Thirty-three

1K 30 4
                                    

Alodia

"NAGAWA MO NA BA ANG pinapagawa ko sa iyo?" Tanong ko agad kay Enzo. Tinutukoy ko yung mga 'tulong' sa mga taong niloko namin ni Alfred.

"Oo." Mabilis na sagot niya. Huminga siya ng malalim pagkatapos sa sagot niya. May problema ba sa pinagawa ko sa kanya? Kaya hinintay ko ang sunod na sasabihin niya. "Kaya naman, please lang Alodia. Maawa ka naman sa kaibigan ko." 

Naitaas ko ang isang kilay ko sa sinabi niya.

Tsk. Akala ko kung ano na yung sasabihin niya. 'Yun lang pala.

"Sinong kaibigan? Yung doctor o yung kasama ko ngayon?" Maang-maangang tanong ko pa sa kanya.

Napatingin ako kina Ivory at Marcus na ngayon ay gumagawa ng tree house sa likod ng bahay. Nasa bintana ako ng kwarto ko habang minamasdan sila. Kanina kasama nila ako dahil ako yung nag draft nung gagawin nilang tree house pero dahil tumawag ang isang 'to, kinailangan ko silang iwan.

Kung hindi lang importante ang pinapagawa ko sa kanya hindi ko siya kakausapin eh.

"Yung dalawa." Mabilis na sagot ni Enzo. "Pero mas concern ako kay Marcus dahil magkasama kayo. Baka kung ano ang pinaplano mo sa kanya... Ano ba kasi yun?" Tanong niya. I just rolled my eyes. Kung makapag salita naman ang lalaking 'to para namang papatayin ko ang kaibigan niyang  'yun.

"Sekretong malupet!" Sagot ko at pinatayan ng telepono ang gago.

Plano?

Napangiti ako.

Simple lang naman ang plano ko. Gawing miserable ang buhay ni Marcus! Napatingin ako sa mga gamit na nasa kama ko. Mas lalo akong napangiti. It's payback time! 

----

Marcus

Ilang beses akong napakurap ng makita ko si Alodia-scratch that. Ang suot niya. 'Yung suot na damit ni Alodia ngayon. Napalunok ako. Nakasuot siya ng short-short at sleeveless na t-shirt pero 'yung nasa may gilid may punit, para tuloy siyang jersey at kita ko yung  kulay itim niyang tube na bra. 

Anong nangyari?

Ba't ganyan ang suot niya?

Eh nakapajama siya kanina ah!

"Bakit?" Tanong niya ng mapansin niyang nakatitig ako sa kanya.

"Nagpalit ka ng damit?" Mahinang tanong ko sa kanya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Hindi! 'Yung damit ang pumalit sa akin?!" Sarkastikong sagot niya. "Kita mo namang iba na yung damit ko eh!" Inis na sabi niya sabay kuha ng martilyo at pako.

"Woah! Mommy, marunong kang gumawa ng tree house?" Masayang tanong ni Ivory kay Alodia.

"Yeah..." mahinang sagot niya at lumapit doon sa mga kahoy na hinanda namin. "Tsk!" Inis na sabi ni Alodia ng makita niya na hindi straight yung pagpako ko doon sa isang kahoy.

Kinuha niya yung martilyo at inalis yung pako tapos pinantay yung kahoy at pinako ulit.

Manghang tumingin si Ivory kay Alodia habang tinitigan ang ginagawa niya Pumalakpak si Ivory. "Mommy is our savior!" Masayang sigaw ni Ivory. Yeah, she is. Wala aking alam sa ganito. Kanina nga namartilyo ko yung isang kamay ko kaya tumigil na ako.

Napatitig lang ako kay Alodia at pinapanood ko rin siya. Pinapanood ko ang bawat galaw niya. Hindi yung balat niyang hindi natatakpan ng suot niyang damit. Hindi yung mga asset niya...

Biglang tumigil si Alodia sa ginagawa niya at inis na bumaling sa akin. Why? Napansin niya bang tinitigan ko siya... ng may halong pagnanasa?

"So ano, feeling mo, kaya kung magmulti-tasking?" Sarkastikong tanong niya.

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon