ALODIA
"Bilisan niya nga diyan!" Sigaw ni Alfred na nasa unahan at mabilis na naglalakad sa amin. Psh!
Mas mabilis ka lang talagang maglakad, siraulo ka!
Diniinan naman noong tauhan niya ang pagkakahawak sa kanang braso ko at kinaladkad ako.
"Aray!" Mahinang daing ko. Bwisit!
Inis na nilingon ako noong lalaki na para bang nainis siya sa sinabi ko. Talaga lang ha?! Siya na nga ang kumakaladkad sa akin!
"Bilisan mo nga ang paglakad." Madiin na sabi ng lalaking kumakaladkad sa akin. "Atsaka umayos ka nga." Inis na dugtong niya.
Sinamaan ko siya ng tingin!
Ayos?
Wow ha!
"Paano ako aayos?!" Galit na tanong ko sa kanya. Nakatali ang kamay ko, kinakaladkad pa niya ako tapos nakasuot ako ng tube dress na kita ang cleavage ko tapos two inches above the knee pa siya kaya halos kita na ang panty na suot ko kapag yuyuko ako kaya na co-conscious akong maglakad tapos naka heels pa ako tapos kinakaladkad pa nga niya ako!
Napatingin ako sa paligid ko. Puro mga container ang nakikita ko. Nasa daungan yata kami ng mga barko.
Anong gagawin nila dito?
Bakit nila ako sinama? Na ganito ang ayos ko?! Psh!
Hindi ko alam kong anong nakain ng mga taong to?! Hindi nga nila sinabi sa akin ang rason nila kung bakit dinukot nila ako tapos dinala pa nila ako rito sa lugar na to na nakaayos! Oo! Para akong aatend ng party sa suot ko. Nagising na lang kasi ako kanina na inaayusan ng mga babae. Pinaganda nila ako. Oo may light make up din ako. Plinantsa nila ang buhok ko!
Lintek!
Tumigil kami sa paglalakad. Sa wakas! Tapos na ang lakaran namin.
"Umayos ka!" Sabi ulit noong lalaki sa akin at binitawan niya ang pagkakahawak sa akin. Kung hindi lang talaga ako busy sa paghahanap ng pagkataon at pag-iisip ng paraan para makatakas baka kanina ko pa pinatulan ang lalaking to!
Nakita ko ang pag pormal ng mukha noong lalaki habang nakatingin sa harap. Tiningnan ko yung tinitignan niya. Curious kasi ako! Hindi naman kasi pormal ang mokong na to!
Naitaas ko ang isang kilay ko na may nakita akong tatlong mamahaling kotse nakaparada sa harapan namin!
Mga ilang segundo ang lumipas. May dalawang lalaki ang lumabas sa kanang kotse at binuksan yung pintuan noong likod noong kotse n'ung nasa gitna.
Lumabas ang matandang tingin kong malapit ng mamatay dahil nanginginig na yung kamay at paa niya then nakasuporta sa kaniya ang stainlees na tungkod para makatayo siya at makalakad.
"Hi Mr. Wong!" Masayang bati ni Alfred sa matandang lalaking lumabas doon sa kotse. Tumango lang ang matanda kay Alfred at tumingin siya sa akin. Napatitig lang ako sa kaniya. Tinitigan niya ako ulo hanggang paa. Naitaas ko ang kilay ko ulit nang tumingin siya kay Alfred pagkatapos at may sinabi. Hindi ko narinig, mahina kasi!
"Yes sir!" Masayang sabi ni Alfred at tumingin sa akin. "Pakidala si Alodia dito, Raul!" Sigaw ni Alfred. Hinawakan ako ulit ng lalaking kumaladkad sa akin at hinila niya ako palapit doon kina Alfred.
"Huh? Baki-
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng hawakan niya ang kanang kamay kong nakatali at pinisil yun kaya napangiwi ako sa sakit.
"Tumahimik ka!" Madiin na sabi noong Raul!
"Ito na, Alfred!" Sabi ni Raul at tinulak niya ako papunta kay Aldred. Buti na lang hindi ako napadapa sa pagkakatulak noong lalaki. Bwisit! Humanda siya sa akin kapag nakahanap ako ng pagkakataong mapatay siya!
BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
ChickLitSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!