Chapter 5 (SPG)

14.8K 349 10
                                    

Hot Dessert

Maaga palang ay gising na si Sophie, hindi siya sanay matulog sa isang mansion na may kasamang isang lalaki. Though hindi sila magkatabi sa pagtulog, nakakaramdam parin siya ng pagiging hindi komportable.

Ito kasi ang unang beses na manirahan siya sa isang mansion na bukod tanging isang antipatiko at manyakis na lalaki lamang ang kasama. Hanggang ngayon hinding-hindi parin niya nakakalimutan ang ginawa nito sa kanya. Pumanhik ito sa banyo kung saan siya naliligo at pinagtangkaan pa siyang gahasain.

Napahilamos siya ng mukha bago bumangon at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Saglit siyang nagsuklay ng buhok at lumabas na ng kanyang kwarto. Nadaanan niya ang silid ni Dion at hindi nya alam sa sarili kung bakit gusto niyang pumanhik sa loob, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto nito. Hindi nakalock ang pinto kaya nagawa niyang mabuksan at makapasok sa loob.

Awtomatikong nakaramdam siya ng awa at pag-aalala nang makitang yakap-yakap ni Dion ang sarili. Kaagad niyang pinatay ang aircon at kinumutan ito.

Natigil siya nang bigla itong magmulat ng mata at tumitig sa kanya. Shit, kanina pa ba itong gising o kagigising lamang nito dahil sa malikot siya?

"What are you doing?"

"N-nakita kasi kitang nilalamig eh. Lalabas narin naman ako."   agad syang tumayo at lumabas ng kwarto nito.

Matapos niyang sampalin ang sariling mukha ay dumiretso na siya sa kusina, mabuting magluto na lamang siya. Ano bang gustong kainin ni Dion, bahala na kung anong laman ng refrigerator.

Why is she going to cook anyway?









"Dion!"   Sophie smiled as she saw Dion entering the kitchen.

Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay nito at hinila palapit sa dining table bago pinaupo sa upuan. Nilagyan pa nya ng bacon, tinapay at egg ang plato nito.

"Kumain kana, ako ang nagluto niyan."

"Why are you doing this things, Sophie? You don't have to do this cause you're not my maid or cook, all I want from you is a child."   natahimik siya dahil sinabi nito.

"Tell me, are you doing this because you feel sorry for me or because you want to poison me?"   tanong pa nito sa kanya.

She scoffed in disbelief. Ipinagluto na nga nya ito't lahat tapos ganito pa ang sasabihin nito sa kanya? Walang utang na loob!

"Gusto lang naman kitang ipagluto ng umagahan, Dion. Kung ayaw mo kainin iyan kasi nagdududa ka kung may lason puwes hwag mong kainin, itapon mo nalang lahat ng niluto ko para sayo!"   tinalikuran na nya ito at agad bumalik sa kwarto nya.

Ito na nga ang pinagluto nya ng makakain, ito pa ang may ganang magreklamo at pag-isipan sya ng masama? She's trying her best to be good and nice at him, pero masyadong masama ang ugali ng hudas na lalaki na iyon.

That beast is getting into her nerves!









Hindi maiwasan ni Sophie na mapabuntong hininga habang pinag-uusapan ang antipatikong si Dion. Sa tuwing sumasagi sa isip nya ang lalaking iyon, pakiramdam nya pasan nya ang buong mundo.

"Pagpasensyahan mo nalang si Dion, alam nya naman siguro na ayaw mo sa kanya kaya ganoon nalang ang mga sinabi nya sayo kaninang umaga."   paliwanag ni Eunice.

Pumasok sila sa isang restaurant at inilapag sa sahig ang mga paper bags na may laman ng pinamili nila kani-kanina lamang sa Mall. Pagka-upo nila ay umorder kaagad sila ng drinks.

"Ang sakit nya lang kasi magsalita, pinagluto ko na nga sya at pinagsilbihan tapos ganoon pa ang sasabihin nya sakin?"

"Intindihin mo na lamang sya, Sophie. Hindi magtatagal, magiging ayos rin kayo."   paliwanag naman ni Andrea.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon