person to me..."

Nakikita ko sa mga mata niya ang paghanga doon sa babaeng tinutukoy niya-wait! Babae? Is she referring to Lisa?! Teka nga lang! I don't know kung ang Alodia ngayon ay alam na patay na si Lisa...

Napalunok ako.

"Sino?" Kinakabahang tanong ko.

If she answered Lisa, I guess I have no other choice to tell her the truth that Lisa is dead at hangang doon lang.

Tumingin siya sa akin na para bang nagdadalawang isip na sagutin ang tanong ko.

"Sally." Sagot niya at mabilis na tumayo. "Maghahanda na ako." Paalam niya. Naglakad na siya papuntang kwarto nila ni Ivory. Oo kwarto nila Ivory. She said she didnt remember anything. Lalo na ang alaalang nagpakasal siya sa akin kaya hindi daw siya tatabi sa akin at kay Ivory lang daw siya tatabi kaya hinayaan ko na siya. It's better than that. Baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko kapag magtabi kami sa kama.

But then...

Sally?

Who the hell is that?

---

Alodia

"Kumusta?" Umupo ako sa tabi niya at inilagay sa tabi niya ang dala ko. Napangiti ako ng makita ko ang bagong itsura ng bahay niya. "Ang tagal na ng huli tayong nagkita. Akala ko magiging gubat tong tirahan mo, pero may caretaker ka yata dito..." Sabi ko sabay haplos sa malinis na marmol. "I'm back, Lisa." Mahinang wika ko habang pinapasadahan yung letra ng pangalan niya gamit ang daliri ko. Ilang minuto akong natulala habang ginagawa ko yun. "Lisa..." Tawag ko sa kanya nang maalala ko ang sasabihin sa kanya. Tinigil ko ang ginagawa ko. Iniangat ko ang mga binti ko. Niyakap ko yun at tinitigan ko yung bermuda grass na nasa gilid ko. "I'm sorry..." Mahinang wika ko. Binaba ko ang isang kamay ko at binunot yung mga dahon. "Pinigilan ko. Pinigilan ko ang nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ko na kayang itago pa. Mas lalo lang akong nahihirapan kaya..." Nakagat ko ang labi ko. "Makakatawa nga eh. I hate that man. Because of him namatay ka. Dahil sa binuntis ka niya..." Parang bigla akong natauhan sa sinabi ko at sinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko. "I hate myself. Ang rupok ko. Nang nabuntis ka nagalit ako sa lalaking 'yun at sa batang dinadala mo. Nang pinanganak mo si Ivory, pinangako ko sa sarili ko na igaganti kita. Alam mo ba binalak kong gamitin yung bata para perahan yung tatay niya?" 'Yun yung unang bagay na pumasok sa utak ko nang matanggap ko na buntis  nga si Lisa kaya naman kahit na gusto kong painumin ng pamapalaglag si Lisa, tinulungan ko na lang siya sa pagbubuntis niya. Kaso nang pinanganak niya si Ivory, nagbago ang plano. Napamahal sa akin yung bata.  I want to keep her. Gusto kong magiging nanay niya. Gusto kong maging akin siya. Pero alam kung hindi tama. Hindi ko kayang ibigay sa kanya ang buhay na kayang ibigay ng tatay niya. At masakit isipin na wala na nga siyang ina, wala pa siyang ama. Ayoko na maramdaman na may kulang sa buhay niya kaya hinanap ko ang tatay niyang walang kwenta.

Nag angat ako ng mukha. Tumingin ako sa langit. May mga saranggola. Tsk. May mga bata dito na ginagawang parke yung sementeryo. Oh well, perfect place kasi rito magpalipad ng saranggola. walang puno at kable ng kuryente.

"Lisa..." Tawag ko sa pangalan niya. "Nagtagumpay ako sa pagpapakilala kay Ivory sa tatay niya. Magtatagal sana ako ng ilang buwan para pahirapan ang tatay niya pero may mga nangyari... And now, I realized..." Tumingin ulit ako sa mitso niya. "I think I love your ex-lover." Sabi ko.  Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Alam ko, kung buhay ka lang ngayon, sasapakin mo ako. Kasi impossible. Ang alam ko lang definition ng love ay ang pamilya at kaibigan pero love for other person? I really don't understand. Hanggang ngayon naman eh." Aamin ko, until now, hindi ko pa rin maintindihan ano ba talaga ang pagmamahal. "Pero ang weird nga eh. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon pero..." Parangmay bumara sa lalamunan ko."Ang alam ko, kapag nawala si Marcus sa akin, para akong mamatay sa sobrang lungkot." Noong una natakot ako sa nararamdaman ki. Dahil baka pinipilit ko lang ang ideyang gusto ko siya para gumawa ako ng paraan para i pursue ko siya dahil kay Ivory pero hindi eh. Mahal ko si Ivory. Kaya ko namang bisitahin siya. Dalawin. Pero bakit ganoon yung reaction ko noon? And now I think I know. Gusto ko, tanggapin rin ako ni Marcus bilang ako. Hindi bilang kaibigan ni Lisa o nanny ni Ivory sa tahanan niya. Denial lang ako. Siguro noong baby pa si Ivory gusto ko na siya. I like him. I like his stupidity. Natutuwa ako kapag nahihirapan siya lalo na sa akin at kay Ivory. I like him dahil kahit naguguluhan siya sa mga nangyayari he  tend to absorb everything para hindi siya maguluhan... There's lots of things that I like about him... And now, I see him a man. Ang lalaking  nakikita kong makakasama ko habang buhay...." Nanlaki ang mga mata ko ng mga realize ko ang sinabi ko.

Kailan ako naging cheesy? Wala sa sariling kinuha ko yung kandila  na hindi sinindahan at pinalo ko yun sa ulo ko at napahiga sa damuhan.

Napatakip ako  mga mata ko habang bumabalik sa isipan ko ang mga sinasabi ko. I didn't know. Hindi ito yung dapat sinasabi ko. Dapat minumura ko yung pesteng lalaking yun dahil nagsisinungaling siya sa akin! Hindi dapat ganito ang sinasabi ko kay Lisa! Damn!

"Lisa..." Tumagilid ako ng higa at tinitigan ang lapida niya.   "I think I really fall hard to that jerk." Nakangiting sabi ko  sa lapida niya sabay tawa pagkatapos. Damn. I never felt being this honest!

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon