Chapter 2.33; Mommy

4.7K 108 3
                                    

DyosaJadine36>>> Mommy

"Hey Sophie! May ibabalita ako sayo at alam kong matutuwa ka sa malalaman mo" nakangiting sabi ni Chrizel at kaagad na lumapit sakin.

Nandito kami ngayon sa kusina. Nagpeprepare ng meryenda ni Veronica. Dahil walang kasambahay dito, ako narin ang gumagawa basta kayang-kaya kong gawin at hindi makakasama sa pagbubuntis ko.

"Ano naman iyun Chrizel, you look excited dyan sa sasabihin mo sakin ah?" panunuya ko pa.

"Well, alam kong matutuwa ka! It's about your daughter and sons"

Natigilan ako saking ginagawa nang marinig ang sunod nyang sinabi. T-tungkol sa mga anak ko? Tungkol kay Sean, Sage at Xeldre?

"W-what about them?" nauutal kong tanong.

"Alam ko na kung saan sila nakatira at kung saan sila nag-aaral" nakangiting sagot nito na ikinatuwa ko talaga.

"Really?!" hindi ako makapaniwala.

"Oo. Ang problema nga lang eh, kahit alam mo kung saan pupuntahan ang mga anak mo... Hindi ka naman basta-basta makakalapit sa kanila. Remember, nagkandaletse-letse ang buhay mo dahil ng ina ni Dion. At isa pa, buntis ka Sophie!"

"Siguro naman makakagawa pa ako ng paraan. I'll do anything para lang makalapit at makasama kong muli ang mga anak ko. Could you tell me kung saan sila nakatira at nag-aaral?"

Mababakas kay Chrizel ang matinding pag-aalala. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko. Kahit sa ina pa iyan ni Dion. Gagawin ko ang lahat, para lang sa mga anak ko.

Madaling araw palang ay nagising na ako at naligo. Gustong-gusto ko ng makita ang mga anak ko. Miss na miss ko na talaga sila.

Pinagbawalan at pinagsabihan na ako ni Chrizel at Chris na hwag padalos-dalos sa mga gagawin ko, pero hindi na ako makapaghintay pa na mabawi sila kaya ako na mismo ang gagawa ng paraan para mapalapit ako sa kanila ng walang kahit na anong tulong mula kanino.

Plano kong puntahan ang mga anak ko. Kahit mapanuod ko lang sila mula sa malayo ay ayos na ako.

"My? Where are you going?"

Natigil ako sa pagsusuot ng hat nang mapansing nakapasok pala si Veronica ng kwarto ko. Should I tell her the truth na aalis ako para puntahan ang aking mga anak? O magsisinungaling ako sa bata?

"Baby... Kasi ano eh"

"My, mukhang aalis po kayo. Pero tulog na tulog pa po si Daddy at Mommy. I will wake them up po para maihatid ka nila sa pupuntahan nyo" akma itong lalabas ng kwarto ko pero agad ko itong pinigilan.

Hindi dapat itong malaman ni Chris at Chrizel. Paniguradong magagalit ang mga iyun at hindi nila hahayaang makalabas ako ng bahay.

"Veronica, darling... Pwede bang, isekreto mo nalang kay Daddy mo at kay Mommy Chrizel mo na aalis ako?"

"Why po My?" hindi ko agad ito sinagot at sa halip ay pinaupo ko sya sa kama bago ako tumabi sa kanya.

"Do you remember the three kids that you met in the toy store?" mahinahon kong tanong rito.

"Yes My, bakit po?"

"Well, sila iyung tunay kong mga anak na nahiwalay sakin for two years!"

Nanlaki ang mata nito na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ko. What a coincidence naman kasi diba?

"Sila po My?!" pag-uulit nito.

"Yes Veronica"

"Kaya po ba hindi nyo ako kinakausap this past few days, because inaway ko po ang mga anak nyo My? Sorry po" naiiyak nitong turan na ikinangiti ko.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon