Ten

1.1K 44 2
                                    

ENZO

HINDI na nagpaalam sa akin si Marcus ng umalis siya sa harap ko. Naiintindihan ko naman siya.

Pero... Ang isang 'to, hindi ko siya maintindihan....

Tumingin ako kay Alodia pagkalabas na pagkalabas ni Marcus.

"Kailan ka titigil sa pagpapanggap na tulog diyan?" Tanong ko sa kanya.

Dahan-dahang dinilat niya ang mga mata niya.

"Bakit mo sinabi sa kanya ang nangyari kay Lisa?" Tanong niya sa akin pagkatapos.

"Bakit nagpapanggap ka na walang maalala at naghimatay-himatay ka pa?" Balik na tanong ko sa kanya. Hindi ko pinansin ang tanong niya.

Umupo siya sa kama at masamang tinitigan ako.

"Wala kang pakialam." Sabi niya at akmang tatanggalin ang dextrose niya ng pinigilan ko siya.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Wala kang pakialam." Sagot niya ulit at pilit na kumuwala sa hawak ko.

"Alodia!" Sigaw ko sa kanya at pinandilatan siya.

"Shut up, quack doctor!" Sigaw niya sa akin.

Damn! Bakit ba ang hirap intindihin ng babaeng to!?

Binitawan ko siya. "Sige umalis ka, ipapakulong kita dahil aalis ka sa hospital namin ng hindi man lang nagbabayad!" Pananakot ko sa kaniya.

Masamang tiningnan niya ako at padabog na tumigil at sumandal sa may head board noong kama ng hospital bed niya.

"Pahiram ng phone may tatawagan ako..." sabi niya na hindi man lang tumitingin sa akin. Naitaas ang isang kilay ko.

"Sino?" Tanong ko. Wala na siyang ibang kaibigan bukod kay Lisa. Hindi naman siya friendly na tao-siguro noong bata pa siya...

"Si Alfred." Sagot niya.

Kumunot ang noo ko.

Alfred?

"Sino naman ang Alfred na..." Alfred... Biglang umakyat ang dugo ko nang mapagtanto ko kung sino ang Alfred na tinutukoy niya.

"The hell, Alodia!" Sigaw ko sa kanya. "May contact ka pa rin sa lalaking 'yun! I told you, lumayo ka sa kanya! Mapapahamak ka lang!" Sigaw ko. Halos maputol ang ugat ko sa leeg sa sinabi ko pero ang gago!

"You are so noisy..." tamad na sabi niya. Humiga siya at nagtalukbong ng kumot. "Matutulog na lang ako, bahala ka diyan sa buhay mo..." dugtong na sabi niya.

Bwisit!!!!!!!

Inis na sinipa ko ang kama niya at tinalikuran siya.

Lumabas ako sa kwarto niya. Hinanap ko agad ang head ng security namin at sinabihan na bantayan ang kwarto ni Alodia. Hindi ako papayag na magkita sila ng Alfred na yun! Magkakamatayan muna kami ng Alfred na yun!

----

MARCUS

ELIZABETH RACAL

Hindi ko na binasa yung date kong kailan siya nabuhay at namatay. Hindi ko kayang basahin. Inilagay ko yung bulaklak na binili ko kanina. Inilagay ko yun sa may mitso niya at tinitigan ng mabuti ang pangalan niya doon sa lapida.

I offered a prayer. Maiksi lang yun.... Hindi ko mapigilan magbalik tanaw sa mga nangyari sa amin noon...

Yung bangayan namin sa opisina.

Yung araw na pinapakinggan niya ako tuwing sinasabi ko sa kanya ang mga problema ko sa kompanya, sa pamilya, sa lovelife...

Yung mga araw na excited akong pumasok dahil alam kong nandoon siya sa table niya at hinihintay ako...

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon