Chapter 8

11.7K 312 11
                                    

Contract No More

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Sophie bago siya ngumiti nang malapad. Naglakad siya palapit kay Dion na kabababa lamang sa hagdan. Inalis niya ang suot na apron at mabilis na hinawakan ang braso nito. Tumigil ito sa paglalakad at walang emosyon na tumingin sa kanya.

"Dion, ipinagluto kita ng makakain mo for breakfast."   mas lumapad ang ngiti niya sa mga labi.

"I don't have appetite to eat here, sa office nalang ako kakain."   tumalikod ito at akmang maglalakad paalis na kaagad niyang hinarangan.

"Dion, you should eat kahit kaunti lang. Niluto ko talaga iyong mga pagkain na nasa kusina para sayo. Tara, sasabayan kitang kumain."

"I said, no!"   marahas nitong hinigit ang braso mula sa kanya.

Hindi na niya matatagalan ang ganitong pakikitungo sa kanya ng lalaki. She need to talk to him right here and right now, halos dalawang araw na kasi itong ganito sa kanya. Hindi na yata nya matitiis ang ganitong set up nilang dalawa ni Dion.

Hindi na ito natutulog sa tabi niya, kapag tinatabihan nya naman ito sa pagtulog ay lalabas ito ng kwarto at sa kabilang silid matutulog. Sa tuwing lalapitan nya si Dion para kausapin, mabilis itong lalayo o kaya naman ay gagawa ng excuse.

She really miss this guy, she really does.

"I have to go."

"No. Kailangan muna nating mag-usap ng maayos, Dion."

"Mahuhuli na ako sa trabaho."

"Hindi ka makakaalis dito hangga't hindi tayo nagkaka-ayos. Siguro okay lang sayo na ganito ang set up natin pero para sakin hindi ito ayos. Dion, hindi pa ba sapat ang mga sorry ko? I was drunk that night at wala akong maalala kina-umagahan, hindi ko naman alam na ako pala ang nagbigay ng motibo sayo nung gabing iyon dahil hindi ako ganoong klase ng babae."   she paused for a moment.

"Kaya napagbintangan kitang pinagsamantalahan ako, hindi ko sinasadya---"   naputol ang sasabihin niya when he interrupted, her heart tear apart.

"Fine! I'll talk to you so stop being too emotional, this is so annoying."   tila napipilitang bulyaw nito sa kanya.

Here goes her teary eyes. Any moment from now ay tiyak na tutulo na ng walang humpay ang mga luha niya pero sinisikap niyang huwag maluha. Tumingala siya bago bumuntong hininga, muli niyang hinarap ang lalaki with a firm look. Hindi niya ipapakita sa binata na nanghihina siya.

"Gusto kong maging maayos tayo hindi iyong ganito na nagpapanggap kang ayos na ang lahat that obviously not, Dion."   humawak siyang muli sa braso nito.

"Let go of my arm, I have an important meeting with Ms. Ortega so let me go now."

"Anong pag-uusapan nyo ni Ms. Ortega?"   kunot noong tanong niya.

Nakaramdam kaagad siya ng selos sa sinabi nito. Kilala nya ang Pia Ortega na iyon at alam niyang may gusto ito kay Dion. Kilala ang babaeng iyon sa pagiging aggressive pagdating sa mga lalaki, especially kay Dion na minsan na nitong inakit at mismong mga mata niya ang nakakita.

"About business of course, and maybe some personal topic like our lovelife. That beautiful woman asking me about my lovelife so often."   he said then smirked.

"Ngayong nasagot ko na ang tanong mo, can I leave now? Hindi dapat pinaghihintay ang magandang binibini katulad ni Ms. Ortega."

Pinakatitigan niya si Dion na animo'y kinikilatis mabuti. Ang magaling na lalaki ay pinagseselos siya. Well good job, well done Dion dahil ngayon ay nagseselos na talaga siya . She felt jealous at hindi niya ipagkaka-ilang kumikirot ang dibdib niya, not literally. But seriously, this is too much.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon