Jealousy
Mahimbing at masarap ang naging tulog ni Sophie lalo pa't katabi niya ang kasintahan, honestly speaking ay ayaw niyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama specially ramdam niya ang mahigpit at masarap na yakap ni Dion.
Nakangiting hinigpitan niya ang pagkakayakap sa binata at hindi naiwasang isubsob ang mukha sa mabangong leeg nito. Nanggigigil siya dahil sa masarap kayakap ang binata.
"Huy malandi kong pinsan, lumabas ka dyan!" bigla'y sigaw ng kung sinong taong nasa labas ng kwarto.
Napamulat agad siya ng mata dahil sa matinis na sigaw na iyon, idagdag pa na malalakas ang katok sa pinto na ginagawa nito. It's Erika, for sure. Ano na naman ba ang kailangan nito sa kanya? Alam niyang siya ang kailangan nito dahil siya lang naman ang tinatawag nitong malanding pinsan at sa kanya lang naman ito palaging galit.
"Who's that, honey?" tanong ni Dion na bahagya pang bumangon, kinukusot nito ang kaliwang mata.
Mukha itong nabulahaw mula sa pagtulog.
"Mukhang si Erika iyon. Dito ka muna." umalis siya sa pagkakayakap nito at tumayo.
Pinagbuksan niya ng pinto ang nagwawalang babae na si Erika at ganoon nalang ang pagkagulat niya nang bigla itong sumugod at agad siyang sinabinutan.
"Malandi kang babae ka!" sigaw nito.
Bago pa man siya makasagot at bago pa man siya makalbo ni Erika ay pumagitna na si Dion at Bryan at pinaghiwalay sila ng pinsan niya. Yakap-yakap siya ni Dion habang masama ang tinging ipinupukol sa galit niyang pinsan. Halos lahat ng kasama nila sa bahay ay sa kanila nakatuon ang atensyon.
"Ano na naman bang problema mo sakin, Erika?"
"Iyang kalandian mo!" nanggigil na sigaw nito.
Hindi na niya napigil ang sarili na magalit kaya marahas niyang inalis ang pagkakayakap ni Dion sa katawan niya. Hindi na yata niya matitiis ang kasamaan ng ugali ni Erika.
"Ano na naman ba ang nagawa ko sayo?"
"Nagsumbong sakin si Erich! Magka-usap raw kayo kagabi ng boyfriend ko! At parang ahas iyang mga kamay mo kung makapulupot sa braso ni Bryan!" ani nito na mas lalong nagpakunot sa kanyang noo.
"That's not true, Erika! We didn't even touch, malayo ang agwat naming dalawa."
"Erich, hindi mo kailangang gumawa ng kuwento dahil lang sa may galit ka sakin." bumaling siya sa nakababatang kapatid ni Erika.
"Itatanggi mo pa? Kitang-kita ng dalawang mata ko na nilalandi mo si Kuya Bryan!"
"Don't yell at my girlfriend and don't make up a story against my girlfriend that has no truth!" galit na sabad ng boyfriend niya, malalim ang bawat paghinga nito na animo'y anumang oras ay handa na itong sumakmal.
"Tama na, Dion." pagpapahinahon niya sa binata.
Dion is so scary when he is mad.
"Tama na Erika, Erich. Walang kasalanan si Sophie, ako ang lumapit sa kanya." sabad ni Bryan.
"This is your fucking fault, you asshole!" walang ano-ano'y sinugod ni Dion ang huli at sinuntok sa mukha.
Bago pa man mas lumaki ang gulo ay kaagad siyang pumagitna sa dalawa, nakayakap siya sa baywang ni Dion at pilit na pinipigilan ang kamao nito na lumapat sa mukha ni Bryan na walang kalaban-laban. Halos kaladkarin niya ang kasintahan palayo kay Bryan.
"Bakit mo sinaktan ang boyfriend ko!?" akmang sasampalin ni Erika si Dion nang pigilan niya ang kamay nito.
"Subukan mong idampi ang madumi mong kamay sa malinis na mukha ng boyfriend ko, ako mismo ang makakalaban mo." she threatened.
BINABASA MO ANG
The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)
RomanceThe already chaotic life of Sophie Tehada was further disrupted when her path collided with Dion Samonte, who barged into the bathroom while she was showering just to offer her a contract. 'Give him a child in exchange for five million.' He did ever...