Chapter 2.37; Camping Tragedy

4K 116 22
                                    

DyosaJadine36>>> Camping Tragedy

[Dion's Point Of View]

"Daddy!"

Nagtataka akong niyakap ang aking mga anak pagkapasok ko sa loob ng mansion. Malalim na ang gabi pero naabutan ko parin silang gising.

Bahagya pa akong nagulat nang mapansing kagagaling lang ang mga ito sa pag-iyak at mahahalata iyun sa kanilang mga mata.

"Umiyak ba kayo babies?" tanong ko sa mga ito bago lumuhod sa harapan nila.

"Yes Daddy" sagot ni Sage na mukhang naluluha na naman.

"Why?"

"Kasi po hindi ko kayang tanggapin na si Tita Sheila ang Mommy namin" umiiyak na sagot ni Xeldre.

Puno ng pagkalito ang isipan ko ngayon. Paano nila nalaman ang tungkol sa malaking kasinungalin na iyun?

"I hate you Daddy" natigilan ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang sabihin iyun ni Sean. He hates me?

"Kuya, what did you said?!" hindi makapaniwalang tanong ng dalawa kay Sean.

"I said, I hate you Daddy. You're such a liar!"

"I d-don't get you son" nauutal kong saad dito.

Mismong ang anak ko na ang nagsabi sakin na may poot syang nararamdaman sakin, but I'm his Dad.

"I know she's not our genuine Mom. I know she's not our real Mom, she's not our biological mother. Pero bakit nagpakilala sya sa mga kapatid ko as our mother?"

"Hey Sean, listen to me. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ng babaeng iyun sa inyo na ina nyo sya, but believe me... Hindi ko alam----"

"Daddy, I don't love you na po kapag nalaman ni Mommy Sophie ang tungkol dito. Ayaw ko pong masaktan si Mommy Sophie, sya lang ang Mommy ko!" bulyaw pa ni Sean bago nagtatakbo patungo sa kwarto nito.

Wala sa sariling napatayo ako. Ano bang kabaliwan ang pinagsasabi ng Sheila na iyun sa mga anak ko?! Magbabayad talaga sya sakin!

"Malulungkot si Mommy Sophie kapag nalaman nyang dumating na ang real Mommy natin" rinig kong sabi ni Xeldre.

Naalala ko bigla ang kaganapan samin ni Sophie nung nasa office ako kanina. Hindi ko naman gustong masaktan o malungkot si Sophie eh, hindi ko ginusto.

"Love pa naman nya tayo. Pero kahit dumating pa si Tita Sheila, si Mommy Sophie lang ang ituturing kong Mommy" turan ni Sage.

"But you know what Kuya, I don't believe in Tita Sheila. Hindi ko ramdam na sya iyung mother ko"

"I don't know" may pagkibit balikat pang saad ni Sage bago sila tuluyang pumasok sa kanilang kwarto.

Napabuntong hininga ako. Napansin ko nalang na may ilang butil ng luha ko ang pumatak sa sahig. Bakit ba nangyayari ito sakin?

Ang hiling ko lang naman ay ang maging masaya ang pamilya namin at maging buo. Alam kong never ng mangyayari ang mabuo ang pamilya namin dahil may iba ng pamilya ang babaeng pinakamamahal ko, pero kahit ang maging maligaya nalang. Pero dahil sa ibang tao, hindi iyun mangyari-yari.

Dideretso na sana ako ng kusina nang mapatigil ako at mapalingon sa may gilid ko kung nasaan nakaupo ang aking tatlong anak at si... Sheila.

Nakaramdam agad ako ng matinding galit nang makita ang babaeng dahilan kung bakit galit sakin si Sophie at Sean. What is she doing here?! Ang lakas ng loob nyang magpakita at magpunta pa rito?!

"Kids, I brought you some toys" nakangiting inabot ni Sheila ang mga laruang dala nya ngunit itinapon lamang iyun ni Sean.

"You're not our mother! Get lost!" talagang ayaw nito sa babaeng iyun. Maging ako rin naman.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon