Tehada Family
Within five days, the news about Sophie's boyfriend, Dion, and about Pia spread like a wildfire. Ayon sa kumakalat na balita ay may relasyon na daw ang dalawa, that Dion is already dating Pia. Alam naman ni Sophie na walang katotohanan ang balitang iyon, alam rin ni Dion na ang Pia na iyon ang may kagagawan kung bakit kumalat ang maling balita.
Ngayong may pagkakataon na siyang makausap ang talipandis na babaeng iyon ay hindi nya nais sayangin ang pagkakataon na iyon. Sumusobra na si Pia kaya kailangan na niyang gisingin sa katotohanan ang impokrita.
Dapat malaman ng babaeng iyon na wala itong karapatan na gumawa ng kuwento patungkol sa kanila ni Dion dahil unang-una ay pagmamay-ari na niya ang binata. Matagal nang gusto ni Dion na ipakilala siya sa lahat ng tao, na ipaalam kay Pia ang kanilang relasyon pero pinigilan muna niya ang binata dahil nais niyang surpresahin ang malanding babae.
Heto na ang tamang pagkakataon na iyon.
Kinakabahan siyang bumaba ng sasakyan. Tonight is the 16th Anniversarry of Samonte's Empire, ang kompanyang pinatatakbo ng boyfriend niya. At siya ang partner ni Dion.
"You look so nervous." bulong ni Dion habang naglalakad sila palapit sa entrance.
Napakagara ng paligid. Halatang hindi basta-basta ang nag-ayos nito.Naka-red carpet pa ang daanan papasok. Well, she should no longer be surprised. Malaking kompanya sa Samonte's Empire. Add that Dion Samonte is rich, he has a luxurious lifestyle so this kind of party is just a coin for the latter.
"You look so gorgeous. You are perfect so don't be nervous." halatang pinalalakas lang nito ang loob niya.
"Ngayon palang kasi ako makakadalo sa ganitong party. Isa pa, hindi ako sanay na nakasuot ng gown at naka-makeup. Hindi ako komportable."
"Just be yourself! I'm sure, magugustuhan ka nila."
Hindi na siya sumagot dahil papasok na sila sa loob ng paggaganapan ng party. Isang mamahaling restaurant ang reception na nagpapamangha sa kanya. Ang paligid ng restaurant ay ang garden. Mamahalin ang lugar, ang mga handa at mukhang mayayaman lahat ng bisita. Nahihiya tuloy siya.
Huminto sila sa paglalakad dahil nagsasalita pa ang emcee.
"Just calm down, honey." bulong ulit ni Dion at tuluyan na silang pumasok sa loob.
Nakatapat sa kanila ang spot light. Inilibot niya ang tingin sa paligid at nahanap niya ang table na kinaroroonan ng mga kaibigan nila, imbitado rin kasi ang mga ito. Lahat ng tao ay sa kanila lamang nakatingin. Pero hindi ang mga taong ito ang hinahanap ng kanyang mga mata kundi ang talipandis na babae. Tinignan niya ang Pia na iyon at bahagya itong nginisihan.
Sari-saring komento ang naririnig niya mula sa mga taong nakatingin sa kanilang dalawa ng partner niya. Ikinangiti naman nila ni Dion ang kanilang mga naririnig dahil puro papuri iyon.
"Ang ganda ng partner ni Sir Samonte."
"They look good together."
"Para silang mga sikat na modelo."
Ipinaghila siya ni Dion ng upuan nang sa wakas ay marating nila ang table na nakalaan para talaga sa kanila. Magkatabi sila ng huli na nakaupo at magkahawak pa ang kanilang mga kamay na animo'y ayaw nilang pakawalan ang isa't-isa.
Wala naman talaga siyang balak na pakawalan si Dion sa mga oras na ito dahil unang-una, malayo ang kinaroroonan nila sa mga kaibigan nila at si Dion lang ang kakilala niya kaya ayaw niya na mapahiwalay rito. Isa pa, ramdam niya ang nakamamatay na tingin ni Pia kaya mas lalo niyang ipinakita sa babae ang magkahawak na kamay nila ng boyfriend niyang si Dion.
BINABASA MO ANG
The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)
RomantizmThe already chaotic life of Sophie Tehada was further disrupted when her path collided with Dion Samonte, who barged into the bathroom while she was showering just to offer her a contract. 'Give him a child in exchange for five million.' He did ever...