Chapter 2. 31; Accident

5.2K 100 12
                                    

DyosaJadine36>>> Accident

Puting kisame, puting pader, puting bed sheet, puting sahig. All is white at alam ko kung nasaan ako. Nasa loob ako ng kwarto ng isang hospital.

Kagigising ko lang kanina at ngayon ko lang din naalala ang lahat. Naaksidente ako nuong hinabol ko si Dion at ang mga anak ko papuntang airport.

Nakakapagtaka nga eh, buhat nung magising ako ay hindi ko pa sila nakikita. Nasan na ba sila? Nasan na si Dion? Nasan na si Xeldre, si Sage at si Sean?

"S-sophie!" mabilis akong napalingon sa babaeng kararating lang.

"Eunice!" bigla nalang tumulo ang luha ko nang banggitin ko ang pangalan nya.

Mabilis itong tumakbo papunta sa direksyon ko tsaka ako niyakap ng sobrang higpit. Napansin ko rin sina Andrea, Francesca, Abegail, Lyn, Paul, Kevin, Luigi, Julius at Gregor. Namiss ko sila!

"It's true, you are alive!" halos di makapaniwalang bulalas ni Andrea.

"Oo naman Andrea. Ako pa ba?" turan ko rito at humalakhak.

Nagsi-upo sila sa couch pagkatapos naming magyakapan at mag-iyakan. Masyado naman kasi silang oa eh sure naman akong ilang araw lang akong tulog.

Sumunod na dumating ang pamilya ko sa probinsya. Ganun lang din, iyakan at kumustahan.

Pero nabalot naman kami agad ng katahimikan. Gusto kong malaman kung nasaan na iyung mag-ama ko.

"Guys, nasan sina Dion at ang mga anak ko? Bakit wala pa sila?"

"Sophie... H-hindi mo ba naaalala?"

Napataas ang isa kong kilay sa itinanong ni Lyn. Ano bang ibig nyang sabihin?

"Babe, hwag mo syang biglain" untag ni Kevin na mas nagpagulo ng isipan ko.

"Just please tell me!" halos bulalas ko na sa mga ito.

Napapakapit ako ng mahigpit sa suot kong hospital gown. Pakiramdam ko ay may mali eh.

"Ako na ang magpapaliwanag" pagsingit ni Kuya Isko kaya napunta rito ang lahat ng atensyon namin.

"Sophie. Dalawang taon at limang buwan kang na-comatose" tila nanlaki ang aking mata dahil saking narinig.

D-dalawang taon at limang buwan na akong comatose?! H-hindi! Sariwa pa sakin ang mga nangyari, akala ko ilang araw lang akong tulog?!

"H-hindi totoo iyan Kuya Isko! Doctor, I need a doctor! Iyung doctor na nagcheck up sakin kanina, papuntahin nyo sya rito" lumuluha kong sabi.

"Sophie makinig ka sakin" mahinahong untag ni Kuya Isko.

"Sophie. Hanggang ngayon, hindi alam ng mag-ama mo ang nangyari sayo. Dalawang taon at limang buwan na silang nasa States"

Wala akong magawa kundi ang mapahagulhol kasabay ang walang tigil na pag-iling. Naramdaman ko nalang ang pagyakap sakin ni Eunice. Bakit hindi nila alam?

"H-hindi nyo man lang sila binalitaan tungkol sa nangyari sakin Kuya Isko?! Ganun ba talaga kayo kapursegido na paghiwalayin kami ng lalaking pinakamamahal ko? Si Dion?!"

"Ikaw ang may gusto na isekreto iyun Sophie"

Natigilan ako sa sunod na sinabi ni Kuya Isko. A-ako ang may gusto nito?! Paano, hindi ko maintindihan.

"Nawalan ka ng malay nung maaksidente ka. Sandali kang nagising nung nasa ambulansya kana at sinabi mong isekreto ito sa mag-ama mo"

Ano?! Sinabi ko iyun----oo tama! Naaalala ko na.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon