Twenty-one

980 28 7
                                    

MARCUS

Anong nangyari?

"Alo-

Napatigil ako sa pagtawag sa kanya nang lumingon siya at tiningnan ako ng sobrang sama.

Napalunok ako at parang nawala bigla ang lahat ng sasabihin ko.

"A-ah w-wala..." sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. Ramdam ko pa rin ang titig niya kaya hindi ko alam ang gagawin ko.

"Hmp!" Rinig kong sabi niya at mabigat ang mga paang tinalikuran niya ako.

Napatitig ako sa kanya na ngayon ay papunta sa labas ng bahay.

Confirm! Galit nga si Alodia sa akin! At hindi ko alam ang dahilan!

"Anong nangyari?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.

Kanina kasi ramdam ko ang tensyon sa aming dalawa, akala ko feeler lang ako pero dahil sa nangyari kanina, alam ko na. Galit nga siya at hindi ko alam ang dahilan at ngayon parang nababaliw na ako dahil hindi ko nga alam kong bakit.

Anong ginawa ko?

Wala naman akong ginawa ah?

Masakit nga ang ulo ko dahil sa hang-over kagabi! Nagpa-party kasi si Juancho dahil engage na daw sila nung girlfriend niya kaya.

Kung hindi lang ako dinala nila Juancho at ni Pele baka hindi ko alam kong nasaan ako. Pero bwisit! Tinangay ni Juancho ang isang kotse ko at hindi ko alam kung nasaan na ko ngayon...

Napabuntong hininga na lang ako.

Wait lang!

Nagsuka ba ako kagabi?!

O baka naman may ginawa akong hindi maganda sa kanya?!

Come to think of it!

Sa sobrang kalasingan ko kahapon dapat nasa labas ako nakahiga sa damuhan pero nasa kwarto ako at nakapagpalit pa ng damit!

Impossible naman si Juancho ang gumawa noon! At impossible na ang girlfriend niya! Kaya si Alodia talaga siguro ang... Naku!

Napapikit ako.

Naman oh!

Nasapo ko ang mukha ko.

Kailangan ko yatang humingi ng sorry sa kanya at magpapasalamat na rin ako sa mga ginawa niyang pag-aalaga niya sa akin.

---

Alodia

Hindi ko mabilang kung ilang beses na ako nag ikot ng mata ngayong araw.

Nakakainis kasi!

Nakakainis lang talaga!

Baliw na kasi yata ako!

Naiinis ako dahil naiinis ako kay Marcus! Diba ang labo lang?! Kaya mas naiinis ako sa sarili ko!

Kasi naman ang bwisit ni Marcus! Hindi man lang nagpasalamat sa ginawa ko sa kanya kagabi! Tapos kung makaakto parang walang ginawang katangahan kagabi!

No!

Walang nangyari kagabi-meron pala! Sinukuhan niya ako! Buti na lang talaga sa may hagdan niya ako sinukahan at hindi sa kama niya! Kasi kapag nagkataon talaga, itatapon ko siya sa labas ng bintana niya!

Nakakainis!

Come to think of it, dapat din pala siya mag sorry sa akin!

Ang kapal ng mukha niya!

Damn it!

Inis na sinipa ko ang bato na nasa harapan ko. Nasa duyan ako nakaupo sa may garden nila Marcus.

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon