Thirty-two

939 35 0
                                    

AN: Special Chapter sana to but yeah... Ito ang nangyari.

Ito pala yung mga pinuntahan ni Alodia bago siya umuwi sa bahay ni Marcus pagkatapos na pumunta sa sementeryo para bisitahin si Lisa.

------

"Pangalan ma'am?" Tanong noong assistant na babae sa akin. Nasa hospital ako na laging dinadala ni Marcus para sa check-up ko.

"Wala akong appointment sa kanya pero sabihin mong nandito ang asawa ni Marcus Lagdameo, si Mrs. Alodia Gokongwei-Lagdameo." Mayabang na sabi ko sa babaeng nasa harapan ko.

Mabilis na lumingon sa akin ang babae. Bakas sa mukha niya na nayayabangan sa akin.

Hell, I care!

Minsan lang akong magyabang at minsan lang maging misis ni Marcus kaya why use it?!

Atsaka hindi ako ang may kasalanan bakit naging mrs. Lagdameo ako. Nagmula yun sa bibig ng Marcus na yun.

Papalag pa sana yung babae nang lumabas yung doctor ko. Siya yung nag check up sa akin ngayon. Hindi ko alam kung siya ba yung doctor ko noon. Nakalimutan ko na kasi ang itsura noon.

"Doc!" Tawag ko.

Lumingon naman siya sa akin.

"Alodia!" Nakangiting bati niya sa akin. Lumapit agad ako sa kanya. Hindi ko pinansin yung secretary-I don't know kung sino yung babaeng kausap ko kanina. Pinipigilan niya ako eh.

"Okay lang..." sabi noong doktor ko sa babae. Binigyan ko tuloy nang 'sabi ko sa 'yo eh' tingin ang babae. Inismiran lang niya ako at nagpaalam sa doktor na babalik na siya sa post niya.

"So Mrs. Lagdameo-

Hinila ko siya papasok sa opisina niya. Gusto kong mag usap kami ng private.

Pinaupo ko siya sa upuan niya at ako naman ay umupo doon sa upuan na pang kliyente. Alam ko na nawi-weirduhan sa akin ang lalaking to pero pakialam ko sa iniisip niya.

"So ahm... What's bring you here-

"Nakakaala na ako." Putol ko sa sasabihin niya.

Hindi siya nakareact agad.

Too bad.

Excited pa naman ako sa reaction niya. Akala ko bongga yung magiging reaksyon niya.

"O-oh good for you!" Sabi niya nang makabalik na siya sa wisyo.

Hmmmm...

Napangiti ako. Sigurado ba siya sa sinabi niya? 'Yun ba talaga ang nasa utak niya?

"Talaga?" Paninigurado kong tanong. "Good for me talaga?" Nakita ko ang pagkakaba niya pero agad namang nawala at naging seyoso. Lihim na napangiti ako. Acting tough ha? Tingin niya ba hindi ko napansin... "Oh well, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, gaya ng sabi ko nakakaalala na ako. And I am here because I want you to check my brain kung okay na ba talaga ako." Sabi ko.

"Alam na ba ito ni Marcus-

"Ha?" Putol ko sa sasabihin niya. Parang sinasabi ko sa kanya na bakit kailangan malaman ni Marcus ang bagay na to. I got his attention. Tinitigan niya ako. Nakikita ko sa itsura niya na napagtanto niyang may binabalak akong hindi maganda. May tama siya! May pinaplano nga ako. "Hindi niya na kailangang malaman." Sabi ko at ngumiti sa kanya. "Gusto mo bang isumbong kita sa Philippine Medical Association at Professional Board Regulatory sa ginawa mo sa akin?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Oh man, napapansin ko, palangiti ako ngayong araw. "Tinulungan mo si Mr. Lagdameo na lokohin ang isang pasyente na magsinungaling na asawa niya ako." Sabi ko.

Daddy, Baby, NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon