Hey guys! Masyado na bang boring ang story kong ito? Heheh, pasensya na. Maging ako bored dito. Pero pinipilit kong matapos.
DyosaJadine36>>> Ang nalaman ni Dion
"Wow! Hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang lugar na ito!" bulalas ko pagkalabas palang namin ng sasakyan.
Nagkayayaan kasi ang pamilya ni Dion na magpunta dito sa Baguio. At totoo palang napakaganda dito.
"Sabi ko naman sayo Ate Sophie eh, magugustuhan mo talaga ang lugar na ito!" nakangiting ani ni Dean.
"Oo nga, nagustuhan ko talaga ang lugar na ito. Ang sarap pa langhapin ang hangin!" sabi ko pa tsaka itinaas sa ere ang dalawang kamay.
May simpleng bahay sina Dion dito sa Baguio, at nasa itaas pa ito ng bundok. Oo mayaman sila, pero kung mamuhay sila ay parang isang simpleng tao lamang.
Nakakatuwa ngang isipin na hindi sila katulad ng ibang mayamang tao na masama ang ugali at lumalaki pa ang ulo.
"Kaya pala nagustuhan ka ni Kuya, hindi kalang pala mabuting tao... Talagang ang ganda-ganda mo pa!"
Napaharap ako sa sinabi nito. Binigyan ko sya ng matamis na ngiti. Kahit pala buntis ako eh ang ganda ko parin. Hihih!
"Ahermn! Dean, ipasok mo itong mga bagahe sa loob ng bahay! Bilis!" sabay kaming napalingon ni Dean sa lalaking nagsalita mula sa likuran.
Si Dion.
"Naku Ate Sophie, nandyan na pala ang seloso mong fiancee!" saad ni Dean at sinundan pa nya ito ng pagtawa.
"Tumigil ka nga sa panglalandi mo kay Sophie! Pumasok kana sa loob---- f*ck!"
Pareho kaming nagulat ni Dion nang halikan ako ni Dean sa pisnge at nagtatakbo papasok ng bahay. My gosh! Wala sa isip ko na magagawa ng batang iyun ang bagay na iyun.
"Mananagot ka sakin Dean, you're dead!" akma na sanang tatakbo si Dion para habulin si Dean nang pigilan ko ito.
"What now Sophie?!" irita nitong tanong.
"Hwag mo nalang pansinin ang kapatid mo. Inuuto kalang nun, ikaw naman ang bilis mong mapikon. Isa pa, di mo man lang ba pupunasan ang pisnge ko?"
Sandali itong natigilan na syang nagpatawa sakin ng patago. Dali-dali naman itong kumuha ng panyo mula sa kanyang bulsa tsaka inilapat saking pisnge.
"Nakakainis iyung mokong na iyun! Hwag lang sya papahuli sakin!"
"Ano kaba Dion, pabayaan mo nalang iyung kapatid mo!"
"Pabayaan? Hinalikan nya iyung babaeng pinakamamahal ko. Walang pwedeng gumawa nun sayo Sophie, ako lang. Dahil sakin kalang. Teka nga muna, nagustuhan mo yata iyung halik nya eh!"
"Hwag ka ngang madumi ang isip dyan Dion! Para sabihin ko sayo, ayuko lang na mag-away kayo ng kapatid mo because of that kiss. Wala lang iyun sakin, parang kapatid ko narin iyang kapatid mo"
"Kahit pa! Mananagot sya sakin! Pati ikaw!"
Tila nag-init iyung ulo ko sa sinabi nya. Gigigil pa kasi sya kahit mali. Ang ayaw ko lang naman ay magkagalit sila ng kapatid nya.
"Edi sige, awayin mo ang kapatid mong si Dean. Pero kahit mapadugo mo pa iyang labi nya, mas masarap naman syang humalik kesa sayo!" panimula ko. Gusto ko syang asarin eh.
BINABASA MO ANG
The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)
RomanceThe already chaotic life of Sophie Tehada was further disrupted when her path collided with Dion Samonte, who barged into the bathroom while she was showering just to offer her a contract. 'Give him a child in exchange for five million.' He did ever...