Inuulit ko po, hindi ko na bibigyan ng Point Of View ang ating characters. Thanks!
DyosaJadine36>>> Confession.
Walang ibang magawa si Sophie kundi ang humagulhol na lamang dahil sa matinding takot na nararamdaman.
Habang buhat ito ng isang lalaki ay naririnig niya ang mga pinag-uusapan ng mga ito. May nag-utos pala sa kanila na babuyin sya at pagkatapos ay iwan nalang ng mag-isa.
Nalaman nya ring hindi nito inutos na patayin sya kundi ang tanging gahasain lamang. Puno ng pagtataka at pagkalito ang kanyang utak.
Sino ba ang Nica na iyun upang iutos sa mga ito ang ganitong bagay? Wala naman itong natatandaan na may kakilala syang Nica at may nagawa syang kasalanan rito.
"Nandito na tayo" may paghalakhak pang saad ng isang lalaki.
Mas napa-iyak pa si Sophie nang huminto na ang mga ito sa paglalakad at basta na lamang itong inihiga sa loob ng isang kubo.
"Pakiusap hwag nyo itong gawin, nagmamakaawa ako" lumuhod pa si Sophie upang magmakaawa sa mga lalaking tumatawa lamang.
"Sorry Miss, pero tigas na tigas na kasi kami sayo eh" tumatawang sabi ng lalaking nagbuhat sa kanya.
Napakawalang hiya talaga ng mga ito. Kahit kailan ay hindi nagawang bastusin ni Dion si Sophie ng ganito.
"Ikaw naman kasi Miss, ang ganda mo eh. Tapos ang sexy pa at napakakinis ng maputi mong balat" sabay-sabay na nagtawanan ang mga ito.
Nanlilisik na tinitigan sila ni Sophie. Kailangang makaalis agad sya upang makahingi ng tulong at hihilingin nyang protektahan sya ni Dion.
Oo tama, ang lalaking mahal na mahal niya. Kung matatakasan nya ang limang walang hiyang lalaking basta nalang dinukot sya at dinala kung saan ay baka makakahingi sya ng tulong. Pero hindi pala nito alam kung nasaan na sila. Nasa kagubatan na ang mga ito at nalilito sya kung saan ang daan pabalik.
Kailangan kong makaalis dito. I need to see Dion. Sabi nito sa kanyang sarili. Tanging si Dion ang pumapasok sa kanyang isipan. Sinisigurado nyang ipaglalaban na nya ang pagmamahal nya para sa lalaki kapag nakatakas sya sa mga ito.
Huminga ng malalim si Sophie bago mabilis na tumayo at tinuhod ang lalaking nasa harapan nya at nagtatakbo palayo. Ngunit hinabol siya ng apat na lalaki.
Wala siyang pakialam kung saan siya mapunta, ang mahalaga ay ang makatakas muna siya sa limang kalalakihan na iyun bago nalang niya hahanapin ang daan pabalik.
"Dion" patuloy nitong binabanggit ang pangalan ng lalaking pinakamamahal.
Masyado ng madilim. Paniguradong naliligaw na sya. Napakalayo na nila sa camping area. Mas lalong naiyak ang dalaga dahil nawawalan na sya ng pag-asa.
Napaupo sya sa ilalim ng malaking puno at duon umiyak ng umiyak. Kung sana hindi sya umalis sa harapan ni Dion.
"Nandito lang ang babaeng iyun!" natigilan sya at kinilabutan nang marinig ang boses ng isang lalaki.
Sigurado si Sophie na isa iyun sa mga lalaking dumukot sa kanya. Napatakip sya ng bibig nang marinig ang yabag ng mga ito. She have to get out of here.
Tumayo sya at akmang tatakbo nang harangan sya ng isang lalaki. Lagot na, paniguradong katapusan na nya talaga.
"Saan ka pupunta huh?!" ngumisi ang nagtatanong na lalaki bago sya sinunggaban.
BINABASA MO ANG
The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)
RomanceThe already chaotic life of Sophie Tehada was further disrupted when her path collided with Dion Samonte, who barged into the bathroom while she was showering just to offer her a contract. 'Give him a child in exchange for five million.' He did ever...