Chapter 28; Pagpapahirap At Pananakot

4.6K 109 3
                                    

DyosaJadine36>>> Pagpapahirap

"Good morning sweetheart! And good morning sa mga anak ko!"

Napangiti ako tsaka bumangon mula sa pagkakahiga. Ginising kasi ako ni Dion mula sa pagkakatulog. Ginising nya ako sa matamis nyang halik sa labi at sweet nyang mga sinabi.

"Aalis kana agad?" natanong ko sa kanya.

Ang aga pa kasi. Pero mukhang ready to go na sya. Gusto ko pa naman syang makasama ng mas matagal.

"Oo eh. May kaunting problema sa company. May kailangan lang ako na tapusin sa opisina ko"

"Kung ganun mag-ingat ka at magpahinga rin"

"Sure, I have to go honey. I love you"

"I love you more"

Hinalikan ako sa labi ng malalim bago nya hinalikan ang aking noo at tiyan. Nag'I love you' din sya sa mga bata bago tuluyang umalis.

"Ah!"

Naramdaman ko na naman iyung pagsipa ng babies ko sa tiyan ko. Napangiti nalang ako. Kaunting panahon nalang mga anak. Makikita nyo na kami ng Daddy nyo.

Katatapos ko lang kumain. Babalik  na sana ako ng kwarto nang makasalubong ko si Mama. Bakit parang ang dilim ng mukha nito? It looks like she's mad. Pero nginitian ko nalang ito.

Huminto sya sa harapan ko. Nakataas ang isang kilay at hindi man lang ito ngumiti pabalik sakin. May galit ba sya sakin?

"Mama" nasambit ko nalang nang bigla nitong hawakan ang braso ko ng sobrang higpit.

Pakiramdam ko ay babakat ang mga daliri nito sa braso ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya dito.

"Mama, may p-problema po ba?!"

"Oo meron!"

Nagulat nalang ako nang hilahin ako nito papasok sa kanyang kwarto. This is the first time na makita kong ganito si Mama. At hindi ko akalaing kaya nya akong saktan in just touching me so hard.

Pakkkkkkk!!!!

Nanlaki ang mata ko at napahawak saking pisnge na sinampal ni Mama. H-how can she slap me?! Anong kasalanan ang nagawa ko kay Mama para ganituhin nya ako? Do I did something wrong that I didn't notice?

"Mama, bakit po?"

"Bakit?! Nang dahil sa magulang mo, namatay ang anak ko!"


Limang oras na ang nakakalipas. Hanggang ngayon sariwa parin sakin ang lahat ng nalaman ko.

Ang parents ko ang pumatay sa kapatid ni Dion? At si Mama ang pumatay sa magulang ko?

Iba't-ibang emosyon ang aking nararamdaman. Galit, sakit, gulat, pagdudududa at takot.

Galit ako, galit na galit ako sa ina ni Dion dahil ito ang dahilan kung bakit bata palang ako, namatay na ang mga magulang ko.

Pero natatakot ako. Natatakot ako naalaman ito ni Dion. Ang sabi ni Mama hindi pa ito alam ni Dion. Paano nalang kapag magalit muli sakin si Dion? Mahal na mahal nya ang kapatid nya. And maybe mawala ang pagmamahal nya sakin. I don't kmow what to do.

Napahilamos amo saming mukha sa tuwing naaalala ko ang mga ibinunyag sakin ni Mama.

[Flashback]

"Bakit?! Nang dahil sa magulang mo namatay ang anak ko!"

Nanlaki ang aking mata sa sinabi nito. Naguguluhan ako. Ano bang sinasabi ni Mama?!

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon