Special Chapter

1.6K 26 0
                                    

"Anong nangyayari sa kanya?" Mahinang tanong ko sa sarili ko nang makita ko si Lisa na busy sa 'paglapastangan' sa mukha niya. Naitaas ko ang kilay ko ng naglagay pa siya ng mascara at lip balm.

Eh?

Hindi pa siya tapos?

Napatingin ako sa relo ko.

"Male-late ka na Lisa." Sabi ko sa kanya at pumasok sa kwarto namin. Oo, magkasama kami sa kwarto pero may sarili kaming kama.

Nagulat pa si Lisa nang marinig ang boses ko.

Seriously?!

Hindi niya ba ako naramdaman?! Nandoon lang ako sa may pintuan at nanood sa kanya ah! Ganoon siya ka absorbed sa ginagawa niyang paglagay ng kolorete sa mukha niya?

"Kanina ka pa ba diyan, Alodia?" Tanong niya at bumalik sa paglagay ng kolorete sa mukha niya. Hindi pa siya talaga tapos? Hindi niya ba narinig ang sinabi ko na male-late na siya!

"Pantay na ba?" Tanong niya at humarap sa akin. Tinutukoy niya 'yung pula na make-up sa may pisngi niya. Naitaas ko ang isang kilay ko.

Bakit niya ako tinatanong ng ganyan?

Ah tama. Magagaling pala ako sa mga ganyang bagay. 'Yang pantay at straight. Civil engineering kaya course ko. Pero hindi niya ba alam na may hangganan ang kaalaman ko sa mga ganyan.

Tinitigan ko ang mukha niya. "Yeah. Pantay 'yang nasa pisngi mo."  Bored na sagot ko.

She just rolled her eyes sa sinabi ko.

"Blush-on ang tawag sa nasa pisngi ko, Alodia." Maarteng wika niya.

I just rolled my eyes too.

"Sorry ha!" Sarcastic na sabi ko. "Ang galing ko sa mga bagay na 'yan eh!" Inis na dugtong ko. Tinutukoy ko yang mga pesteng make-up na yan!

Lipstick lang kaya ang alam kong ilagay sa mukha ko!

Tsk.

Ngayon-ngayon nga lang nga ako natutong mag lagay ng lipstick dahil plus points sa klase namin. Sinabihan kami ng professor namin na dapat daw laging presentable ang mga engineer kaya kailangan naming magpractice lagyan ng kolerete ang mga mukha naming mga babae! Syempre for the sake of grades ginawa ko. Naglalagay ako ng pesteng lipstick!

Tsk!

Kinuha ko na lang ang mga libro ko na tungkol sa buhay ni Rizal at nagsimulang magbasa!

Bakit kailangan ko 'tong basahin?

Makakatulong ba si Leonora Rivera sa kurso ko? Si Segunda Katigbak?

"Aish!" Inis na sabi ni Lisa kaya napatingin ako sa kanya. May nilalagay siya sa tenga niya. Earings! Pero nahihirapan siya dahil hindi naman siya sanay na maglagay ng mga ganyan!

I just rolled my eyes again.

"Sinong pinapagandahan mo?" Tanong ko sa kanya at humiga ako sa kama ko ng padapa habang nakatingin sa kanya. "Hindi mo na narinig ang sinabi ko kanina, male-late ka na. At hanggang ngayon nagpapaganda ka pa."

Napatigil siya sa paglalagay ng pabango at nahihiyang tumingin sa akin.

"Pinapagandahan ko 'yung boss ko." At humagikhik pa siya pagkatapos sagutin ako. This girl. Wala sa bokabularyo niya ang salitang hiya? Mag sinungaling kaya siya minsan. Nakakatulong 'yun minsan eh.

But pinapagandahan niya ang boss niya?

Oh God!

Napatakip ako sa bibig ko.

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon