Fifteen

1K 49 3
                                    

ALODIA

"Nanny! Alam mo ba super duper love ko yung mga damit na binibigay mo sa akin tuwing birthday ko..." napalingon ako kay Ivory ng sabihin niya  yun. Nag iimpake ako ng gamit dahil sinabihan ako noong nurse na kasama ni Ivory na kailangan ko na daw mag impake at mag ayos kasi lalabas na ako sa hospital. Yun ang sabi nila sa akin. Wala naman akong damit na dala. Yung binigay lang sa akin ni Enzo ang iniimpake ko.

"Birthday mo?" Tanong ko kay Ivory na nasa kama at kanina pa nakadapa doon sa kama habang naglalaro sa tablet niya. Wala akong binigay na damit sa ka -

Tumango lang siya. Huh?

Bumaba siya sa kama at minomodel-model ang damit na suot niya. Napatitig ako doon. Kulay pink ang suot niya at nanlaki ang mata ko dahil... Gawa ko nga ang damit na yun!

"Tulad  ng damit na suot ko!" Masayang sabi niya. Napatingin ako sa kanya. "Ang pretty ko sa damit na gawa mo nanny!" Masayang sabi niya.

Tumigil ako sa pag iimapake at umupo sa kama ko. Naguguluhan ako. Paano napunta ang mga gawa ko kay Ivory?

"Nanny, what's wrong?" Napalingon ako sa kanya. Nasa tabi ko na pala siya at concern na nakatingin sa akin.

"Baby..." sabi ko at kinarga ko siya paupo sa lap ko. "Pwedeng magtanong, bakit mo ako kilala kahit na hindi tayo nagkikita..." tanong ko sa kanya.

Ako, hindi na nakapagtataka na kilala ko siya. Noong nasa selda pa ako, linggo-linggo kasi pinapadalhan ako ni Lyka ng picture ni Ivory para daw may pang motivation ako sa kaso ko.

Lumabi si Ivory at kumunot ang noo na para bang naguguluhan sa sinabi ko.

"Because you are my nanny..." inosenteng sagot niya. Huminga ako ng malalim. It's useless! Namana yata ni Ivory ang utak ng nanay niya. Masyadong loading! "Oh! I remember something!" Sabi niya at humarap sa akin. Oh. Parang tama yata ako!

"Ano yun baby?" Tanong ko. "I saw your  picture on daddy's laptop!" Masayang sabi niya.

Nanlaki ang mata ko at napanganga sa gulat. What the!?

Bakit may picture ako sa laptop ng tatay niya?

"Anong picture?" Kinakabahang tanong ko. My God! Baka may mga camera doon sa bahay niya o di kaya sa kwartong tinutuluyan ko tapos habang natutulog ako, kinukunan niya ako ng video o picture... O baka naman noong naliligo ako... Shiiiiitttttttt!!!! I'm going to kill him!

"Yung picture na naka panty at bra ka lang!" Sagot ni Alodia

What the fuck?!

Papatayin ko talaga siya! Papatayin  ko siya!

Pinagnanasahan ako ng Marcus na yun!?

Hindi ko alam pero gusto kong kunin ang kutsilyong nasa loob ng fruit basket ko at isaksak sa mga mata ni Marcus ngayon. Damn him!

Alam ko na masyadong 'mainit' ang lalaking yun kaya nga nabuntis niya si Lisa tapos ngayon hindi man lang niya ako nirespeto?!

Manyakis ang lalaking yun!

"Tapos nasa pool tayong tatlo noon nanny!" Huh? Napalingon ako kay Ivory ng sabihin niya yun. "Baby pa nga ako noon sa picture. Tapos karga-karga mo ako. Sabi ni wowa, yun daw ang unang beses na nagpaparty si daddy para sa akin." Sabi niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin.

Ahhh...

Teka lang..

Inabsorb ko lahat ng sinabi niya.

Ah na gets ko na!

Mali ako!

"Baby, swimsuit ang tawag sa suot ko doon!" Sabi ko sa kanya. Jusko! Makakapatay pa ako dahil sa maling akala! Naman oh! "Hindi... panty at bra ang tawag doon..." mahihirapan ako sa huling salitang sinabi ko.

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon