Eleven

1K 41 6
                                    

AN: Sana magustuhan niyo *cross fingers*

ALODIA



"Laya ka na, Gokongwei!" Napaangat ako sa pagkakayuko ng sabihin sa akin noong jail guard. Nakatingin siya sa akin.

"Bakit hindi ka masaya?" Tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at tumayo na ako sa pagkaka squat doon sa sahig at tinalikuran siya. Kinuha ko 'yung bag na hinanda sa akin ng mga kasama ko sa loob.

Nasa may waiting room ako para mapirmahan yung dapat pirmahan para makalabas na ako rito.

Lumabas ako sa maliit na kwarto na yun. At narinig ko ang sigawan ng kasama ko.

"Alodia!" Napalingon ako sa kanila. Ang mga mukha nila, may umiiyak, may natutuwa sa nakikita nila. Ngumiti ako ng tipid sa kanila.

"Bibisitahin ko kayo, pangako!" Pag aasure ko sa kanila!

"Pangako yan ha!" Sigaw ni Inday sa akin. Nakangiting tumango ako sa kaniya.

"Umalis ka na, Alodia!" Sabi sa akin ng jail guard sa akin. Tumango lang ako sa kanya at tinaas ang kamay ko para sabihan yung mga taong nasa rehas na aalis na ako. Tinalikuran ko sila at tuluyan ng umalis sa lugar na yun.

Napapikit ako ng biglang umihip ang malakas na hangin pagkalabas na pagkalabas ko sa pinto. Napahawak ako sa buhok ko at napangiti.

Ang hindi sariwang hangin na to dahil sa mga  sasakyan na naglipana sa kalsada. Na-miss ko to. Ilang taon ko na ba huling naamoy ang bagay na 'to?

Puro pawis ng kasama ko at ang mapanhing amoy ng banyo ang  naamoy ko ng ilang taon.

Tama.

Napadilat ako sa mga mata ko at napatingala.

Halos anim na taon na rin ang lumipas.

Kamusta na kaya si Ivory?

Malaki na siguro siya...

Tapos yung tatay niya...

Naikuyom ko ang kamay ko.

Sumigaw ako ng malakas!

Siraulo! Sabi ng 'wag mo sa silang isipin eh!

Sumigaw ulit ako ng malakas! Kaya nagtinginan ang ilang taong nasa presinto sa akin!

Ano na?

Ano na  ang mangyayari sa akin?

Bakit?

Bakit ako pinalaya?!

Ayoko.

Tanggap ko na! Tanggap ko na hindi na ako makakalaya! Okay na ako sa loob eh! Ayoko! Ayokong lumabas sa presintong to! Dito na lang ako! Binaba ko ang dala kong bag at naghanap ng isang tao-isang tao na pwedeng makababalik sa akin sa loob!

May nakita akong isang babae na may dalang folder-kukuha siguro ng police clearance. Bumaba ako sa hagdan at nilapitan siya. Tama.

Ito ang gagawin ko.

Papatayin ko siya para makulong ulit ako.

Kinuha ko yung nakita kong kahoy sa ginagawang karinderya nalapit sa police station. Nakatalikod sa akin ang babae. Isang kilometro lang ang layo niya sa akin at akmang ipapalo ko na sa ulo niya ang hawak kong kahoy ng may humawak sa ulo niya ng may humawak sa kamay ko.

"Anong gagawin mo?" Sabay na napalingon kami noong babae sa likod ko.

Nanlaki ang mata ko kung sino ang nakita ko. Natakot ako.

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon