Epilogue

8.2K 138 5
                                    

DyosaJadine36>>> Epilogue

It's been years nung ma-ikasal sya kay Dion. Maybe 25 years ago, pero walang kupas parin ang pagmamahalan nila. Well that's true love, it never fading.

Dahil nga sa pagmamahalan nilang dalawa ay mayroon na silang sampung anak. Masaya silang mag-asawa na pinalaki ang anak sa magandang asal. Kaso nga lang, sa panahon ngayon ay iba na talaga ang mga ugali ng mga kabataan ngayon.

Si Sean, hayun sobrang tahimik at sobrang sungit. Wala na nga itong time para sa sarili dahil tutok sa work. Napapakuyom nalang siya ng kamao sa tuwing naaalala nya na nagbago ang anak dahil sa isang walang kwentang babae.

Si Sage naman ay hayun, napakababaero kaya palagi nya itong pinagsasabihan. Pero napakatigas ng ulo nito at hindi nakikinig sa kanya. Dapat siguro ay gumawa na sya ng paraan upang mapatino ang kanyang anak.

Si Xeldre, masaya sya para sa anak. Isa na itong sikat na model at number one pa sa buong Pilipinas. Pinoproblema nya nga lamang ang pagiging sadista at mataray nito. Hay naku, may magkakagusto pa kaya sa anak nyang ito?

Kapag dating naman niya sa anak na si Algeib ay talagang naaawa sya sa anak. Palagi nalang kasi nitong nilalait ang sarili. Aminado naman syang mataba ang kanyang anak ngunit masasabi nyang napakagwapo parin naman ito. Naiinis sya kapag naaalala niya ang babaeng niloko lamang ang kanyang anak.

Si Alegine naman na kakambal ni Algeib, napapakamot nalang sya sa ulo sa tuwing tinatanong nya ang anak kung may boyfriend na ba ito. Eh kasi naman, no boyfriend since birth. Wala nga rin itong crush kahit artista man lang. Napapa-isip tuloy siya kung magkaka-asawa pa ito balang araw.

Isa pang problema nya ay si Danic. Once in a day lang nya kung makita ang binata sa labas ng kwarto nito. Palaging nagtatago sa maraming tao, kahit siya na ina nito ay tinataguan ng anak. Napakadilim pa naman ng kwarto nito dahil he loves black. Napakasungit rin nito, may pinagmanahan sa kapatid. Madalas nitong sigawan ang mga katulong at maging mga kapatid kaya ito tinaguriang dragon eh. Gwapo naman ang anak nya kahit na nalapnos ang kalahati nitong mukha.

Si Dennice naman ay problema nya rin. Her daughter is having an affair with Gio, Eunnice and Gregor's son. Gio is such a womanizer, kaliwa't-kanan ang mga babae nito and she's afraid that her daughter's heart shattered someday.

Sumunod naman ay si Deshly, paano kasi iyung anak niyang iyon ay mahilig magpunta sa auction at sumasali sa bedding na ang ipinagbebenta naman ay puro tao. Hindi nya alam kung matutuwa ba sya sa anak dahil tinutulungan nyang makalaya ang ibang tao o hindi dahil hindi naman nito kilala ang mga taong binibili nito. And as far as she know, illegal ang auction na pinupuntahan ng anak.

Isa pa nyang problema ang kakambal nitong si Shine na walang ibang gawin kundi ang makipag date kahit kanino. Gustong-gusto na kasi nitong magpakasal kaso lang ay wala itong magustuhan dahil isa pa namang mataas ang standard nito pagdating sa lalaki. Pero ang alam niya ay may natitipuhan itong lalaki, which is ang pogi nitong driver.

At ang pinakahuli niyang problema ay si Dylan. Mahilig ito sa color pink but it doesn't mean na bakla ito. Sa ganda ba naman ng pangangatawan ng anak. Kaso lang ang tingin ng karamihan sa anak nya ay bakla, kaya hayan walang nagkakagustong babae.

Napabuntong hininga na lamang sya. Namimiss na niya ang dating mga anak. Nung maliliit pa lamang ang mga ito ay palagi silang magkakasama at walang mga problema. Pero ngayon ay minsan nalang sila magkita-kita.

"Hey hon, ang lalim ng iniisip mo?" napangiti sya nang makita ang kanyang asawa.

Napakabango naman nito, kalalabas lamang nito galing sa banyo. Naligo kasi ito para daw fresh kapag natulog sila.

"Are you alright?"

"Oo naman hon, namimiss ko lang iyung mga anak natin"

"Also me, I miss them too pero wala na tayong magagawa kung busy sila. Malalaki na silang lahat, any moment ay magkakaroon na sila ng bagong pamilya"

"Yeah you're right" sabi nya pa bago humiga.

Tumabi sa kanya ang asawa bago niyakap sya ng mahigpit. Kahit na maputi na ang buhok nito at medyo kulubot na ang balat ay hindi mapagkaka-ilang gwapo parin ang kanyang asawa. Hay, masyado na silang matanda.

"Hon, pwedeng maglambing?"

Mabilis syang dumistansya sa nakangiting binata. Sumakit tuloy bigla ang kanyang likuran dala ng katandaan.

"Tigilan mo ako Dion ah? Pinagod mo ako kagabi tapos ngayon hihiling kana naman?"

"What? Masama ba? Sige na please? Regalo mo na sakin para sa anniversarry natin tomorrow"

Napangiti sya nang banggitin nito ang anniversarry nila bukas. Kinikilig na naman sya kahit matanda na silang dalawa.

"Mommy?" natigilan sila nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyun ang sampu nilang mga anak.

"Hey, what are you doing here our angels?" sabay nilang tanong na dalawa.

"Maglalambing po!" sabay-sabay silang nagtakbuhan palapit kay Sophie at Dion at yumakap pa ang mga ito.

"Alam po naming busy kayo sa isa't-isa bukas dahil anniversary nyo kaya maglalambing na kami ngayon" nakangiting turan ni Sage.

"Mommy, mas pagagandahin kita bukas" nakangiting prisinta ni Xeldre.

"Mommy, Daddy. Advance happy anniversary po" bati ni Sean at ni Dylan.

"Mommy, ako ang bahala sa foods" sabi pa ni Danic.

"Kung gusto nyo po ng singer, I'm in" natawa na lamang sila sa sinabi ni Dennice.

"Naku Ate, hwag na baka umulan" pagbibiro ni Alegine rito.

"Tutulong ako sa pagseset ng settings basta hwag sa paghahain ng pagkain" tumawa silang lahat sa sinabi ni Algeib, umiiwas talaga ito sa mga pagkain ngayon.

"Mommy, mag-invite ka ng mga poging kasing edad ko lang ah? Malay nyo may mapangasawa na pala ako bukas" umiling-iling nalang sila sa sinabi ni Shine.

"Patutulungin ko ang mga tauhan ko sa paghahanda ng anniversary nyo Mommy. Masisipag iyung mga tauhan ko na nakilala ko pa sa auction" nakangiting suhestiyon ni Deshly.

"Salamat sa inyo mga anak ko" pasasalamat nya sa mga ito.

"Pwede po bang dito muna kami matulog Mommy, Daddy?" tanong pa ni Xeldre.

Tumango sya bago ngumiti. Malaki naman kasi ang kama. Pinagawa pa nila iyun para kasya silang labing dalawa.

"Kayo talaga mga anak. Sinisira nyo ang diskarte ko. Kung hindi kayo dito matutulog baka magkaroon pa kayo ng bunsong kapatid" lahat sila natawa sa sinabi ng ama. Loko talaga.

"Tama na nga iyan, matulog na tayo" nakangiting sabi pa nya bago nahiga.

Lahat sila ay masayang natulog ng magkakasama. Minsan lamang iyun kaya ayaw nilang palagpasin.

"Sophie, hon are you still awake?" rinig nyang tanong ng asawa.

"Yes hon, why?"

"Nothing, I just want to say I love you Sophie Tehada Samonte. My one and only gorgeous wife. Good night honey"

"I love you too my one and only handsome husband, Dion Samonte. And good night honey"

Author's here!

Dyan na po nagtatapos salamat sa mga sumuporta. Love yeah!

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon