Chapter 3

12.8K 366 17
                                    

The Contract

It's been two days at hindi na nakita ni Sophie si Dion. Mas mabuti narin iyon, dahil ayaw na nyang makita ang lalaking iyon. Isa itong lalaking may saltik sa utak.

"Eunice, may tanong ako. Kung hindi ako nagkakamali madaming babae ang nagkakagusto kay Dion diba? Pero bakit single sya?"   she asked out of curiosity.

Aminin man nya o hindi ay napupuno ng kuryosidad ang isip nya ngayon patungkol sa lalaking iyon, but no feelings will attach at sisiguraduhin nya iyon.

"Mataas kasi ang standard ni Dion. Wala pa iyang nagugustuhan."   Eunice answered bago umupo sa katapat niyang upuan.

Kumibet ang kanyang labi, she won't believe that. Sinong tao naman ang hindi magkakagusto sa kung sino? Hindi naman kasi sya naniniwala na mayroong ganoong case.

"Believe me or not Sophie pero mataas talaga ang standard ni Dion kaya kahit flirting ayaw nya."   napuno ng katanungan ang isipan nya, bakit ito pa mismo ang nanghalik sa kanya gayong isa lamang syang simpleng babae?

"Bakit mo pala na-itanong?"

"Wala lang, alam ko na kasi ang kwento ng buhay ng iba mong kaibigan maliban sa kanya."   pagdadahilan nya.

"So paano Eunice, mauuna na ako dahil may trabaho pa ako."   saglit lang sila nagbeso at kaagad na lumabas ng bahay nito.

Pumara agad sya ng sasakyan at dumiretso sa trabaho nya. Masyado pang maaga kaya tumulong muna sya sa paglilinis at paghahanda. Ilang oras ang lumipas at dumami na ang costumers.










"Sophie may kararating lang na costumer at nagrequest na ikaw daw ang magserve sa kanya."   napahinto si Sophie sa pagkain nang lumapit ang isa sa mga katrabaho nya.

Sino namang costumer ang nais na pagsilbihan nya gayong bago lamang sya sa trabahong ito at wala pang nakakakilala sa kanya? Isa pa, break time nya ngayon kaya marapat lamang na makapagpahinga sya.

"Ang pogi nun ah, suwerte mo."   sabi pa nito bago sya tuluyang makalabas ng kusina.

Dala-dala nya ang menu, ballpen at listahan. Nagpunta kaagad sya sa table 22, nakatalikod ang lalaki na nagrerequest na pagsilbihan nya. Familiar ang likod nito, hinding-hindi nya makakalimutan ang anyo at tikas ng isang Dion Samonte.

She shook her head, hindi naman siguro ito ang lalaking iyon? Hindi naman kakain ang isang Dion Samonte sa ganitong klase ng restaurant. Tama, marahil ay nagkakamali lamang siya.

"Good morning Sir, can I take your order?"   kaagad na tinulos siya sa kanyang kinatatayuan at nawala ang malawak na ngiti sa kanyang labi nang mapagsino ito.

Dion Samonte.

"Can I get the menu and see it first?"   natatawa nitong tanong.

Even her hands are shaking, she managed to give the menu. Nakangiti naman nitong tinanggap iyon, ang sarap nitong sapakin. Akala yata nito ay ayos na sila?

"Great, nahanap ko narin ang pagkain na gusto ko."   he smiled bago tumingin sa kanya.

"So what's your order, Sir?"   tila naiinip na niyang tanong.

"One Sophie Tehada, please!"   binigyan sya nito ng isang nakakalokong ngiti.

"Sir. kung balak nyo lang mang-abala, mabuti pang bumalik nalang ako sa loob."

"Ma'am can I borrow Miss. Teheda's time?"   napalingon sya sa kinausap nito sa may likuran nya. It's Madam Paola, her boss.

"Sige po Sir!"   ngumiti lamang ito at umalis na.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon