Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko.
Huh?
Nasaan ako?
Ba't yero ang nakikita ko? Nasaan na yung puting ceiling ng bahay ni Marcus na palagi kong nakikita araw-araw?
Dahan-dahan akong napabangon sa pagkakahiga at napakunot ang noo ko dahil sa nakikita ko.
May mga kahoy na nagpatong-patong sa gilid ng dingding na gawa sa yero-
Mabilis na tumayo ako pero napabalik sa pagkakabagsak.
Nanlaki ang mga mata ko
My legs.
Ang sakit!
Hinawakan ko ang legs ko at hinahampas ng mahina. Nag vibrate ang sakit sa kanang binti ko patungo sa buong katawan ko. Oh God! May bali yata ako!
May narinig akong mga yapak ng mga paa kaya bumalik ako sa pagkakapwesto ko kanina at umarte na natutulog.
Lumakas ang tibok ng puso ko nang tumigil sa mismong harapan ko yung taong naglalakad palapit sa akin.
"Alam kong gising ka, Alodia." Madiing sabi ng taong nasa harapan ko.
Mabilis na naidilat ko ang mga mata ko dahil kilalang-kilala ko ang may-ari ng boses na yun at parang nakakita ako ng multo sa nakita ko sa harapan ko.
"Alfred." Parang sumpa ang pangalan niya nang bigkasin ko yun.
Ngumiti siya sa akin at yumuko ng kaunti. Mariin na tinitigan ko siya.
"Anong nararamdaman mo?" Tanong niya sa akin sa tonong nag-aalala. Hindi ako sumagot sa tanong niya. Imbes ay nakipagtitigan lang ako sa kanya. Yung titig na para bang nagsasabing mamatay ka, mamatay ka.
Naging malungkot ang mukha ni Alfred.
"Wag mo naman akong titigan ng ganyan, Alodia. Nagmamalasakit lang ako sa 'yo." Sabi niya pa sabay tingin sa mga binti ko. Napasulyap ako doon pero agad na tumingin kay Alfred ulit kasi tumingin siya sa akin sa nag-aalalang itsura.
"Masakit ba ang binti mo?" Tanong niya at naramdaman ko ang kamay niya sa may legs ko pababa sa binti ko.
May masamang pakiramdam ako-
"Ahhhh!!!!!!!" Napasigaw ako nang maramdaman ko ang pagpisil niya sa binti kong tingin ko nabali dahil sa nangyari kanina sa akin sa kalsada!
Tumawa siya nang binitawan niya ang binti ko. Galit na galit na tumingin ako sa kanya.
"Gago ka!" Galit na sigaw ko sa kaniya. Papatayin ko siya. Screw justice! Screw ika-anim na utos ng Diyos! Hindi ko papairalin yun! Kakalimutan ko 'yun!
Tumigil siya sa pagtawa at nagulat ako ng tumingin siya sa akin na para bang papatayin niya ako. Natakot ako sa expression ng mukha niya.
Halos mabali ang leeg ko nang bigla niya akong sinampal ng napakalakas.
Hindi ako makagalaw.
Napatulala ako sa sampal niya.
Nagising na lang ako nang hinawakan niya ang buhok ko at hinila yun palapit sa kanya. Napaigik ako. Naramdaman ko ang bibig niya sa may tenga ko.
"Kulang pa yang sakit mo sa binti, Alodia." Madiin na sabi niya. "Dahil sa yo, nagkaletche-letche ang negosyo ko." Galit na dugtong niya. "Ngayon, hinahanap ako ng pulis, bagsak ang negosyo ko at dahil yun sa yo."
Gusto kong matawa sa sinabi niya. Ang immature niya!
Yun lang ang prinoproblema niya?!
Demonyo talaga siya?!
BINABASA MO ANG
Daddy, Baby, Nanny
ChickLitSiya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila nanny at daddy ang parang mga bata!