Eight

1.2K 42 1
                                    

ALODIA

"Alodia." Sabi ko kay Ivory. Pero imbes na Alodia ang sabihin niya...

"Dada." Sinabi niya.

Umiling lang ako.

"Alodia nga." Madiin na sabi ko. Ngumuso lang si Ivory at....

"Badawayayayawawabawa..." maingay na sabi niya. Kumunot ang noo ko at pilit na inintindi ang sinabi niya. Hindi ko talaga maintidihan. Aish! Another alien language!

"Ano 'yun munting tiyanak?" Tanong ko sa kanya.

Imbes na magdaldal ulit si Ivory, tumawa na lang bigla si Ivory. Napailing ako. Pinapakain ko siya ng cerelac ng magsalita siya bigla na para bang pinapagalitan ako. Kaya napasok sa sarili kong turuan siyang magsalita ng madaling words tulad ng daddy, baby at nanny at ang pangalan ko na Alodia kaso gaya ng narinig niyo, hindi siya tulad ng iba, madaling matuto.

May mga salitang naiintindihan naman ako sa kanya tulad ng 'nom' ibig sabihin nun gusto niyang uminom. Tapos kapag 'nam nam' kain o gusto niyang kumain. Kapag si Marcus, 'Dada' ang tawag niya. At kapag ako, 'anny'. The rest mga salitang hindi ko na maintidihan!

"Nom! Nom! Nom!" Sigaw niya kaya kinuha ko 'yung dede niyang may lamang tubig. Mabilis na uminom siya doon.

Napangiti na lang ako sa pinaggagawa niya. Ang bilis niyang lumaki. 8 months na siya ngayon at nagsisimula na siyang tumayo sa crib niya. Tsk. Kaya kailangan na siyang bantayang maigi. Ang bilis na nga niyang gumapang eh kaso, wala pa rin siyang ngipin.

Tsk.

Napatingin ako sa orasan. Malapit na 5, uuwi na yung tatay ni Ivory. 4:30 ang out ni Marcus. At dahil sa traffic, 30 minutes ang biyahe niya pauwi kahit na malapit lang naman ang bahay niya sa opisina.  Yung bahay na inuwian ko ng lumabas ako galing sa hospital.  Grabe, iba rin talaga ang mga mayayaman, tig da-dalawa ang bahay! Marami pa siyang bahay actually. Naalala ko kasi yung sinabi ni Lisa noon na sobrang yaman daw ng amo niya. Maraming kotse, bahay andaming pera kaya... Damn! Nanlaki ang mga mata ko ng maaalala ko yun... Kaya daw magpapabuntis siya... Ang babaeng yun! Pero mahal naman talaga ni Lisa si Marcus eh.

Bumukas ang pinto at iniluwa doon si Marcus. O nakauwi na siya. Ang aga yata?

"I'm home..." matamlay na bati niya. Naitaas ang isang kilay ko.

Lately, napapansin ko, para siyang zombie. Halatang stress siya sa trabaho niya. Tsk.

"Dada!" Sigaw ni Ivory sa kanya at umaktong magpapakarga sa kanya.

"Hi baby." Pagod na bati ni Marcus sa kanya at lumapit sa amin. "Did you missed daddy?" Masayang tanong niya. Inis ako kapag gumaganito siya! Hindi ko alam kong totoo iyang pinapakita niya o gumaganito lang siya dahil nandito ako ngayon at pinapanood siya.

Naiinis akong aminin to, pero nakikita kong nagbago na siya. Nakikita kong mahal na niya ang anak niya.... Na responsable siya. Na may kwenta siya...

Sana, hindi lang palabas lahat ng pinapakita niya tulad ng ginagawa ko ngayon. Sana totoo to.

Atsaka, sana kung malaman niya ang lahat sa pagkawala ni Lisa, mahalin niya pa rin si Ivory.

Pero kahit ganoon... Kahit tingin ko pinaplastik lang niya ako... Kahit nagdadalawang isip pa rin akong iwan si Ivory sa kaniya kasi lagi pa rin sumasagi sa isip ko na ilayo si Ivory sa kaniya dahil nakatatak sa isipan ko na wala siyang kwentang ama...

Pinigilan ko si Marcus sa pagkarga sa anak niya. Bago pa kasi siya makalapit sa anak niya pumunta ako sa may harapan ni Ivory kaya napatigil siya sa paglalakad at pagkuha sa anak niya.

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon